12/07/2026
Si Tristan Jay: Ang Anak ng G**o
I
Before the sun even rises, nagmamadali na ako
To prepare everything, no time to waste kasi
Sa school, ibinibigay ko ang lahat—puso at oras
Sa mga estudyante, sila ang inuuna ko
Tinuturuan ko silang magbasa, magsulat, maging mabait
I teach them how to dream and how to be kind
Pinapasan ko ang bawat hirap at alalahanin nila
Pero hanggang alas-singko pa ng hapon, bago kami makauwi
II
Pagdating sa bahay, ubos na talaga ang lakas ko
Agad akong hihiga, hindi na makakilos pa
Sana matulungan ko si Tristan Jay sa assignments niya
Sana maipaliwanag ko ang mga aralin niya
Pero bago pa man ako makabawi ng hininga
Nakita ko na lang siyang lumalabas ng bahay
Maglalaro na sa labas, kasama ang mga kalaro
Naiwan akong nakahiga, puno ng panghihinayang
III
Marami ang nag-aakala—dahil teacher ako
Dapat matalino na agad si Tristan Jay, alam na ang lahat
Hindi na kailangang tulungan, hindi na kailangang turuan
But my son is just like everyone else—nahihirapan din, natututo pa rin
Sana matulungan ko siya nang dahan-dahan
Just like how I teach my students with so much care
Pero pag-uwi ko, pagod na ang katawan
Wala nang oras, wala nang lakas na maibibigay pa
IV
Pag tulog na ang lahat sa gabi, tinititigan ko siyang mahimbing
Bulong ko sa sarili, "Forgive me, my dear Tristan Jay"
Hindi mo kailangang maging perpekto o sobrang talino
Just because your mother is a teacher, okay lang na magkamali ka rin
Sana bigyan pa ako ng panahon at lakas balang araw
Para hindi na paglaruan ka lang, kundi samahan sa pag-aaral
I will teach you, guide you, just like I do for others
Kasi ikaw ang pinakamahalaga sa akin, higit pa sa lahat