12/04/2025
For Context:
May kasabay po na magbiyahe si Tatay, may online booking na sila for 7pm. Hindi namin alam kung bakit sa sobrang excited niya ba nauna na siya kahit may usapan naman sila na ihatid siya sa at magkita ng kasama niya. Si Tatay lang nakakaalam ng nasa isip niya. Kasi ayaw niya talaga na ihahatid pa siya or pasasamahan dahil kaya pa naman daw niya at the age of 87. Pero kasi di natin alam ang panahon ngayon, daming manloloko sa mundo. Saka mahina na din ang pandinig niya kaya ayaw talaga namin na payagang bumiyahe mag-isa. Kaya sino ba ang hindi mag-aalala. :(
-----
Si Tatay ay umalis ng mag-isa around 3:30am kaninang umaga pero nalaman lang namin 4:30am na. Hinanap namin, hinabol sa Sampaloc kasi don lang naman ang alam namin na sinasakyan niya, Florida or Victory Liner. Around 9am umuwi na kami kasi wala talaga kaming makita at wala din napansin or di na napansin sa dami ng tao ang mga nasa terminal. Pero nagka-idea kami ng sinabi ng isang driver sa Victory Liner na ang mga galing daw ng Cavite don daw sa Pasay hinahatid ng mga taxi driver.
Nagkita kami ng ate at pamangkin ko sa PITX saka kami bumalik sa Pasay para puntahan doon. Good thing noong tinanong ko yun lady guard sa entrance, nong una di niya maalala kasi yung back picture niya ng damit at description lang ang sinabi ko pero nong nakita niya yung mukha ni Tatay don niya na naalala na inassist niya pala as chance passenger kasi fully booked na nga.
Ayun confirmed nakasulat ang pangalan ni Tatay at may isang passenger na nagconfirm na nakita nga niya. Kinontak ng lady guard yun driver ng bus na nasakyan ni Tatay at luckily mabait si Kuya kinausap niya kami. Pinaassist ko sa kanya at naginform pa nga sa akin na nagkita na si Tatay at ang apo niya. To make the long story short nakarating siya ng Cauayan, Isabela na safe.
wag bigyan ng pamasahe kung di pa talaga aalis, kung ang tatay mo malakas ang loob bantayang mabuti baka tumakas.
Ayun lang, stressed pero Thank You Lord safe ang Tatay namin. 🙏
----
Finally, nasa Maconacon na siya!