28/09/2025
Lalaking Naka-Puti
Itago niyo na lang po ako sa pangalang “Kay”. Gusto ko lang pong ibahagi ang isang karanasan ko na hanggang ngayon ay hindi ko malimutan. Dati, tawa lang ako nang tawa kapag may nagkukuwento tungkol sa “lalaking naka-puti” sa aming lugar. Sabi ko sa sarili ko, baka imahinasyon lang nila ‘yon.
Pero isang gabi, nagbago ang paniniwala ko.
Simula bata pa ako, palaging may nagsasabi sa amin:
“May lalaking naka-puti na gumagala sa gabi.”
Hindi ako naniniwala. Wala naman akong nakikita. Ang nasa isip ko lang noon, baka gawa-gawa lang ng matatanda para takutin ang mga bata.
Hanggang sa may nabalitaan ako. May lalaki raw na namatay sa may kanto at sabi ng mga nakakita, nakita nila ang “lalaking naka-puti” bago ito nangyari. Doon ako medyo kinabahan.
Isang gabi, habang inaayos ko ang mga gamit at furnitures namin sa bahay, bigla akong nakarinig ng kaluskos sa itaas. Wala noon sina Mama at Papa kaya lalo akong kinilabutan.
Sumilip ako sa labas at doon ko siya nakita — isang lalaking naka-puti. Nakatingin sa akin at nakangisi.
“Bata… huli muna ‘tong araw…”
Nakakakilabot ang boses niya, sabay tawa nang mahaba at malamig. Para akong natulala pero pinilit kong tumakbo. Tumakbo ako papunta sa poste at doon nagkubli. Ramdam ko ang pabilis nang pabilis niyang hakbang, parang leon kung tumakbo.
Habang nagtatago ako, nagdasal ako nang paulit-ulit:
“Panginoon, iligtas niyo po ako…”
Ilang sandali lang, may dumating na mga pulis. Narinig ko pang sabi ng lalaking naka-puti:
“Bata… sa susunod… makakain kita… pero ngayon nandito na ang pulis…”
Tapos, bigla siyang nawala.
Lumapit sa akin ang mga pulis:
“Bata, ligtas ka na. Hindi ka na kukunin ng lalaking puti.”
Tinanong nila ako kung sino ang mga magulang ko at saan ako nakatira. Niyakap ko sila sa takot, at dinala ako pauwi sa amin.
Pagdating ko sa bahay, niyakap ko ng mahigpit sina Mama at Papa. Simula noon, hindi na ako lumalabas nang gabi, lalo na mag-isa.
Doon ko natutunan na totoo man o hindi ang mga kwento, mas mabuti pa ring mag-ingat. Hindi lahat ng nilalang na nakikita natin sa gabi ay gaya natin.
✍️ Kay | Dulag, Leyte