Binibining K

Binibining K Ikaw ang paboritong paksa
sa mga isinulat kong tula✨

"Ang magulang ang pinakamasaya sa maliit man o malaki mong napagtagumpayan."Ang mga magulang ay laging nasa likod natin ...
14/04/2025

"Ang magulang ang pinakamasaya sa maliit man o malaki mong napagtagumpayan."

Ang mga magulang ay laging nasa likod natin hindi lang sa panahon ng tagumpay, kundi lalo na sa oras ng pagkabigo. Sa bawat maliit na hakbang ng progreso, sila ang unang bumabati, at sa bawat malaking tagumpay, sila ang unang lumuluha ng tuwa.

Kahit simpleng papuri sa paaralan, pagkapanalo sa contest, o pagtatapos sa isang yugto ng buhay, proud na proud sila. Hindi dahil sa laki ng tagumpay, kundi dahil alam nilang pinaghirapan mo ito, at bahagi sila ng paglalakbay mo.

- Binibining K

”Habang nag-i-scroll ako sa gallery ng phone ko, napadako ang tingin ko sa isang litrato natin bilang magkakaklase. Simp...
05/04/2025

”Habang nag-i-scroll ako sa gallery ng phone ko, napadako ang tingin ko sa isang litrato natin bilang magkakaklase. Simpleng kuha lang—mga ngiting walang halong pag-aalala, mga pose na puno ng kalokohan. Pero sa likod ng larawang ‘yon, ramdam ko ang bigat ng alaala. Ilang beses tayong sabay-sabay nagtawanan sa mga simpleng bagay, at minsan pa nga’y sabay-sabay na kinabahan sa tuwing may Oral recitation, Report, mga performance, at mga deadline na hahabulin.

Ngayon, habang unti-unti nang lumalapit ang pagtatapos ng klase, parang ang hirap paniwalaan. Ilang tulog na lang, iba’t ibang landas na ang tatahakin natin. Wala nang araw-araw na asaran, wala nang sabay-sabay na recess, wala nang grupong tatawag sa ‘yo kahit late ka pa. Nakakalungkot, pero masaya ako. Masaya ako kasi naging bahagi kayo ng buhay ko—ng kabataang puno ng kulay, ingay, at kwento.

Kaklase ko kayo sa loob ng silid-aralan, pero kaibigan ko kayo sa labas ng oras. At habang tinitingnan ko ang litratong ito, alam kong kahit matapos ang klase, mananatili kayong bahagi ng pahina ng buhay ko na hinding-hindi ko isasara”.

- Binibining K

KABANATA 1✨📖 "𝐒𝐚 𝐏𝐚𝐡𝐢𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠" 📖✨𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐦𝐚𝐧 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐊𝐚𝐦𝐢𝐥𝐥𝐞 𝐆𝐨𝐦𝐞𝐳 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠 𝐬𝐚 𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧—𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐛...
17/02/2025

KABANATA 1

✨📖 "𝐒𝐚 𝐏𝐚𝐡𝐢𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠" 📖✨

𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐦𝐚𝐧 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐊𝐚𝐦𝐢𝐥𝐥𝐞 𝐆𝐨𝐦𝐞𝐳 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠 𝐬𝐚 𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧—𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐚 "𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐚𝐭 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐬𝐢𝐠𝐡𝐭"—𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐢𝐲𝐨𝐧.

𝐁𝐚𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨. 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐡𝐮𝐲𝐨 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐢𝐥𝐲𝐨, 𝐚𝐭 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐫𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚. 𝐍𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐮𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐢𝐥𝐢𝐝-𝐚𝐤𝐥𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐲𝐮𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐠𝐢𝐭𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚, 𝐦𝐚𝐲 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐨𝐠 𝐧𝐚 𝐚𝐠𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐩𝐮𝐦𝐮𝐤𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐞𝐧𝐬𝐲𝐨𝐧—𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧𝐚𝐧. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐭𝐮𝐧𝐨𝐠, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐦𝐢𝐠 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚.

