26/05/2025
SIMPLE, MURA AT MATIBAY NA IDENTIFICATION CARD UPANG MALINAW SA BAWAT PILIPINO ANG KANILANG PAGIGING MIYEMBRO NG PHILHEALTH AT MGA BENEPISYO!!
Muling nanawagan si Senator B**g Go sa PhilHealth na mas lalong paigtingin ang kanilang information dissemination upang mas maraming mga Pilipino ang nakakaalam na miyembro sila at kung ano ang mga iba't ibang benepisyo nila. Kasama na dito ang pagkakaroon ng sistema upang merong proof ng PhilHealth membership ang mga Pilipino na maipakita sa ospital at hindi matakot magpa-konsulta at magpagamot.
(1) Sa ilalim ng Universal Health Care Act, lahat ng Pilipino ay miyembro ng PhilHealth. Importante na malaman ng mga Pilipino ang kanilang mga benepisyo mula sa PhilHealth para kampante sila at hindi sila matakot na magpa-ospital o magpa-check up.
(2) Maraming Pilipino ang hindi alam na miyembro na sila ng PhilHealth. Sa katunayan, 27.8 milyong Pilipino pa lang ang rehistrado sa Konsulta program ng PhilHealth. Kaya mahalagang may malinaw na pagkakakilanlan upang hindi sila matakot magpakonsulta at magpagamot sa ospital.
(3) Malaking tulong kung may pinanghahawakan o proof ang mga Pilipino na identification na sila ay miyembro ng PhilHealth, gamit ang luma o bagong disenyo. Pwede itong maging digital ID, physical ID mula sa PhilHealth o integrated na sa existing national ID.
Bilang tugon dito, isinusulong ni Senator B**g Go ang Senate Bill No. 2983 o proposed Philippine Health Card Act of 2025, na layong mabigyan ng malinaw na identipikasyon ang bawat Pilipino. Kung maisasabatas, magiging under ito ng National Health Insurance Program (NHIP). Ang proposed ID naman na ito ay maibabahagi sa bawat Pilipino sa pakikipagtulungan sa local government units. Gayunpaman, hindi requirement ang ID para maka-avail ng PhilHealth benefits.
Maisabatas man o hindi, patuloy na mananawagan si SBG sa PhilHealth na dapat ay may maayos na registration at identification ang lahat ng miyembro --- at dapat alam ng bawat Pilipino na miyembro sila ng Philhealth. Kailangang paigtingin pa ng PhilHealth ang kanilang information campaign at dagdagan pa ang mga benepisyo para sa mga miyembro.
**gGo
🇵🇭👊🏼