14/08/2025
VOW IN BLOOD
Author: Nex Javar
(Accidentally Summoned a Demon Boyfriend)
Maingay ang ulan sa bubong ng lumang apartment habang binubuklat ni Andrea ang isang makapal na librong binili niya sa ukay-ukay ng mga lumang gamit. Nakasulat sa takip: "Arcana Obscura – Mga Ritwal ng Lihim na Panawagan".
"Pang aesthetic lang 'to," bulong niya habang nagkakape.
Hindi siya naniniwala sa mga ganyang kababalaghan.
Pero bored na siya sa walang patutunguhang gabi, lalo na't iniwan siya ng boyfriend niyang si Lester para sa kapitbahay.
Binuklat niya ang pahina na may pamagat: "Ritwal ng Puso't Laman".
Kakaiba — may diagram ng isang bilog, mga simbolo, at babala: "Bawal basahin ng walang pusong handang ibigay ang sarili."
Napailing siya. "E di wow."
Pero dahil trip lang, nagdrawing siya ng bilog gamit ang lipstick sa sahig, inilagay ang kandila sa apat na sulok, at binasa nang malakas ang Latin phrase sa libro.
Sa huling salita, biglang lumamig ang hangin. Namatay ang kuryente. Sumiklab ang apoy ng mga kandila nang kulay asul.
At mula sa gitna ng bilog, unti-unting lumitaw ang isang lalaking matangkad, nakaitim na balabal, may p**ang mata at tila usok na dumadaloy mula sa balat.
Ngumiti ito — ngiting parang alam na niya ang lahat tungkol sa kanya.
"Ako si Kael, ang iyong sinumpaang kasintahan," wika nito, malalim at malamig ang boses.
"Wait — ano?!" Halos matapon ni Andrea ang kape. "Ako ang tinawag mo, at ayon sa kasunduan ng dugo… magiging akin ka hanggang sa huling tibok ng puso mo."
"Ha?
Eh hindi naman kita —." Singhal ni Andrea na may panginginig sa boses dala ng pagkabigla at gulat.
"Binasa mo ang mga salita. Tinapos mo ang bilog. Tumawag ka. Kaya ako nandito."
Napalunok si Andrea.
Super handsome si Kael sa paraang hindi pang-tao — matangos ang ilong, oozing confidence, pero may something sa aura niya na nakakatindig-balahibo.
Sinubukan niyang kanselahin ang ritwal. Pero sabi sa libro: "Walang pagbabalik; tanging k**atayan o pagkumpleto ng kasunduan ang tanging wakas."
At doon nagsimula ang kakaibang cohabitation nila.
Si Kael, kahit isang demonyo, marunong magluto. Marunong maglaba. Minsan pa nga, dinadalhan siya ng bulaklak. Pero may kapalit — kada hinahawakan siya nito, parang kumukuha ito ng init mula sa kanyang katawan.
Lumipas ang linggo, napansin ni Andrea na mas mabilis siyang mapagod. May mga gabi na nagigising siya at nakikita si Kael na nakaupo sa gilid ng k**a, nakatitig lang sa kanya.
"Bakit mo ako tinitingnan habang natutulog ako?" Tanong niya minsan.
"Binibilang ko ang bawat tibok ng puso mo. Bawat isa… pag-aari ko na."
Minsan natatakot siya, minsan natutunaw siya sa kilig. Lalo na nang biglang sumulpot si Lester, ang ex niya, sa pintuan isang gabi.
"Babalikan kita, Andrea. Miss na kita at pinagsisihan ko na ang lahat." Pero bago pa siya makasagot, lumitaw si Kael sa likod niya, nakahawak sa balikat ng lalaki. "No one touches what's mine."
Kinabukasan, natagpuan ang katawan ni Lester sa ilog — walang sugat, pero wala na ring buhay na nakadilat ang mga mata.
Galit na hinarap ni Andrea si Kael.
