๐™Ž๐™ค๐™ก๐™–๐™ž๐™ง๐™š.

๐™Ž๐™ค๐™ก๐™–๐™ž๐™ง๐™š. ๐Ÿ’™๐Ÿ’™๐Ÿ’™

"Siya - Sender/Mikoy"Hello nga pala Solaire, itago mo nalang ako sa pangalang Mikoy. Taga Cebu ako tulad mo. 19 years ol...
06/08/2025

"Siya - Sender/Mikoy"

Hello nga pala Solaire, itago mo nalang ako sa pangalang Mikoy. Taga Cebu ako tulad mo. 19 years old at kasalukuyang nasa first year college. Pero ang kwento ko, hindi dito nagsimula โ€” kundi noong high school pa ako, noong una ko siyang nakita.

Unang araw ng pasukan. Maingay ako, pabalik-balik sa upuan, kinukulit ang tropa. Wala akong pakialam kung may bagong students, kasi sanay na ako sa lugar. Hanggang sa pumasok siya. Maputi, mahaba ang buhok, may suot na itim na relo sa kaliwang kamay. Tahimik siya. Pero matalim ang mga mata niya, parang alam niya agad kung sino ang istorbo.

Tinitigan niya ako. Diretso. Walang takot.
โ€œPwede bang tumahimik ka kahit ngayon lang?โ€
Walang โ€˜hi,โ€™ walang โ€˜excuse meโ€™ โ€” diretsong sermon. Doon ako natauhan. At sa totoo lang, doon din ako unang nabighani.

Simula nun, palihim ko siyang pinagmamasdan. Tuwing homeroom, tuwing break, tuwing uwian. Hindi kami close, pero hindi rin kami strangers. Minsan nagka-group project, naging madalas ang usap, minsan sabay pa kami mag-lunch. Hanggang sa naging natural na lang โ€” โ€˜yung presensya niya, parang parte na ng araw ko.

Nalaman ko paborito niya si Moira. Mahilig siya magsulat sa likod ng notebook niya ng mga tula. Palagi siyang may dalang libro, at mahilig siya sa ulan. Samantalang ako, si Mikoy, 'yung tipong tinatawag sa guidance, palaging may blotter sa noise violation, walang direction sa buhay โ€” pero sa kanya lang ako naging tahimik.

Pinilit kong baguhin ang sarili ko. Naging attentive ako sa klase, naging responsable sa mga groupwork, nagsimulang sumabay sa takbo ng mundo niya kahit hindi naman ako invited sa loob nun. Pero kahit anong effort ko, alam kong may distansya pa rin. At masakit kasi kahit malapit na ako, parang hindi pa rin sapat.

Dumating ang senior prom. Lahat excited. May kanya-kanyang date. Ako, wala. Hindi pa ako nagtatanong, kasi iniipon ko pa ang lahat ng lakas ng loob. Alam kong risky. Pero sabi ko, mas risky kung palilipas ko โ€˜yung gabing โ€˜to nang hindi man lang siya tinanong.

Pagkapasok ko sa venue, ang ganda niya. Suot niya โ€˜yung deep red na gown. Straight lang ang buhok, may kaunting make-up. Parang hindi siya โ€˜yung Yanna na kinakatakutan sa klase. Parang ibang tao โ€” mas nakaka-intimidate, mas nakaka-hulog.

Nakita kong mag-isa siya sa table, nagte-text. Huminga ako nang malalim at lumapit.

โ€œYannaโ€ฆโ€
Lumingon siya.
โ€œPwede bang ikaw ang maging date ko ngayong prom?โ€
Tahimik siya. Ilang segundo ang lumipas.
โ€œPasensya na, Mikoy. May hinihintay akong iba.โ€

Napaatras ako. Napahiya. Pero ngumiti pa rin ako. โ€œOkay lang. Sorry kung napaabala.โ€

Tumalikod ako, pero bago ako nakalayo, bigla siyang nagsalita.
โ€œBakit ngayon mo lang sinabi?โ€
Napalunok ako. โ€œKasi ngayon lang ako naging sigurado.โ€
โ€œAlam mo bang matagal na rin kitang napapansin?โ€
Lumingon ako sa kanya. Nagkatinginan kami. Tapos ngumiti siya โ€” โ€˜yung ngiting hindi ko maipaliwanag kung masaya o malungkot.

