22/06/2026
Ang estudyanteng tumayo at lumapit sa pinto para isarado ito na makikita sa video ay si Chris.
Sa halip na unahin ang sariling kaligtasan, buong tapang na kumilos si Chris upang isara at seguruhin ang pintuan ng kanilang silid-aralan. Sa ginawa niyang ito, napigilan niyang makapasok ang mga umaatake at nailigtas ang kaniyang mga kaklase mula sa mas malaking kapahamakan.
(Translated from Waray to Tagalog ayun sa g**o ng biktima)
Masakit ang part na ito. Kung sino pa ang mabait kong estudyante, siya pa ang tinarget.
โSabi ng kaklase niya, โMaโam, tatakbo na sana sila palabas, pero nagsalita siya na iwan na lang siya dahil nabaril na raw siya.โโ
โGrabe, Maโam. Si Fabian, ibinigay niya ang buhay niya para sa mga kaklase niya.โ
Isinakripisyo niya ang sarili niya.
โOkay lang kami, Maโam, pero si Chris Fabian, wala na.โ
Grabe, Chris. Hindi ko inaasahan na ganito ang matatanggap kong mga chat mula sa mga kaklase mo na naging estudyante ko sa San Jose.
Sa kabila ng sakit na iniwan ng trahedyang ito, si Chris Lorenz Fabian ay aalalahanin bilang isang tunay na bayaniโisang estudyanteng nagpakita ng tapang, pagmamahal, at sakripisyo para sa kaniyang mga kaklase.
May you rest in peace, Chris Lorenz Fabian.
Justice for Chris and the other victims๐๐ฟ๐๏ธ
ccto