"Anong ginawa mo sa kanya?!"
"Tinanggal ko ang sakit na dala niya sa'yo. Hindi mo na siya iiyakan pa."
"Wala kang karapatan na gawin 'yon!" Sigaw ni Andrea.
Ngumiti lang si Kael. "Akin ka, Andrea. Kahit tumakbo ka pa, kahit sumigaw ka pa… ako at ako lang ang tanging nagmamay-ari sa'yo."
Sinubukan niyang sunugin ang libro, pero habang nagliliyab ito, biglang lumabas mula sa apoy ang parehong pahina ng ritwal — buo, parang hindi nasunog.
Ilang gabi ang lumipas.
Nagising si Andrea sa kakaibang panaginip — isang alaala na hindi kanya.
Nakita niya si Kael noong mortal pa ito, isang sundalo sa sinaunang panahon. Pinagtaksilan siya ng kasintahan, kaya nakipagkasundo siya sa impyerno para magkaroon ng walang hanggang kapangyarihan… kapalit ng pagmamahal na hindi na mawawala.
At doon niya naintindihan—hindi aksidente ang pagkakasumpong niya sa librong iyon.
Nabigla si Andrea nang makita ang litrato ng lola niya sa lumang baul — katabi ng isang lalaking kamukhang-kamukha ni Kael.
May nakasulat sa likod ng litrato: "Para sa pagmamahal ko sa'yo Selina, maghihintay akong babalikan mo."
Si Kael, nakatitig sa kanya mula sa pinto ng magising ito. "Ikaw… ay reinkarnasyon niya."
Ngayon malinaw na — hindi siya basta na-summon lang.
Pinlano ni Kael ang lahat, mula sa pagdating ng libro sa tindahan hanggang sa gabing mabasa niya ang ritwal.
"Bakit ako?" nanginginig na tanong ni Andrea.
"Kasi ikaw ang tanging babaeng nagpatibok ng puso ko at utang na loob ng kaluluwa ko. Ginawa kong imortal ang sarili ko para lang makita kang muli kahit pinagtaksilan mo ako."
Lumapit si Kael at marahang hinawakan ang mukha niya. "Pero tandaan mo… sa pagkakataong ito, wala nang makakaagaw sa'yo. Kahit si k**atayan pa."
At sa huling patak ng ulan, naramdaman ni Andrea ang malamig na halik ng isang nilalang na hindi na niya matatakasan — hindi sa mundong ito, o sa susunod man.
Nagsimulang lumala ang mga gabi ni Andrea.
Hindi na lang basta lamig ang nararamdaman niya tuwing hinahawakan siya ni Kael — may naririnig na rin siyang bulong sa tenga niya, mga tinig na parang galing sa ilalim ng lupa.
"Andrea... huwag kang lalayo sa kanya... o kukunin ka namin..."
Tumitingin siya sa salamin, hindi na siya ang nakikita niya, kundi ang mukha ng lola niyang nakadamit pang-lumang panahon, may mga mata na puno ng luha — si Selina. At sa likod ng lola niya… si Kael, hawak-hawak ito, gaya ng pagkakahawak nito sa kanya ngayon.
Isang gabi, habang umuulan, nagising si Andrea sa pakiramdam na may humahaplos sa kanyang buhok.
Tumayo siya, napaatras, at doon niya nakita si Kael sa pinto, nakangiti… ngunit duguan ang mga k**ay.
"Anong ginawa mo?" nanginginig na tanong niya.
"Binayaran ko ang utang mo sa pag-gamit ng libro," sagot nito. "May mga nilalang na gustong agawin ka sa akin. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon."
Ngunit sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya ang isang pares ng mga k**ay—tila k**ay ng isang babae — nakalaylay mula sa dilim at unti-unting nawawala.
Hindi na alam ni Andrea kung sino ang mas dapat niyang katakutan — ang mga tinig na sumusunod sa kanya o si Kael mismo.