โ€œIlang beses kitang tinangkang kausapin, pero palagi kang pabiro. Hindi ko alam kung totoo ba 'yung mga tingin mo o parte lang ng pagiging Mikoy mo.โ€
โ€œTotoo โ€˜yon, lahat.โ€
โ€œEh ngayon, anong gusto mong mangyari?โ€
โ€œGusto lang kitang isayaw ngayong gabi. Kahit isang beses lang.โ€
Tumango siya. Tumayo. At sabay kaming pumunta sa dance floor.

Slow dance. Tahimik. Magkahawak kamay. Walang ibang tao sa mundo kundi kaming dalawa. Tapos, habang sumasayaw kami, bumulong ako.
โ€œMahal kita, Yanna. Hindi lang ngayong gabi, kundi matagal na.โ€

Hindi siya sumagot. Hindi siya lumingon. Pero naramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa kamay ko.
โ€œSorry, Mikoy.โ€
โ€œOkay lang. Alam ko naman. Gusto ko lang marinig mo.โ€

Pagkatapos ng sayaw, hindi na kami nag-usap. Bumalik siya sa table niya. Ako, lumabas ng venue, tumambay sa labas habang nakatingin sa langit. Ang daming bituin. Ang daming dapat sabihin. Pero huli na. Hindi na ako mahal. O baka... kailanman, hindi.

Kinabukasan, wala na siya sa school. Sabi ng adviser, biglaan daw silang lumipat ng pamilya sa ibang probinsya. Walang paalam. Walang goodbye. Walang kahit ano. Parang dinala ng hangin. Parang sinadya ng tadhana na biguin ako hanggang dulo.

Hanggang ngayon, di ko alam kung anong nangyari sa kanya. Nasa Davao na raw. May bago nang buhay. May bago nang siguro... mahal. Ako? Nandito pa rin. Inaabot ng ulan sa tapat ng dorm, pinapakinggan si Moira, at sinusulat ang kwentong โ€˜to.

Sana balang araw, mabasa mo โ€˜to, Yanna.
At sana malaman mong totoo lahat ng sinabi ko.
Na kahit isang gabi lang, naging sayo ako.
At kahit hindi mo ko minahalโ€ฆ
Minahal pa rin kita.

Pagkalipas ng limang taon, ibang-iba na ang buhay. Nakapagtapos ako ng engineering, at ngayon nagtatrabaho na ako sa isang construction firm sa Cebu. Medyo nakaangat-angat na sa buhay, hindi na kagaya dati na pabiro lang sa klase, walang direksyon. Sa bawat pagod at overtime, iniisip ko palagi na kahit papaano, may napatunayan na rin ako.

Pero kahit ilang taon na ang lumipas, kahit ilang project na ang natapos, kahit ilang gabi na akong lasing sa pagod at lungkot, isa lang ang hindi pa rin nagbabago. Hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

Isang Sabado ng hapon, kasagsagan ng ulan, pinuntahan ko ang isang coffee shop malapit sa site para magpahinga. Pagkapasok ko, amoy kape, amoy ulan, at amoy alaala. Umupo ako sa sulok, nag-order ng cappuccino, at kinuha ang tablet ko para silipin ang floor plans.

Habang hinihintay ko ang order ko, may biglang bumungad sa pintuan. Nakapayong, suot ang navy blue na blazer, may hawak na brown folder. At sa unang tingin pa lang, kilala ko na agad.
Hindi ko alam kung utak ko lang ang naglaloko, pero nang ibaba niya ang payong at tanggalin ang face mask โ€” si Yanna 'yon.