𝐍𝐚𝐩𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐨𝐧 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐢𝐠, 𝐚𝐭 𝐝𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚.

𝐒𝐢 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐢 𝐑𝐢𝐯𝐚𝐬, 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐒𝐋𝐆 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐮𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐞𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭𝐢, 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐡𝐚𝐥𝐚𝐤𝐡𝐚𝐤 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐫𝐨 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐢𝐠. 𝐍𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐦𝐢𝐥𝐥𝐞, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧𝐚𝐧. 𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐰𝐚—𝐩𝐮𝐧𝐨 𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚, 𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐢𝐭, 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐦𝐚𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚.

𝐍𝐚𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐩𝐚 𝐦𝐚𝐧 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐛𝐮𝐬𝐚𝐧, 𝐧𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐭𝐢𝐥𝐚 𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐢𝐲𝐚.

𝐍𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚? 𝐒𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐲 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠. 𝐀𝐭 𝐬𝐢 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐢—𝐬𝐢 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐢 𝐚𝐲 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐝𝐞𝐫, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐲𝐚𝐭𝐚 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐧. 𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐢𝐥𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐛𝐢𝐭-𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐫𝐚𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐥𝐚𝐭.

𝐍𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐝𝐡𝐚𝐧𝐚, 𝐭𝐢𝐥𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐨.

📜 © 2025 Binibining K Ang kwentong ito ay aking orihinal na likha mula sa aking imahinasyon lamang.
Hindi maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulot.

"𝐌𝐢𝐧𝐬𝐚𝐧, 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐭𝐨, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐡...
16/02/2025

"𝐌𝐢𝐧𝐬𝐚𝐧, 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐭𝐨, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐢𝐩𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚. 📖💖
𝐁𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐢𝐧𝐚
𝐊𝐚𝐦𝐢𝐥𝐥𝐞 𝐆𝐨𝐦𝐞𝐳 𝐚𝐭 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐢 𝐑𝐢𝐯𝐚𝐬!"

Hindi lamang ikaw ang paksa ng kwento, kundi ikaw rin ang may-akda nito. Ang bawat letrang sinusulat mo ay tila mga alon...
14/01/2025

Hindi lamang ikaw ang paksa ng kwento, kundi ikaw rin ang may-akda nito. Ang bawat letrang sinusulat mo ay tila mga alon sa dagat ng pag-asa—nagiging hudyat ng bagong umaga. At sa dulo ng bawat linya, may taong naghihintay na mahaplos ng iyong mga salita, sapagkat ikaw ang kanilang inspirasyon.

Binibining K

31/12/2024
Let the new chapter unfold in the most beautiful way. 🌟✨ May this year be filled with love, laughter, and light. 🌸🎉"
31/12/2024

Let the new chapter unfold in the most beautiful way. 🌟✨ May this year be filled with love, laughter, and light. 🌸🎉"

"Sa susunod nalang kapag okupado at may oras na, maghihintay ako ng tamang pagkakataon, isang pagkakataong magbibigay da...
31/12/2024

"Sa susunod nalang kapag okupado at may oras na, maghihintay ako ng tamang pagkakataon, isang pagkakataong magbibigay daan sa muling pagdapo ng ating mga landas.
Kaya't sa bawat sandaling tayo'y magkalayo, alam kong ang ating pagkakaibigan ay matatag at hindi matitinag, tulad ng isang puno na kahit malupig ng hangin ay hindi natitinag. Huwag niyong alalahanin, darating din ang panahon ng magkasama tayo, at sa oras na iyon, walang kalituhan, walang abala, tanging ang samahan at kwento ng ating pagkakaibigan ang maghahari."

- Khimche Dela Pieza

"Isulat mo ang kwento ng iyong buhay, huwag mong hayaang ang iba ang magsulat nito."Binibining K
27/12/2024

"Isulat mo ang kwento ng iyong buhay, huwag mong hayaang ang iba ang magsulat nito."

Binibining K

24/12/2024

To all my homies and friends
advance Merry Christmas
and I wish we all win life 🤝

Address

Cebu City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Binibining K posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share