Ngunit sa bawat pagtatangkang lumayo siya, laging may nangyayaring masama sa paligid: kapitbahay na misteryosong nawawala, mga pusa at a*o sa kalye na natatagpuang patay.
At laging nandoon si Kael, may bulaklak sa k**ay, parang walang kasalanan.
Isang gabi, kinausap niya ito nang diretso.
"Kael… kung talagang mahal mo ako, pakawalan mo na ako."
Tahimik si Kael.
Lumapit ito at hinaplos ang kanyang pisngi.
"Mahal? Hindi na ako marunong magmahal sa paraan ng tao. Ang alam ko lang… ay pag-angkin kung ano ang nararapat ay sa akin."
At bago siya makasagot, kinulong siya nito sa mga bisig at bumulong sa kanyang tenga:
"Bakit kita pakakawalan… kung kahit ang kaluluwa mo ay kay Selina pa rin?"
Nagsimula nang maghalo ang realidad at bangungot para kay Andrea. Sa mga panaginip niya, lagi siyang tumatakbo sa kagubatang puno ng abo.
Hanggang sa isang gabi, nagising siya na may dugo sa kanyang mga k**ay — at sa tabi ng k**a, nakahandusay ang landlord nilang matanda.
"Anong… ginawa ko…?" nanginginig niyang tanong.
"Hindi mo ginawa," sagot ni Kael. "Pero ipinakita ko sa kanila kung ano ang mangyayari kapag sinubukan nilang kunin ka sa akin."
Sa muling gabi na umuulan, dinala siya ni Kael sa gitna ng lumang sementeryo.
May bilog na p**a sa lupa, mas kumplikado kaysa noong una niya itong makita.
"Bakit mo ako dinala dito?"
"Para matapos na." Nakangiting sagot ni Andrea.
Pero bago siya makatakbo, hinawakan ni Kael ang k**ay niya at ipina*ok sa kanyang dibdib — at doon niya nakita, hindi puso, kundi isang itim na apoy na kumikislap sa puso nito.
"Simula ngayon," bulong ni Kael, "hindi ka na mawawala. Dahil ikaw… ay ako na rin."
At sa halik na iyon, naramdaman ni Andrea na parang may sumabog sa loob ng kanyang utak — mga alaala ng kanyang lola Selina.
Mga halik ng nakaraan, at ang kasunduan ng dugo na hindi na mabubura kailanman.
Sa huling patak ng ulan, natanto niyang hindi niya basta na-summon ang isang demonyo. Siya mismo ang tumawag at pumayag… sa isang kasunduan na ginawa pa bago siya isilang — hanggang sa dahan-dahang nalusaw ang anyo ni Kael na pilit hinahawakan ang k**ay niya.
"Sa Gitna ng Altar"
Ilang taon na mula nang mamatay si Lola Selina sa isang aksidente kasama ang kanyang mga magulang.
Binalikan ni Andrea ang malaking lumang bahay nito kung saan dito rin siya isinilang, nagk**alay at lumaki kasama ng mga magulang niya.
Kasama ang mga lumang gamit na pinagbabawalan siyang galawin moon pa — lalo na ang isa pang lumang baul na nakatago sa ilalim ng altar.
Pero ngayong wala na si lola… bakit hindi niya buksan?
Sa ilalim ng altar, natagpuan niya ang lumang baul — at sa loob nito ay isang lumang aklat na kulay itim, may nakaukit na simbolo ng mata. Nakasulat sa unang pahina:
"Isang beses lamang ito magagamit. At kung bubuksan mo, ihanda mo ang iyong puso."
Tinatawanan lang niya ito. "Ano bang masama kung magbasa ng kaunting "magic?"
Pero sa pagbigkas niya ng mga salitang magic sa harap ng lumang aklat, biglang bumigat ang hangin, umuga ang sahig, at bumukas ang lahat ng kandila sa paligid.