Napatingin siya sa paligid, hinanap ang bakanteng upuan, at doon ko lang siya muling nasilayan ng buo. Hindi na siya โ€˜yung high school crush ko lang dati. Mas mature na, mas kalmado, pero โ€˜yung mata niya โ€” โ€˜yung matalim pero malungkot na mata โ€” hindi nagbago.

Lumapit siya sa counter. Umorder. Tumalikod. At naglakad papunta sa direksyon ko. Ilang hakbang pa lang, nagtama na ang mga mata namin. Pareho kaming natigilan.

โ€œMikoy...?โ€
โ€œYanna.โ€

Parang biglang huminto ang paligid. Parang bumalik lahat โ€” โ€˜yung dance floor, โ€˜yung gabi ng prom, โ€˜yung rejection, at โ€˜yung bigla niyang pagkawala. Ngumiti siya, mahina. โ€˜Yung tipong hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mahihiya.

โ€œEngineer ka na pala,โ€ sabi niya, tiningnan ang uniform kong may logo ng kumpanya.
โ€œAt ikaw?โ€
โ€œNurse. Assignment ako ngayon dito sa Cebu, volunteer work.โ€

Tumango lang ako. Tahimik. Hindi ko alam kung anong unang dapat itanong. Pero naupo siya sa harap ko. Hindi ko siya pinigilan.

โ€œAno nang balita sayo?โ€ tanong niya.
โ€œEto... gumigising, nagtatrabaho, umuuwi... paulit-ulit.โ€
Tumawa siya, mahina. โ€œPareho lang pala tayo.โ€

Maya-maya, nagkatahimikan.
At sa gitna ng katahimikan, siya ang unang bumasag.
โ€œNaalala mo ba โ€˜yung gabi ng prom?โ€
Tumango ako.
โ€œAlam mo, kahit ilang taon na ang lumipas... hindi ko โ€˜yon nakalimutan.โ€

Hindi ako nagsalita.
Nagpatuloy siya.

โ€œGusto kong humingi ng tawad, Mikoy. Sa biglaan kong pag-alis. Hindi ko man lang nasabi sayo.โ€
โ€œWala ka namang kailangang ihingi ng tawad. Alam ko namang hindi mo ako kailanman minahal.โ€
โ€œAkala ko rin noon hindi. Pero Mikoy... mahal din kita noon. Natakot lang ako. At naging huli na ang lahat.โ€

Parang may bumagsak na tanikala sa dibdib ko.
โ€˜Yung matagal kong hinintay na sagot โ€” ngayon lang dumating. Sa isang coffee shop, sa oras na hindi ko na siya hinihingi.

Ngumiti ako, pilit.
โ€œPero huli na nga, โ€˜di ba?โ€

Tumango siya.
โ€œMay fiancรฉ na ako. Magpapakasal na sa susunod na taon.โ€
Ramdam kong pumintig ang puso ko.
Ramdam kong may parte pa rin akong umasa.
Pero tinanggap ko. Tahimik.

โ€œMasaya ako para sayo,โ€ sabi ko.
โ€œMasaya din ako para sayo, Mikoy. Sa wakas, natupad mo rin mga pangarap mo.โ€
Tumayo siya, bitbit ang kape.
โ€œSalamat sa lahat. At salamat, kasi kahit minsan, ako ang minahal mo.โ€

Ngumiti siya ulit, at tuluyan nang lumakad palayo.
Hindi ko na siya hinabol. Hindi ko na siya tinawag. Kasi minsan, kailangan mong palayain ang taong matagal mo nang mahal โ€” lalo na kung huli na ang lahat.

At habang pinapanood ko siyang unti-unting lumalayo, muling bumalik sa isip ko ang tanong na hindi ko kailanman nasagot...

โ€œBakit lagi nalang ako nauuna magmahal, pero huli laging malaman?โ€

Tinikman ko ang kape. Mapait. Tulad ng alaala.
Pero hindi ko na siya nilagyan ng asukal.
Dahil minsan, kailangan mong matutunang tanggapin ang pait...
Nang hindi na umaasang lalambot pa ang lasa.

