X8548e2bcl

X8548e2bcl (This Page's name change request is waiting for approval from Meta). Cuisine_hero Channel

Cuisine with a dash of an ordinary hero. Adventure awaits.


😍πŸ₯°πŸ˜

13/10/2025

Mga ka-cuisine, niyanig na naman ang Cebu ng magnitude 6.1 na lindol kaninang madaling-araw.

Mula Cebu, Baguio, hanggang Davao ay sunod-sunod ang paggalaw ng lupa. At bumabalik ito sa anyo ng mapanganib na aftershocks.

Kaya dapat lagi tayong vigilant, at manalangin sa Itaas sa ating kaligtasan. Kailangan din may nakatabi tayong emergency fund/pera para may madukot tayo sa panahon ng kalamidad.

Dahil Martes ngayon, pritong isda at gisadong gulay muna tayo, mga ka-cuisine.

Ang walang kupas na loveteam kahit saang kusina na hindi naghihiwalay kahit anumang intriga. 😊

Please follow my page:

Cuisine_hero Channel
(Cuisine with a dash of an ordinary hero)




12/10/2025

Mga ka-cuisine, ang niluluto ko ngayon ay nagmula sa lahi ng dinosaurs. 😊

Ang mga manok (at ibon) na ginagawa nating ulam ngayon ay ang pinakamalapit na angkan ng mga mababangis na hayop na nabubuhay sa Cretaceous period tulad ng Tyrannosaurus Rex at Velociraptor.

Ayon sa pananaliksik sa mga posil/kusilba, natuklasan ng mga dalubhasa na ang dinosaurs at mga manok (ibon) ay may mga hungkag na buto, wishbones, at parehong may ugaling gumagawa ng pugad upang doon mangitlog.

Gamit ang makabagong teknolohiya ng agham, nabatid na ang mga Velociraptor ay may bakas ng mga balahibo gaya ng sa ibon. Ang mga balahibong ito ay ginagamit nilang "insulation", o nagpapanatili sa komportableng temperatura sa kanilang katawan. Kalaunan, ang mga balahibong ito ay nagbigay sa ibang species ng dinosaurs ng kakayahang dumaus-os, sumalipadpad, at tuluyang lumipad - - na siyang pinag-ugatan sa angkan ng ating mga makabagong ibon. Katunayan, natuklasan ng mga siyentipiko mula sa mga bakas ng nakapreserbang protina ng T. Rex na sila'y tunay na henetikong nakakawing sa ating kasalukuyang mga ibon (manok).

Kaya sa susunod na kumain kayo ng fried chicken sa fastfood, o kaya'y nagluto ng native chicken sa farm, isipin ninyong ang nasa mesa ay angkan ng mga mababangis na dambuhala na ayon sa siyensya ay naghahari sa mundo humigit-kumulang 70 milyong taon na ang nakakaraan.

Please follow my page:

Cuisine_hero Channel
(Cuisine with a dash of an ordinary hero)





11/10/2025

Mga ka-cuisine, kapag papalubog na ang araw, papasilip na ang hapunan.

Nag-ihaw ako ng sariwang tanigue (Spanish mackerel), nagprito ng tuyo, at nag-pork paksiw na sinahugan ko ng fresh kamatis, talong, at okra.

Nagsaing din ako ng kaning mais. Hindi ako gagamit ng kutsara't tinidor o kaya'y chopsticks. Kamay lang, sapat na. 😊

Please follow my page:

Cuisine_hero Channel
(Cuisine with a dash of an ordinary hero)




11/10/2025

Mga ka-cuisine, ang katagang "steak" ay nagmula sa Old Norse "steikja" - - na ibig sabihin ay "to roast in a spit". Ang termino ay ipinakilala ng mga Viking sa bansang England.

Ginagawa na ng mga sinaunang Romano ang inihaw (grilled/roasted) na hiwa ng karne na may alak at mababangong sangkap, na tinawag nilang "isicia omentata". Mahalaga kung aling bahagi ng baka ang gagawing steak dahil sa angkin nitong taba (marbling), na halos natutunaw sa lambot sa loob ng ating bibig. Ang marbling na ito ay nasa sirloin, ribeye, o tenderloin.

Ang pinakaunang steakhouse sa daigdig ay ang Delmonico's - - na binuksan sa New York noong 1837, na naghirang sa steak bilang isa sa pinakamasarap na putahe sa mga restaurant.

Ang katagang "Bistek" ay pag-angkop ng Filipino mula sa salitang Espanyol na "bistec" - - na nagmula rin sa beef steak. Ang Filipino twist, sa halip na mantikilya (butter) at asin, ibinababad natin ang karne sa calamansi juice at soy sauce.

Ang kwento sa pangalang Herbert "Bistek" Bautista ay hindi nagmula sa putaheng Bistek/beef steak. Ang "Bistek" ay wordplay or laro ng salita mula sa kanyang initials na B.T. - - (from Bautista and The, or boy/teen, noong kabataan niya.

Ganito ko po inihanda't niluto ang aking beef steak version. Pagkatapos hiwain ang karne ng baka ng maninipis ay ibinabad ko sa black pepper, asin, at soy sauce. Pagkaraan ng isang oras ay bahagya kong ginisa (pre-fried), bago ako nagsangkutsa ng maraming sibuyas (ring cuts) sa mantikilya (butter), binuhusan ko ng chicken soup, at inilagay ko ang pre-fried beef. Ang kasunod noon ay makikita ninyo sa video.

Please follow my page:

Cuisine_hero Channel
(Cuisine with a dash of an ordinary hero)



10/10/2025

Mga ka-cuisine, dahil sa panibagong bagyong papasok sa Pilipinas ay maulan sa Cebu ngayon.