Mula sa gitna ng altar, unti-unting bumangon ang nakayuko na isang gwapong lalaki — matangkad, naka-itim, at may p**ang mata na kumikislap.
Natigilan si Andrea sa sobrang pagkagulat. Hindi siya maaaring magk**ali.
"Kael?!"
Ngumiti ang lalaki. "Ako si Kael, Prinsipe ng Pitong Impiyerno. At sa oras na buksan mo ang aklat at binigkas ang aking sagrado… muli akong magpapakita — ngunit kailanman ay hindi ako nawawala."
Bahid ng Pag-ibig
Sa mga sumunod na linggo, hindi na nawala si Kael sa tabi ni Andrea. Kahit siya'y isang demonyo, may kakaibang lambing na itong ipinapakita. Alam ni Andrea na nakakatakot ito, ngunit may kakaibang naramdaman na ang kanyang puso.
Kahit na minsan, sa tuwing natutulog siya, naririnig niya ang bulong ni Kael: "Hindi mo alam kung sino ka talaga… pero malapit mo nang matuklasan."
Ang Katotohanan
Isang gabi, habang mahimbing si Andrea, bumukas muli ang lumang aklat. Lumabas mula rito ang imahe ni Lola Selina — hindi bilang matanda, kundi bilang isang batang babae na umiiyak.
"Andrea… apo… hindi mo dapat binuksan ang aklat. Hindi siya… para sa 'yo," pabulong nitong sabi.
Nagising si Andrea. "Lola? Anong ibig mong sabihin?"
Ngunit bago ito makasagot, hinila siya ni Kael palayo. "Wala kang dapat pakinggan sa kanya. Ako ang makakapagsabi ng totoo."
At dito niya nalaman ang masakit na lihim:
Siya ang ginawang kabayaran ng kanyang lolang si Selina sa pag-iwan nito kay Kael na nag-udyok sa lalaki para ibinta ang kaluluwa nito sa demonyo.
Ang Pagpili
Nanginginig si Andrea. "Kaya pala… kaya pala may mga panaginip akong nilalamon ng apoy."
Hinawakan ni Kael ang k**ay niya. "Andrea… huwag kang matakot. Kung sasama ka sa akin, wala nang makakapanakit sa'yo. Ako lang ang magiging mundo mo."
Ngunit mula sa pintuan ng altar, muling nagpakita si Lola Selina — bitbit ang isang gintong punyal na nakatitig kay Andrea.
"Kung pipiliin mo siya apo, mawawala ka sa mundong ito magpakailanman. Pero kung pipiliin mo ako… mawawala siya, at hindi mo na siya muling makikita."
Napaluha si Andrea. Mahal na niya si Kael, pero paano kung totoo ang sinabi ng kanyang lola?
Sa huli, nilapitan ni Andrea ang kanyang lola Selina na nakatitig sa kanya, kinuha ang punyal at itinarak ito — sa sariling dibdib.
Bumagsak siya sa sahig — at sa huling sandali bago pumikit, narinig niya si Kael na sumisigaw.
"ANDREA!!!"
Ngunit nang dumilat siya muli… nasa ibang lugar na siya. Mainit, maliwanag, at walang hangganan. Sa harap niya, nakaluhod si Kael — ngunit wala nang sungay, p**a, o apoy.
"Pinili mo ang landas na walang nakakaalala. Kaya ako'y naging tao muli. Pero kapalit… wala na ring makakaalala sa 'yo."
Ngumiti si Andrea, kahit naluluha.
At doon nagsimula ang kanilang bagong buhay — bilang dalawang estranghero na nagmamahalan, sa mundong walang pangalan at walang alaala ng nakaraan.
— Wakas —
🥀kung nagustuhan mo, e-Like, Comment at wag kalimutang e-follow 👉 Nex Stories Chronicles para lagi po kayong updated sa mga susunod pang kwento.