Earth Watch Philippines Digital

Earth Watch Philippines Digital Our commitment is to deliver reliable and timely information not only about disasters, but all major events and happenings around the world.

From breaking news to global developments, we strive to keep every Filipino informed, aware, and prepared.

LOOK: 13 DEAD IN MASSIVE FIRE AT TAI PO, HONG KONG.A major fire hit the Wang F*k Court housing estate in Tai Po, Hong Ko...
26/11/2025

LOOK: 13 DEAD IN MASSIVE FIRE AT TAI PO, HONG KONG.

A major fire hit the Wang F*k Court housing estate in Tai Po, Hong Kong on November 26, 2025, after bamboo scaffolding covering several buildings caught fire. Firefighters rushed to contain the blaze, but strong winds and the flammable scaffolding materials fueled its rapid spread.

Authorities confirmed 13 deaths, including one firefighter. Several others were injured and are being treated as investigations into the cause of the fire continue. Some residents were evacuated for safety.
📷 Reuters/Rossyll Miranda

ILANG G**O SA BONTOC, SOUTHERN LEYTE, NAPILITANG LUMUSONG SA BAHANapilitang lumusong at lumangoy sa rumaragasang baha an...
25/11/2025

ILANG G**O SA BONTOC, SOUTHERN LEYTE, NAPILITANG LUMUSONG SA BAHA

Napilitang lumusong at lumangoy sa rumaragasang baha ang ilang g**o sa Brgy. Malbago, Bontoc, Southern Leyte ngayong Martes, November 25, matapos tangayin ang pansamantalang kahoy na tulay na ginagamit ng komunidad.

Ito ang nagsilbing kapalit ng konkretong tulay na nasira ng bagyong Tino. Sa kasagsagan ng , pinili nilang suungin ang panganib para lamang makauwi. Hiling ng uploader na mabigyan agad sila ng bagong tulay para sa kaligtasan ng mga residente. 📷: Rudy Tuan Diabordo

BAHA SA BACOLOD CITY🌀🌨️TINGNAN: Nakaranas ng biglaang pagbaha ang Purok Carvic sa Barangay Mandalagan, Bacolod City dahi...
25/11/2025

BAHA SA BACOLOD CITY🌀🌨️

TINGNAN: Nakaranas ng biglaang pagbaha ang Purok Carvic sa Barangay Mandalagan, Bacolod City dahil sa malakas na pag-ulan na dala ng .

Ang matinding buhos ng ulan ay nagdulot ng mabilis na pagtaas ng tubig sa Mandalagan River, na naging sanhi ng pagbaha sa ilang bahagi ng komunidad.

STAY SAFE EVERYONE..

📷: Patrick Tejare

24/11/2025

IN VIDEO | BAGYONG VERBENA, TUMAMA NA SA NEGROS ISLAND

Malakas na ulan na may kasamang hangin ang naranasan kaninang umaga sa Purok Luhod-Luhod, Barangay Bata sa Bacolod City dulot ng pagdaan ng Bagyong Verbena sa Negros Island ngayong araw, Nobyembre 25, 2025.

Sa ngayon, nakataas ang Red Heavy Rainfall Warning at Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa buong isla. Maging alerto palagi sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.

🎥: Daniel John Makilan

24/11/2025

BAHA SA CARCAR CITY CEBU🌨️

Bumaha sa Población 2, Carcar City matapos ang malakas na ulan na dala ng bagyong Verbena. Ayon sa Facebook post ni Ana Thieldae, mabilis na umapaw at rumagasa ang tubig-baha sa kalsada ng naturang lugar.

📷 Ana Thieldae

BAGYONG VERBENA KUMILOS NA PATUNGONG NEGROS ISLAND SIGNAL' NO.1 NAKATAAS PARIN HALOS BUONG VISAYAS.Tropical Depression V...
24/11/2025

BAGYONG VERBENA KUMILOS NA PATUNGONG NEGROS ISLAND SIGNAL' NO.1 NAKATAAS PARIN HALOS BUONG VISAYAS.