Ngumiti ako sa sarili.
At bumalik sa trabaho.

"๐™’๐™–๐™ฎ ๐™—๐™–๐™˜๐™  1984" - SolaireAko si Kristian. Labing-siyam na taong gulang. Sa lahat ng bagay na meron ako, isang tanong lan...
31/07/2025

"๐™’๐™–๐™ฎ ๐™—๐™–๐™˜๐™  1984" - Solaire

Ako si Kristian. Labing-siyam na taong gulang. Sa lahat ng bagay na meron ako, isang tanong lang ang hindi ko kayang sagutin โ€” bakit parang hindi ako kailanman naging sapat?
Noong gabi ng Hulyo 27, 2025, bumigay na rin ako sa bigat ng mundo. Lumaon nang lumaon ang pagtatalo namin ng mga magulang ko. Paulit-ulit. Puro sisi. Puro sigawan. Wala namang gustong makinig. Hanggang sa dumating ang huling patak. โ€œKung ayaw mo na rito, edi umalis ka!โ€ sigaw ni Papa. At hindi ko na siya pinagbigyan. Isang kalabog ng pintuan. Isang hinga ng kalayaan. Isang tapak papalayo โ€” dala ang galit, luha, at kawalang direksyon.
Naglakad ako sa kalsada, walang pakialam kung saan. Bawat hakbang ay parang paglaban sa sarili. Hanggang sa nakita ko ang mga ilaw ng isang trak na paparating. Malakas ang busina. Mabilis ang takbo. Pero ang katawan ko, parang ayaw gumalaw. Isang iglap langโ€ฆ kadiliman.

Pagdilat ng mata ko, mali na ang lahat.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng ulirat, pero ang paligid, ibang-iba na. Ang hangin, mas malinis. Ang mga kotse, luma. Ang mga signage, yari sa kahoy. At ang mga taoโ€ฆ parang wala ni isa ang may hawak na cellphone. Para akong nasa pelikula. Sa una, inisip kong nananaginip lang ako o nagkaka-hallucination. Pero habang tumatagal, mas nagiging totoo ang lahat.
May isang matandang babae ang lumapit sa akin. "Ayos ka lang, iho?" tanong niya. Tumango ako, bagamat hindi sigurado sa sarili. "Anong taon na po ngayon?" tanong ko. Napangiti lang siya. "1984, iho. Hulyo rin."

Tumigil ang mundo ko. 1984? Imposible. Hindi ako naniwala agad. Pero habang nag-iikot ako sa mga kalsada, habang pinagmamasdan ko ang mga tao, ang mga damit, ang mga presyo sa mga tindahan โ€” walang bahid ng kasalukuyan. Wala akong makitang palatandaan ng 2025. Lahat, puro lumang mundo. Paano ito posible?

Lumipas ang mga araw. Nagpalaboy-laboy ako. Wala akong pera, wala akong matuluyan, pero dahil sa kabutihan ng ilang estranghero, nakakakain pa rin ako. Doon ko rin nakilala si Mara. Isang estudyante na may malambing na ngiti at mata na parang laging may kwento. Nakilala ko siya habang nakaupo sa ilalim ng puno sa plaza. Ako'y gutom, siya'y may baong tinapay. Binigyan niya ako. Doon nagsimula ang lahat.

Si Mara ay maingay, masayahin, at mapagmalasakit. Hindi siya katulad ng mga babaeng kilala ko sa kasalukuyan. May galang, may respeto, may puso. Naging madalas ang pagkikita namin โ€” sa eskwelahan, sa palengke, sa tabing ilog. Hanggang sa dumating ang araw na di ko na kayang itago sa sarili ko. Mahal ko na siya.

