14/10/2025
GRABE ka naman sa mga Taga Davao Tulfo!
“PUSAKA” ANG TAGA MANAY? MATUD NI RAMON TULFO 🤔
Gitawag sa boardcaster nga si Ramon Tulfo nga “pusaka” ang iyang mga kababayan sa Manay, Davao Oriental gumikan matud pa sa ilang gipakita nga kinaiya sa pag-abot ni President Ferdinand Marcos Jr.
Sumala pa sa post ni Tulfo sa iyang account nagsyagit matud pa og “Sara, Sara!” ang mga residente sa dihang miabot si Marcos sa Manay.
Ang tibook pamahayag ni Tulfo:
Hay, mahal kong Manay, di kita maintindihan!
Ako’y taga Manay, pero kinahihiya ko ang asal ninyo.
Pumunta ang Pangulo ng Pilipinas sa ating bayan upang magpakita ng pagkalinga sa naging biktima ng lindol, pero di man lang kayo nagpakita ng pasasalamat.
Lumapag sa helicopter si BBM kahapon sa Manay, Davao Oriental—ang epicenter ng napakalakas ng lindol—upang ipadama sa mga tao doon na ang gobiyerno ay parang magulang at nag-aaalala sa kapakanan ng kanyang mga anak.
Pero, anong ginawa ninyo?
Sa halip na matuwa kayo at suklian ang kabutihang-loob ni BBM ay nagsigaw-sigaw kayo ng “Sara, Sara!”
Di ninyo makalimutan kahit panandalian man lang ang pulitika.
Para sa akin ito ay kawalan ng magandang asal.
Look, I have no love lost for BBM. Para sa akin ay malayo siya sa kanyang ama na si Ferdinand Marcos Sr.
But no matter how the people of Manay regard BBM, they should respect his position if they can’t respect his person.
Pero kung sabagay, wala kang maaasahan sa aking mga kababayan.
Ano mang kabutihang-loob ang ipapakita mo sa kanila ay masama ka pa rin.
Kung sa English, they feel entitled; they think the world owes them a living.
Palibhasa karamihan sa kanila ay pusaka, mga taga-bundok na malayo sa sibilisasyon.
“Class” ang tawag diyan sa English. Sa mga may pinag-aralan na taga Manay ay alam nila ang kahulugan ng “class” o “refinement.”
Huwag sana kayong magalit sa aking pagpuna sa kawalan ng magandang asal ninyo, mga kababayan kong taga Manay.
Masakit man ay tanggapin natin na kulang pa tayo ng refinement.
Kaya hanggang ngayon ay third class municipality pa rin ang Manay.