
11/12/2024
“ANG LOSYANG MO NA”
“DI KA ATA NAG LILINIS NG BAHAY”
“ANG PANGIT MO NA”
"ANG TABA MO NA"
“PARANG DI KANA ATA NALILIGO”
“DI KANA ATA NAG SUSUKLAY”
“ANAK PA”
Oo, nakakalosyang tlaga pag inaalagaan mo ng maayos anak mo ,atleast hindi dugyot anak ko, hintayin niyo lumaki anak ko kahit pati bulb0I niyo isasama ko sa pag paparebond ko 😅✌
Oo, minsan nlng din ako makapag linis ng bahay kasi may anak akong iyak ng iyak at gustong magpa karga , hintayin niyo pag lumaki na anak ko pati sing!t niyo lilinisan ko 🙄😅
Oo, nakakapangit tlaga pag laging puyat ,ganun tlaga pag hands on mom ka, hintayin niyo lumaki anak ko pati pwet niyo me make upan ko 🙄😅✌
Oo, alternate na din ligo ko , minsan pag maliligo ako mahaba na 5 minutes. hintayin niyo lumaki anak ko maliligo ako araw2 sa inyo para makita niyo 🙄
Oo, di na ako laging nagsusuklay kasi minsan gusto ko nlng matulog sa pagod. Hintayin niyo lumaki anak ko pati buhok niyo e te trintas ko 🙄
Oo, ansarap kaya magka anak ang di lang masarap yung mapanghusgang tulad niyo
Wag niyo rin akon bigyan ng rason na “BAKIT SI ANO” “BAKIT SI GANYAN” sorry ha hindi ako sila !
Wag na wag niyong husgahan ang mga ina dahil di niyo alam ang mga sakripisyong ginagawa nila !
Lahat tayo darating sa puntong mag kaka anak , sana lang di niyo matanggap ang pang huhusga ng iba base lang sa itsura, gaya ng ginagawa niyo 😊
To all mommas out there , laban lang❤️🥰 sulitin natin ang mga panahong tayo palang mundo ng mga baby natin 👼👩👧 minsan lang sila maging bata , darating ang panahon na gusto natin silang kargahin sila na mismo aayaw kasi malaki na sila 🥰❤️
Sa mga asawa jan respeto at pagmamahal ang ibigay niyo sa mga asawa niyo hindi sakit ng ulo at stress 🥴
Di biro mag alaga ng anak , 24/7 ang trabaho wala pang day off 😊 kaya we deserve LOVE and SUPPORT 🥰❤️