04/05/2026
sagaran natu ganahan ta sa lami mo storya pero gipang ilad diay ta
Ang hirap magsalita ngayon.
Hindi dahil wala kang alam… kundi dahil kahit tama ang sinasabi mo, mali ka pa rin sa paningin ng iba.
Mahirap nang magbigay ng tips.
Mahirap nang mag-remind ng tamang standard.
Kasi lagi kang may maririnig:
‘Ano ba yan? Nakikialam na naman.’
‘Feeling expert ah.’
‘Hayaan mo na sila, buhay nila yan.’
Pero eto ang tanong
paano na kung wala nang magsasalita?
Paano kung lahat na lang tahimik?
Paano kung lahat na lang, “bahala na si Batman”?
Paano kung ang mali, maging normal?
Paano kung ang standard, ibinababa na lang para walang ma-offend?
Para walang masaktan?
Eh di ang ending
yung bago, maliligaw.
Yung walang alam, mapapahamak.
At yung dapat sana tinuturo nang tama…
napapalitan ng hype, flex, at referral link.
Masakit marinig, pero totoo
hindi lahat ng tahimik, mabait.
Minsan, ang katahimikan… pagkunsinti.
Kasi kung may alam kang mali,
may nakikita kang panloloko,
may nararamdaman kang hindi na tama sa galawan
tapos pinili mong manahimik?
Hindi ka neutral.
You are silently agreeing.
Kasama ka sa sistema.
Kasama ka sa problema.
Hindi mo kailangan maging perfect para magsalita.
Hindi mo kailangan maging “guru” para mag-remind.
Kailangan mo lang maging tao.
Kasi sa mundong puno ng ingay at ilusyon
yung iilan na nagsasabi ng totoo…
Minsan sila pa yung pinaka binabato.