Hindi naging madali ang lahat. Lalo na dahil may isang lalaking laging sumusunod kay Mara โ€” si Gregorio. Tahimik. Matapang. Hindi halata pero halatang may tinatagong nararamdaman kay Mara. Hanggang sa isang gabi, nadatnan ko silang magkasama. Nag-aaway. "Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin, Mara?" tanong ni Gregorio. "Kaibigan lang ang turing ko saโ€™yo, Gorio," sagot ni Mara. Nandun ako sa di kalayuan. Hindi nila alam. At sa gabing iyon, hinalikan ako ni Mara. At sa gabing iyon, hindi ko na pinigilan ang sarili ko.

Makalipas ang mga linggo, nagbago ang lahat. Naging kami. Sa kabila ng panahon, ng gulo, ng kahirapan, nahanap ko ang kakaibang saya. Naramdaman kong may saysay pala ako sa mundo. Pero unti-unting lumamlam ang lahat. Naging malamig si Mara. Laging tulala. Laging nag-iisip. Nagsimula kaming magtalo. Nagsimula siyang magtanong kung bakit wala akong nakaraan. Kung saan ang pamilya ko. Kung bakit para akong hindi nababagay sa lugar na ito. Wala akong maisagot.
At sa isang gabing maulan, sinalubong ako ni Gregorio. Lasing. Galit. "Alam mo bang sinira mo ang lahat? Hindi ikaw ang para sa kanya."
Sa suntok niya, bumagsak ako sa putikan. Pero mas masakit ang katotohanang dala-dala ko. Sa tuwing nagkikita kami ni Mara, may bahagi sa akin na parang nakikilala ko siya โ€” hindi bilang kasintahan, kundi bilangโ€ฆ mas malalim pa roon.

Isang araw, habang nasa loob ako ng bahay nila Mara, nakita ko ang isang album ng mga larawan. Doon ko nakita ang litrato ni Gregorio โ€” binata pa, pero hawig na hawig sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako. Tumingin ako sa salamin. Ako rin ba โ€˜to? Sa isa pang pahina, nakita ko ang litrato ni Mara, nakasulat sa likod: โ€œPara sa anak naming si Kristianโ€ฆ balang araw.โ€

Tumigil ang oras.
Para sa anak naming si Kristian.
Ako? Anak? Hindi. Imposible. Pero bakit ganun? Bakit parang konektado ang lahat? Hanggang sa may narinig akong kwento mula kay Aling Fe, kapitbahay nila. โ€œAy naku, si Mara โ€˜yan, laging sinasabi, โ€˜pag nagka-anak daw siya, gusto niya ng panganay na lalaki. Kristian ang gusto niyang pangalan.โ€
Doon ako napaluhod. Lahat ng detalye โ€” ang kwento ng panaginip ni Mara tungkol sa batang lalaki, ang sinabi ni Gregorio na gusto niyang panganay ay kamukha niya, ang emosyonal na koneksyon namin ni Mara, ang litrato, ang ukit sa punoโ€ฆ lahat โ€˜yun ay palatandaan.
At habang nakaupo ako sa ilalim ng punong iyon โ€” kung saan una kaming nagkita โ€” nakita ko ang ukit sa katawan ng puno: โ€œM + G = Forever. K.โ€
Doon ko na alam. Hindi ito coincidence. Hindi ito biro ng tadhana.

Ako si Kristian. At ako ang anak nina Mara at Gregorio.

Walang nakaalam ng sikreto maliban sa akin. Hindi ko sinabing ako ang anak nila. Hindi ko inamin kahit kanino. Pero mula noon, hindi ko na sila tiningnan sa parehong paraan. Naging tahimik ako. Lumayo ako. Unti-unting nawalan ng komunikasyon. Hindi ko kayang mahalin si Mara nang ganoon. Hindi ko kayang tignan si Gregorio bilang karibal. Ama ko siya.
Isang gabi, habang naglalakad ako pauwi, biglang kumulog nang malakas. Isang liwanag ang dumaan. Isang ihip ng hangin. At pagdilat ng mata ko โ€” naroon na ako ulit. Sa gitna ng kalsadang iniwan ko. Sa araw ring iyon. July 27, 2025.