Tropical Depression VERBENA ay patuloy na nananatili ang lakas habang kumikilos pahilaga-kanluran patungong Negros Island Region ngayong Martes, Nobyembre 25, 2025. Ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 9 na inilabas 5:00 AM, namataan ang sentro ng bagyo sa karagatan malapit sa Pinamungahan, Cebu. Taglay nito ang 55 km/h na lakas ng hangin, bugso na 90 km/h, at kumikilos nang 25 km/h.

🌀 TCWS No. 1 — Kumpletong Listahan
Wind Threat: Malalakas na hangin (Strong Winds)
Range: 39–61 km/h
Impact: Minimal hanggang minor na pinsala

Luzon
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Romblon
Northern at Central Palawan (Araceli, Taytay, El Nido, Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City)
Calamian Islands
Cuyo Islands
Cagayancillo Islands
Mainland Masbate (Balud, Mandaon, Milagros, Cawayan, Placer, Pio V. Corpuz, Esperanza, Uson, City of Masbate, Mobo, Palanas, Aroroy, Cataingan, Baleno)

Visayas
Antique
Aklan
Capiz
Iloilo
Guimaras
Negros Occidental
Negros Oriental
Siquijor
Cebu
Bohol
Samar
Eastern Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte

Mindanao
Dinagat Islands
Surigao del Norte
North Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, San Miguel, Tandag City, Tago)
Agusan del Norte
NE Agusan del Sur (Sibagat)
Camiguin
Misamis Oriental

North Misamis Occidental (Sapang Dalaga, Calamba, Baliangao, Plaridel, Lopez Jaena, Oroquieta City, Aloran, Panaon, Jimenez, Concepcion)

North Zamboanga del Norte (Jose Dalman, Manukan, Pres. Manuel A. Roxas, Katipunan, Dipolog City, Polanco, Piñan, Dapitan City, La Libertad, Sibutad, Rizal, Mutia)

🌧️ MALAKAS NA ULAN
Patuloy ang banta ng malalakas hanggang matitinding pag-ulan sa Visayas, Northern Mindanao, Caraga at ilang bahagi ng Luzon dahil sa kombinasyon ng Shear Line, Amihan, at TD VERBENA. Posible ang baha at landslide.

🌊 MAPANGANIB NA KONDISYON SA KARAGATAN

Gale Warning ang umiiral sa Northern Luzon seaboards.
Very rough seas hanggang 5.5 m sa ilang bahagi ng Luzon.
Delikado sa lahat ng uri ng sasakyang-dagat.

🌀 FORECAST TRACK
Nag-landfall si VERBENA sa Talisay, Cebu noong 2:40 AM.
Tatawirin nito ang Visayas at hilagang Palawan bago lumabas sa West Philippine Sea bukas ng umaga.

Posibleng lumakas bilang Tropical Storm, at maaaring umabot sa Severe Tropical Storm habang nasa West Philippine Sea.

Courtesy Dost Pagasa

BAHA SA TAGBILARAN CITY BOHOL🌀🌨️Bumabaha na sa Lamdagan Street, Barangay Cogon, Tagbilaran City ngayong gabi dahil sa tu...
24/11/2025

BAHA SA TAGBILARAN CITY BOHOL🌀🌨️

Bumabaha na sa Lamdagan Street, Barangay Cogon, Tagbilaran City ngayong gabi dahil sa tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng Tropical Depression Verbena.

Pinapayuhan ang mga nakatira malapit sa mabababang bahagi na maging alerto at agad lumikas kung kinakailangan, lalo na’t posibleng magpatuloy pa ang pag-ulan sa mga susunod na oras.

Patuloy namang naka-monitor ang mga lokal na awtoridad sa sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Courtesy: BFR

BOHOL NATAKPAN NG MAKAPAL NA KAULAPAN NASA RED RAINFALL WARNING MAGING ALERTO SA BANTA NG PAGBAHA AT PAGGUHO NG LUPA🌀🌨️N...
24/11/2025

BOHOL NATAKPAN NG MAKAPAL NA KAULAPAN NASA RED RAINFALL WARNING MAGING ALERTO SA BANTA NG PAGBAHA AT PAGGUHO NG LUPA🌀🌨️

Natakpan ng makapal na kaulapan ang buong lalawigan ng Bohol ngayong gabi dahil sa patuloy na pag-ulan at masamang panahon dulot ng Tropical Depression Verbena.

