30/06/2025
“Gusto ko ng sumuko”
Kelan nga ba ang tamang panahon para sumuko? Gaano ba katagal para masabi mong "tama na, tigil na". Im, F(30). Meron akong ex, same age kami. We've been together for 10yrs and nag break na kami 8yrs ago. Recently lang kami nagkausap ulit after nila maghiwalay ng ipinalit nya sakin. For the past years, hindi kami masyado nagkakausap. Tamang batian lang pag may occasions. I never thought na mamahalin ko ulit sya ng sobra.
At first, gusto ko lang naman talagang icomfort sya since alam ko kung gaano nya kamahal yung partner nya at kung gaano sya ka broken dahil sa paghihiwalay nila. I did my best to win her back. Para lang maramdaman nya na iniwan man sya, may tao pa rin na handa syang mahalin at saluhin. Never nya ko pinaasa, open sya kung gaano nya kamahal yung ex nya at until now, kahit almost a year na silang hiwalay, di pa rin sya totally healed. Choice kong umasa, choice kong maging sandalan nya. Choice kong masaktan habang nasasaktan sya dahil sa iba.
Choice kong damayan sya kahit ako mismo nasasaktan na rin dahil sakanya. I know, she tried her best para mahalin ulit ako. Naramdaman ko naman yun. Pero alam kong naging toxic din ako. I kept on comparing na bakit ganun, bakit ganyan. Bakit nung naghiwalay kami, ang bilis nyang magkaroon ng iba, bakit nung naghiwalay sila, hindi pa rin sya maka get over. Alam ko, mali yun. Maling ikumpara ko ang sarili ko sa iba.
Mali na kwestyunin ko ang mga desisyon nya. Ang nararamdaman nya. Yung dati na pag uusap namin everyday, dumalang nalang dahil sa hindi pagkakaintindihan. Yung hindi nya pag contact sakin ng ilang days, napalitan na ng weeks, hanggang sa almost a month. As of now, we're still talking. But hindi na katulad ng dati. Maybe because tinanggap ko ng hindi na sya babalik sakin.
Na hindi na talaga magiging kami. Sapat na rin siguro talaga ang almost a year na paghihintay ko sakanya para masabi ko sa sarili ko na "tama na, tigil na". Sinabi ko sakanya before, "ok lang na mahal mo pa sya. Ako na muna ang lalaban para satin, para maging tayo ulit". Pero ang hirap pala talaga lumaban pag hindi naman ikaw yung gusto ipanalo. Ang hirap lumaban pag hindi ikaw ang gusto. Ang hirap maghintay pag may iba syang hinihintay.
To you, my Love, tulad ng lagi kong sinasabi, nandito lang ako palagi para sayo. Susuportahan kita sa kahit na anong desisyon mo. Handa akong masaktan at maging masaya sa kung anuman ang maging desisyon mo. Iba man ang piliin mo. Ok na ko sa ganito. Kuntento na ko na hindi kana ulit babalik sakin. Na hindi mo na ko pipiliin. Katulad ng sinabi ko noon, mas gusto kong habang buhay mo na maramdaman na ayaw mo na sakin kesa ang malaman mong mahal mo na ulit ako kung kelan wala na ko. Kung kelan sumuko at napagod na ko. Mahal na mahal kita. Sayo ako magiging masaya. Pero mas magiging masaya ako pag nakita na ulit kitang totoong masaya kahit pa sa piling ulit ng iba. Sorry kung hindi ako naging sapat. Sorry kung ako yung nandito at hindi sya. Sorry kung pagod na ko umasa at maghintay.