Nasa ospital ako. Sabi ng doktor, milagro raw na buhay ako. Pero ang totoo? Ang milagro ay ang lahat ng nangyari sa akin.
Ngayon, tuwing tinitignan ko ang mga magulang ko โ€” si Mama Mara at Papa Gregorio โ€” hindi na ako galit. Hindi na ako tanong nang tanong kung bakit ako hindi sapat. Kasi alam ko na. Minahal nila ako, bago pa man nila ako nakilala bilang anak.
At habang nakaupo ako sa harap ng bahay namin, tinatanaw ang langit, naiisip koโ€ฆ
Minsan pala, kailangan mong mawala sa panahon, para lang makita kung gaano ka pala kamahal ng mundo na iniwan mo.

"๐™Ž๐™š๐™ ๐™ง๐™š๐™ฉ๐™ค" - Solaire. Simula pa lang ng senior high, buo na ang tropa namin โ€” ako, si Juls na nobyo ko, si Ysai na parang...
29/07/2025

"๐™Ž๐™š๐™ ๐™ง๐™š๐™ฉ๐™ค" - Solaire.

Simula pa lang ng senior high, buo na ang tropa namin โ€” ako, si Juls na nobyo ko, si Ysai na parang kapatid ko, at si Mara na palaging tinatawag akong โ€œbaby girl.โ€ Sobrang saya namin. Gumagala, sabay kumain, sabay umuwi, sabay mangarap. Lagi nilang sinasabi, โ€œTeam Haven tayo, walang iwanan.โ€ At naniwala ako. Buong puso.

Si Juls, maasikaso. Laging may pa-flowers, kahit wala namang okasyon. Si Ysai, lagi akong pinagtatanggol kapag may nang-aaway sa akin. Si Mara, tahimik pero lagi kong ramdam ang presence niya sa mga biglaang yakap at late night calls. Sila ang naging safe space ko. Sila ang tinuring kong pamilya.

Pero minsan, ang sobrang saya, nakakabulag.

May mga gabi na lang akong nagigising, umiiyak pero hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko, may mali. Lalo na noong birthday ko. Binigyan nila ako ng bouquetโ€”maganda, pero may kakaiba. Parang may dugo sa gilid ng tela. Inisip ko baka imagination ko lang. Niyakap ko pa sila ng mahigpit.

Kinabukasan, habang hinahanap ko โ€˜yung lumang project file sa laptop ni Juls, may folder akong nakita. "FRAGMENTS." Akala ko pictures naming apat. Pero pag-click ko, audio files pala. Mga tawanan nila Ysai at Mara.

"Sobrang bait ni Elina noh? Ang dali niyang kausapin. Hindi niya alam project lang natin 'yan."

"Gamitin lang muna natin. May deadline na 'di ba?" sagot ni Juls.

Parang tumigil ang mundo ko. Ang mga tinuring kong pamilya โ€” ginamit lang pala ako? Para saan? Para kanino?

Pero wala akong sinabihan. Hindi pa. Gusto kong makasiguro. Kaya ngumiti pa rin ako sa kanila kinabukasan. Nagpa-cute pa kay Juls. Nagpatawa pa kay Ysai. Yumakap pa kay Mara.

Pero bawat araw, nag-iipon ako ng tanong. Hanggang sa unti-unti ko silang napapansin โ€” laging nagbubulungan kapag wala ako. Laging may tinatago. At minsan, nakita ko pa si Juls at Maraโ€ฆ naglalakad. Magkaakbay.

Naisip ko, baka ako ang problema. Baka ako ang paranoid. Pero noong huling sabay naming lakad, doon na talaga ako napagod. Nag-picture kami sa park, yung parang pang-yearbook. Ako sa gitna, hawak โ€˜yung bulaklak nila. Nakangiti silang tatlo. Pero ramdam koโ€ฆ may lamig sa mga kamay nila.

At doon ko napagdesisyunan: tapusin na ang lahat. Hindi ako martyr. Hindi ako laruan.