Sa satellite image, makikitang halos hindi na makita ang lalawigan ng Bohol dahil sa napakakapal na ulap na nagdadala ng malalakas na buhos ng ulan at may pabugso-bugsong hangin.

Samantala inaasahan tatawirin ni bagyong Verbena ang Southern portion ng Bohol ngayong gabi hanggang magdamag susunod tatawirin ang Southern portion ng Cebu at bukas ng umaga sa Negros Island naman ang tutumbukin ng bagyong Verbena.

Patuloy na pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibilidad ng biglaang pagbaha, pagtaas ng tubig sa ilog, at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mababa at bulubunduking bahagi ng Bohol.

Inaasahan ding mananatili ang masungit na panahon habang kumikilos pa-hilaga at pa-kanluran ang bagyong Verbena. Authorities at LGUs sa lalawigan ay nakaantabay para sa anumang emergency response.

Samantala sa ibang lugar naman:
Naglabas ang PAGASA ng Heavy Rainfall Warning No. 6 para sa Visayas ngayong 8:00 PM, Nobyembre 24, 2025 dahil sa epekto ng Tropical Depression VERBENA.

🔴RED WARNING sa Iloilo (ilang bayan), Southern Leyte, Leyte, Biliran, Eastern Samar, Samar, Capiz, , Cebu, Siquijor, Negros Oriental at Negros Occidental. Inaasahan ang seryosong pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking bahagi.

🟠 ORANGE WARNING sa ilang bayan ng Iloilo, Guimaras at Aklan. Nanganganib ang pagbaha at posible ang landslide.

🟡 YELLOW WARNING sa Antique kung saan posible ang pagbaha at pagguho ng lupa.

STAY SAFE EVERYONE..

📷 Windy.com

VERBENA NAPANATILI ANG LAKAS, AT INAASAHAN TATAWIRIN ANG CENTRAL VISAYAS NGAYONG GABI HANGGANG BUKAS NG MADALING ARAW.Na...
24/11/2025

VERBENA NAPANATILI ANG LAKAS, AT INAASAHAN TATAWIRIN ANG CENTRAL VISAYAS NGAYONG GABI HANGGANG BUKAS NG MADALING ARAW.

Nakapagtala na ng landfall ang Tropical Depression “VERBENA” dakong 1:30 PM sa Bayabas, Surigao del Sur, at ngayon ay kumikilos na sa bahagi ng Jabonga, Agusan del Norte. Huling tinukoy ang sentro nito sa 9.3°N, 125.6°E.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 45 km/h malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 75 km/h, habang nananatili ang central pressure na 1000 hPa. Patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran (WNW) sa bilis na 30 km/h, at ang malalakas na hangin nito ay umaabot hanggang 200 km mula sa sentro.

NARITO ANG NASA WIND SIGNAL NO.1

Luzon
Southern portions of Occidental Mindoro and Oriental Mindoro, Romblon, and mainland Masbate."

Visayas
Central and southern portions of Eastern Samar and Samar; Biliran, Leyte, Southern Leyte; Bohol; northern and central portions of Cebu (including Bantayan and Camotes Islands); northern portions of Negros Occidental and Negros Oriental; Iloilo, Capiz, Aklan, Antique (including Caluya Islands), and Guimaras."

Mindanao
Dinagat Islands, Surigao del Norte (including Siargao and Bucas Grande Islands), northern portion of Surigao del Sur, and northern portion of Agusan del Norte."

Ayon sa track forecast, inaasahang tatawid ang VERBENA ngayong gabi hanggang bukas ng madaling araw sa Southern portion ng Bohol at coastal waters ng Dalaguete, Cebu pagsapit ng 2:00 AM, Nobyembre 25, bago tumawid pa-kanluran patungong West Philippine Sea.

