27/05/2024
03:22[05272024]
—matamis na kasinungalingan
—
—asahan ang maraming maling gramatika at typo
ako'y isang babaeng tanga, nakatayo ngayon sa ‘di kalayuan
tanaw na tanaw ang mga panlolokong ginawa
bakit nakatayo lang ako? bakit hindi ko sinugod ang mga manlolokong 'to?
bakit para akong isang estatwa na nakatingin lang
habang ang mga luha sa mata ay nagbabadyaan
hindi napigilan kaya ayan tuloy parang tanga‘ng umiiyak sa ‘di kalayuan
kita ko kung paano kayo magyakapan, maghalikan at sa paglalakad palayo sa iba‘t ibang daan
hindi mo man lang ako nakita, nakatingin, luhaan sa ‘di nyo kalayuan
gabi‘y sumapit, isang malakas na katok galing sa pintuang nakasara
pinuntahan ko at binuksan—mukha mo‘ng nakangisi na parang walang masamang ginawa
nginitian kita pa balik sabay sabing “saan ka galing?” kahit alam kong saan ka galing, kahit kasinungalingan na naman ang isasagot mo‘y nagbabakasali pa ring magpakatutuo ka.
“sa labas mahal, may binili ako pasalubong” ngiti mong sabi sabay lapit sa akin pero lumayo ako.
hindi ko kaya, hindi ko kayang magkalapit muli ang katawan nating dalawa lalo na‘t matagal na panahon na pala
matagal na panahon na akong nagpapakatanga
“nagtatampo na naman ang baby ko na ‘yan”
inilapag mo sa mesa ang supot mong dala
lumapit ka at pilit akong niyakap, mahigpit na para bang may ibang pahiwatig—hindi ko maintindihan
bakit kailangan pa akong lokohin? may kulang pa? magkasama na tayo sa iisang bubong, hindi pa sapat?
hindi ko na malayang luha‘y tumutulo na
iniharap mo ako ng napansin mong lumuluha ako
“ba‘t ka umiiyak hmm, anong nangyari?” malambing mong tanong
ang lakas ng loob mong magtanong, matapos mo akong lokohin, ang kapal ng mukha mo‘t iyan pa ang naging tanong
napabuga ako ng malakas na hangin sabay tingin sayo
puno ako ng pagtataka, bakit nagawa pa?
bakit hindi ka naging sapat na ako ang iyong kasama?
“Terrence...mahal mo ba ako?” nais ko malaman ang totoo
tumango ka‘t ngumiti “oo naman, higit pa sa buhay ko” kay tamis ng iyong kasinungalingan.
alam ko na, buking kana, nagising na ako sa paghihimbing
hindi ko akalain sa paghimbing ko‘y niloloko muna ako ng palihim—kakaiba ka rin
“minahal mo‘ko?” pilit kung pinipigilan ang luhang namumuo
paulit-ulit akong nagtanong kung minahal mo ba talaga ako
pero ang laging sagot mo‘y oo, nagmumukha ka tuloy sinungaling sa paningin ko.
totoo naman kasi, ang sarap pakinggan iyang matamis mong kasinungalingan.
“oo nga mahal, mahal na mahal kita”
“bakit mo ako niloloko? bakit lagi kitang nakikitang may kasamang iba? at ang saklap pa... si Eunice pa ang kasama mo, ano dating kaibigan ko! gulat ka? matagal ng naging kayo, hindi ba? tama ako!? jusko naman Terrence! bakit hindi mo sinabi sakin na napagod kana pala!! bakit kailangan magloko ka ng palihim?! ” mahal kita, pero tama na.
tapos na akong magpakatanga, sobrang tagal na ng ating pagsasama—nagloloko ka pa.
“m-mahal sorry, patawarin mo ‘ko” patawad? paano?
anim na buwan na naging kayo! anim na buwan kayong magkasama, wala man lang akong kaalam-alam. putang*na!
sabi mo pa nga noong nakaraan linggo, kaibigan mo lang
pero bakit kanina lang ang pusok ng inyong paghahalikan
“tama na, itigil na natin ‘to... walang silbi ang pagsasama nating dalawa kung niloloko mo lang pala ako ng patago
makakaalis kana sa buhay ko, mahal kita pero tama na
masyado ng mahirap pang muling ibuo ‘tong sinira mong tiwala ko”
nilisanan ko ang mundo ko—tahanan—at lalaking aking minamahal
tama na ang labing-isang taon na tayong dalawa ang nagsamahan
tama na, ginawa ko ang lahat pero hindi pa rin pala naging sapat
dito na magtatapos ang lahat, ang palayain ka ang naging wakas
hahayaan kang sumaya sa piling ng babae mo na kaibigan ko
at tutulungan ko ang sarili kong kalimutan ang lahat
tuluyan kitang pinatawad, kaya huwag mag-alala
sisihin man kita ng paulit-ulit ay alam kung imposible ng mabago ang naganap na
ngayon, malaya kana...
﹏🥀