Kaya sa huling linggo ng klase, nawala ako. Hindi ako pumasok. Hindi ako sumagot. Wala silang narinig mula sa akin. Hanggang sa isang gabi, may kumalat na balita โ€” may natagpuang katawan sa gubat. Nakadamit ng paborito kong uniform. May bulaklak sa kamay. May dugo sa damit.

"Patay na si Elina," sabi nila.

Umiiyak si Ysai sa wake. Si Juls, parang nawalan ng hininga. Si Mara, nakatayo lang. Tahimik. Walang luha.

Hanggang sa isang gabi, habang nasa CR si Ysai, may envelope sa loob ng bag niya. Walang pangalan. Walang sulat. Isa lang ang laman: litrato.

Isang selfie. Babaeng may bonnet. Nakangiti. Hawak ang camera. At sa background โ€” isang katawan sa lupa.

Hindi nila napansin, pero kung titingnan mong mabuti...

Ako โ€˜yung may hawak ng camera.

Ako si Elina.

At ang katawang nilibing nila?

Hindi akin.

Sinimulan nilang sunugin ang tiwala ko. Akala nila, natapos na ang laro. Pero hindi nila alam โ€” ako ang gumawa ng ending.

Hindi ako nawala.

Sila ang susunod.

Crdts to JAJAP for allowing me to use your photo, Thank You So Much Guys...๐Ÿ’™๐Ÿ’™๐Ÿ’™

SUPPORT MY NEW FB PAGE! ๐Ÿ’™๐Ÿ’™๐Ÿ’™

60days before we can change the page name. Damn Facebook.๐˜ผ๐™๐™Š๐™๐˜ผ๐™Ž๐™๐™•๐™Š๐™†๐™ / TopGun RacingC-Side Fitment ่งฃใๆ”พใค CPMPHL Content C...
24/03/2025

60days before we can change the page name. Damn Facebook.

๐˜ผ๐™๐™Š๐™๐˜ผ๐™Ž๐™๐™•๐™Š๐™†๐™ / TopGun Racing
C-Side Fitment
่งฃใๆ”พใค
CPMPHL Content Creators
Car Parking Multiplayer Philippines League - Cpmphl
CarScene PH
CPM CEBU CULTURE

The loop?  More like our personal racetrack.  ๐Ÿ‘‘๐Ÿ’จ  Others can just watch from the sidelines... or maybe try to catch up. ...
18/03/2025

The loop? More like our personal racetrack. ๐Ÿ‘‘๐Ÿ’จ Others can just watch from the sidelines... or maybe try to catch up. ๐Ÿ˜‰

๐˜ผ๐™๐™Š๐™๐˜ผ๐™Ž๐™๐™•๐™Š๐™†๐™
C-Side Fitment
CPMPHL Content Creators
่งฃใๆ”พใค
Car Parking Multiplayer Philippines League - Cpmphl
CPM CEBU CULTURE

14/03/2025

Damn this track is cold ๐Ÿคง๐Ÿฅถ๐ŸŽ๐Ÿ

๐˜ผ๐™๐™Š๐™๐˜ผ๐™Ž๐™๐™•๐™Š๐™†๐™
่งฃใๆ”พใค
C-Side Fitment
CPMPHL Content Creators
Car Parking Multiplayer Philippines League - Cpmphl
CarScene PH

UNLEASH. ่งฃใๆ”พใค ๐˜ผ๐™๐™Š๐™๐˜ผ๐™Ž๐™๐™•๐™Š๐™†๐™ C-Side Fitment CPMPHL Content Creators Car Parking Multiplayer Philippines League - Cpmphl Car...
13/03/2025

UNLEASH. ่งฃใๆ”พใค

๐˜ผ๐™๐™Š๐™๐˜ผ๐™Ž๐™๐™•๐™Š๐™†๐™
C-Side Fitment
CPMPHL Content Creators
Car Parking Multiplayer Philippines League - Cpmphl
CarScene PH
CPM CEBU CULTURE

Address

Cebu City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐™Ž๐™ค๐™ก๐™–๐™ž๐™ง๐™š. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share