30/04/2025
Maraming salamat po panginoon sa inyong pag gabay sa amin ngayong gabi na ito β¨
At maraming salamat din po sa lahat ng dumalo sa isinagawang caucus ng Team Torres-Lamit, na kinabibilangan nina Vice Mayor Ronel Lamit at ating mga konsehal na sina Dhebrick Alvarez, Jinky Leobit, LV Santonil, Dave Manalo, Allan Saqui, Shutal Torres, at Allan Aguilar Villaluz, kasama ang ating minamahal na Congressman Doc. Paul Aguinaldo Abaya at ang napakagwapong si Dior Paredes Chua, sa Noveleta Town Plaza. ππ
Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong pakikiisa at pakikinig sa mga platapormang aming inilahad, gayundin po sa aming pagbabahagi ng mga saloobin.
Nais po naming linawin na ang aming hangarin ay hindi upang manira ng kapwa. Sa halip, layunin po naming ilahad ang katotohanan, batay sa mga isyung may malinaw na ebidensiya. Hindi po ito kasinungalingan, at lalong hindi paninira kundi pawang mga katotohanang dapat ninyong malaman. βπ»
Muli, maraming salamat po sa tiwala at suporta. Sama-sama nating isulong ang tunay na pagbabago para sa ating bayan! π«Άπ»π€