08/06/2026
SEN. TULFO, PABOR NA GAWING STATE WITNESS ANG MGA CONGRESSMAN SA FLOOD CONTROL
Ibinahagi ni Senador Erwin Tulfo ang kanyang pagpabor sa ideya na gawing state witness ang ilang miyembro ng House of Representatives sa isyu sa flood control.
Sa isang panayam, sinabi Tulfo na mas mainam na gawing state witness ang mga mambabatas kaysa sa mga contractor at mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot umano sa korupsyon.
“Bakit sila magiging state witness? Brice, si Alcantara lalo na itong sina Discaya, kalokohan,” ani Tulfo.
“Pupuwede pa siguro ‘yung mga mambabatas ‘pag nagsalita diyan ‘yung mga na-accuse diyan. ‘O willing ka ba magsalita? O sige ituro mo, sino pang alam mo na nandiyan na kasamahan, ‘yung tinatawag na congtractors” dagdag pa niya.
Ayon kay Tulfo ay hindi katanggap-tanggap na gagawing state witness ang mga pinaghihinalaang nagnakaw ng milyon-milyong piso.
"Parang sampal sa taumbayan iyan. Ninakawan ka na ginawa mo pang state witness,” aniya.
Ang mga state witness ay nagkakaroon ng immunity sa mag kasong may kinalaman sa isyu na kanyang nalalaman at gustong ipaalam sa korte para makatulong sa imbestigasyoon.
[Orihinal na ibinahagi noong Oktubre 2025]
゚