Posible itong lumakas sa lakas-Tropical Storm habang papalayo sa bansa at inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng Nobyembre 27, sa kanlurang bahagi ng Kalayaan, Palawan, bilang isang Severe Tropical Storm.

Patuloy na pinapaalalahanan ang mga residente sa Visayas at Mindanao na maging alerto sa posibleng malalakas na pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng mga rainfall warning.

Courtesy Dost Pagasa

JUST IN:  VERBENA NAG LANDFALL NA SA BAYABAS, SURIGAO DEL SUR.🌀Nag-landfall na ang sentro ng Tropical Depression VERBENA...
24/11/2025

JUST IN: VERBENA NAG LANDFALL NA SA BAYABAS, SURIGAO DEL SUR.🌀

Nag-landfall na ang sentro ng Tropical Depression VERBENA sa Bayabas, Surigao del Sur bandang 1:30 PM ngayon, Nobyembre 24.

Ayon sa pinakahuling ulat, patuloy na nagdadala ng malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Caraga Region, partikular sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, at mga kalapit na lugar. Inaasahang magpapatuloy ang malakas na ulan na maaaring magdulot ng flash floods at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mabababang lugar at bulubunduking komunidad.

Ang susunod na landfall ni bagyong VerbenaPh is Bohol mamayang 11pm ng gabi.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa susunod na mga advisory at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan. Stay safe everyone.

24/11/2025

SITWASYON SA CATMON, SAINT BERNARD, SOUTHERN LEYTE SA ILALIM NG RED RAINFALL WARNING🌨️

Patuloy na nakararanas ng matinding pag-ulan ang mga residente ng Catmon sa Saint Bernard, Southern Leyte matapos ilagay ang lugar sa RED Rainfall Warning bunsod ng epekto ng Tropical Depression Verbena. Dahil dito, mataas ang banta ng pagbaha, landslide, at biglaang pagtaas ng tubig sa mga ilog at kanal.

Pinapayuhan ang mga residente, lalo na ang nakatira sa mga mababang lugar at gilid ng bundok, na agad lumikas kung kinakailangan at sundin ang mga paalala ng kanilang LGU para sa kanilang kaligtasan.

🎥: Evelyn Clemente Sibay Godinez

VERBENA TATAWID NA NGAYONG HAPON SA CARAGA REGION AT MAMAYANG GABI NAMAN SA BOHOL, SOUTHERN CEBU AREA.🌀🌨️Patuloy na nana...
24/11/2025

VERBENA TATAWID NA NGAYONG HAPON SA CARAGA REGION AT MAMAYANG GABI NAMAN SA BOHOL, SOUTHERN CEBU AREA.🌀🌨️

Patuloy na nananatili ang lakas ni Tropical Depression VERBENA habang papalapit na itong mag-landfall sa Surigao del Sur ngayong hapon. Huling namataan ang sentro nito sa karagatang sakop ng Bayabas, Surigao del Sur, taglay ang lakas ng hanging 45 km/h at pagbugsong umaabot sa 55 km/h habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Itinaas ang TCWS No. 1 sa maraming bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao, kabilang ang Cebu, Bohol, Leyte, Samar, Negros, Guimaras, ilang bahagi ng Mindoro, Palawan, at malaking bahagi ng Caraga at Northern Mindanao.

Inaasahan ang malalakas na pag-ulan, pagbaha, at posibleng pagguho ng lupa dahil sa kombinasyon ng VERBENA at shear line. May babala rin ng malalakas na hangin at maalon hanggang napakaalon na karagatan, kaya mariing pinapayuhan ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa delikadong kondisyon ng dagat.

Ayon sa PAGASA, tatawid si VERBENA sa Caraga ngayong hapon, at dadaan mamayang gabi sa Bohol Southern Cebu are at Southern portion ng Negros Island, at hilagang Palawan hanggang bukas, bago lumabas ng PAR sa Huwebes. Posible rin itong lumakas at maging tropical storm pagdating nito sa West Philippine Sea.

COURTESY DOST PAGASA

Address

Cebu City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Earth Watch Philippines Digital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Earth Watch Philippines Digital:

Share