Nagluto ako ng Pork sinigang para sa ganitong araw.

Napakasarap higupin ang maasim at umuusok sa init na sabaw. Tabihan mo ng patis na may kalamansi, or "dayok", sigurado akong solve na solve ang buong araw mo.

Please follow my page:

Cuisine_hero Channel
(Cuisine with a dash of an ordinary hero)



09/10/2025

Mga ka-cuisine, pagkatapos ng 6.9 magnitude na lindol sa Northern Cebu, mabigat man sa puso ay kailangang ipagpatuloy natin ang pakikibaka sa mundo. As the saying goes, "You can't unscramble a scrambled eggs". Ibig sabihin, may mga pangyayari na hindi maaring baliktarin. Kaya po, life must go on.

Speaking of scrambled eggs, naggisa ako ng binating itlog, mga ka-cuisine.

Natuklasan na ang pinakaunang dokumentadong recipe sa paggigisa ng binating itlog ay noong 14th-century Italian cookbook na "Libro della cucina".

Ang ginisa kong scrambled eggs ay sinahugan ko ng tinaguriang "immortal herbs" sa culinary world.

Please follow my page:

Cuisine_hero Channel
(Cuisine with a dash of an ordinary hero)


08/10/2025

Shout out sa bago kong mga tagataguyod. Napakasaya ko at sinuportahan nyo ako.Bilang tugon, suportado ko rin kayo bilang inyong follower. Tulad ng tanim kong calamansi, sana magiging hitik na hitik tayo sa bunga! Flerida Encina Atienza, Arianne Faith, Maryjane Molines, Phia Jimlah, Adelaida Morales, Lian Cha, Emegene Villanueva, Jakin Vlog, Jesus Ganigan, Chieng Archie Tobias Balansag, チャむルド・ジョン γ‚Ήγ‚€γ‚Ή, Bhadria Dael Andas, Lei Long, Argine Austria, Manny Bautista, Wilmer Maestrado Balicao, Hujair Assan, Gipega Banguiran Boris Babyjoy, Melvin Lovendino, Babay Mapadtaya Vlogger, Mary Ann Maratas, Erica Laguerta, Ernesto Urmatan, Tirso Banaga, Dutz Trip, Maruji Ank Sama, Victor Doncillo, ΩƒΨ§ΩŠΨ±ΩˆΩ† Ω…Ψ§ΩˆΨͺي Ψ΄Ψ§Ψ·Ψ¦, Marites Miguel, Francisco Arnais, Juriam Udjan Mohammad

06/10/2025

Mga ka-cuisine, dahil sa dami ng sasakyang nagdadala ng relief goods ay usad-pagong ang pagpunta sa Northern Cebu province at pag-uwi sa Cebu City.

Ang dati'y 120 kilometers, na nalalakbay ng 3 to 4 hours sa Ceres bus at 2 hours sa Behire at black taxi, ngayon ay umabot na ng 17 (yes, seventeen) hours ang byahe.

Marami kaming sitserya at kukutin sa sasakyan, ngunit naghahanap ng kanin ang aming mga sikmura. Isang maliit na kainan sa tabi ng highway ang aming nagustuhan. Maraming kumakain, dahil dinadaanan talaga ng mga manlalakbay ang kanilang pwesto na nagsisilbi ng tinolang native chicken na "duwaw" (luyang-dilaw/turmeric) lang ang sangkap, ngunit napakasarap.



04/10/2025

Sa loob ng 400 taon, bagama't may paminsan-minsang pagsinok, ang lupang aming kinalakihan ay natutulog ng mahimbing.

Noong gabi ng ikatatlumpo ng Septyembre, ang ilalim ng lupa sa hilagang bahagi ng Cebu ay naalimpungatan, tuluyang nagising, at nag-unat, sa anyo ng isang 6.9 magnitude na lindol.

Ang sumunod ay halos labintatlong segundong kalamidad na lumilok ng malagim na ala-ala sa mga naninirahan, at lumikha ng hindi malilimutang kasaysayan sa Cebu, at sa buong bansa.



03/10/2025

Ito ang "agimat" na nananalaytay sa dugo nating mga Filipino - - ang kabayanihang tumulong sa kapwa natin na may kalunos-lunos na pinagdaanan.

Baha, bagyo, sunog, at lindol lang 'yan, Filipino kami. 😍

Please follow my page:

Cuisine_hero Channel
(Cuisine with a dash of an ordinary hero)






😍

Mga ka-cuisine, kape muna tayo. Try ko umuwi ng probinsya today. Alam ko hindi maalwan sa mga mata ang madadaanan kong t...
02/10/2025

Mga ka-cuisine, kape muna tayo. Try ko umuwi ng probinsya today.

Alam ko hindi maalwan sa mga mata ang madadaanan kong tanawin at aabutan ko sa bahay bunsod ng dumaang napakalakas na lindol.

Ngunit wala tayong magagawa sa kalamidad na dulot ng kalikasan, kundi manalangin sa Itaas, humingi ng espirituwal na lakas at tulong sa Panginoon, dahan-dahang bumangon mula sa pagkakatumba, tiisin ang natamong sugat at galos, magpagpag ng alikabok, at buo ang loob na ipagpatuloy ang buhay.

πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

Please follow my page:

Cuisine_hero Channel
(Cuisine with a dash of an ordinary hero)

πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

02/10/2025

Mga ka-cuisine, nagluto ako ng pork adobo na sinahugan ko ng kalabasa.

Secret: Mas masarap ang kalabasa kaysa patatas sa adobo.

Please follow my page:

Cuisine_hero Channel
(Cuisine with a dash of an ordinary hero)






πŸ§„πŸ§…

Address

Cebu City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when X8548e2bcl posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share