27/12/2024
Girl: Gusto mo ko?
Boy: Gustong gusto kita. Noon palang. The moment when I first saw you.
Girl: Nagpapatawa ka ba? Kasi, last time I checked we don't have a proper conversation with each other and hindi nga tayo nag uusap back then. So, how?
Boy: Totoo ang sinasabi ko. Natagalan lang but...
Girl: Natagalan? Wow! Grabe naman ang hanip mo din eh noh? Yan lang talaga yong masasabi mo, natagalan? Bruh, it was 4 years and yet basta basta ka nalang susulpot at sasabihing gusto mo ko? Nang wala man lang kahit anong text o kaya sign ? Ano? Ganon ganon nalang yon? Tapos anong gusto mong marinig sakin, " Gusto din kita noon pa" ha ganon ba? Well! Sorry hindi Kasi ganon kadali yon.
Boy: I'm sorry! Naduwag ako . Hindi ko napanindigan yong nararamdaman ko. Kinaya kong tiisin na Hindi ka pansinin kasi nahihiya ako.
Girl: Nahihiya? Saan? Sa mga kaibigan mong class, gwapo at magaganda na di tulad ko? Ang lakas naman ng tama mo bruh. You came here confessing your feelings pero ang Lagay eh kinahihiya mo pala ako?
Boy: No! Hindi ganon. It's just that you're too good for me. And I was not confident enough back then.
Girl: At ngayon may kompyansa kana? Ganon ba? Sige. Tatanungin kita ngayon. Bakit hindi ka nag text sakin o kaya gumawa ng paraan para maka usap ako sa kahit anong paraan after graduation?
Boy: Natakot ako. Na baka kapag kumonekta ako sayo babastidin mo ko.
Girl: Kasi nga duwag ka. Pano mo naman malalaman kung hindi mo naman sinusubukan. Natakot ka lang sumuko kana agad? What's worst kung ngayon eh sasagutin kita ka agad?
Nag antay ako sayo, Kasi I know you feel the same way I feel about you. Kaya nong mga araw na we are apart from each other iniisip ko nalang ay baka nahihiya pa siya, ay baka busy lang siguro sa college life niya, ay baka may work siya, ay baka hindi pa talaga time na maging kami Sige I'll wait patiently. Pero ilang taon ang dumaan hindi ka parin dumating. I've waited for years and now you want me to answer your confession with just a few words in an hour?
Boy: I'm sorry! Kasalanan ko. Pero kahit anong gawin mo, Hindi ako susuko you've been waiting for so long at siguro ako naman ngayon . Handa akong antayin ka kahit doble pa sa taong inantay mo ko. Hanggang sa maging handa ka na ulit.
Girl: Pero itong tatandaan mo! " Kahit kailan hindi kita nagawang palitan kahit walang tayo". Kaya lang masyadong mabilis kung sasagutin kita agad agad pagtrabahuan mo. Kasi ayaw ko ring mapunta ka sa iba.
Boy: ( Happy inside ) Ito rin ang tandaan mo " Ikaw lang noon at Ikaw parin Hanggang ngayon ". Kaya naman susuyuin at susuyuin kita hanggang sa mapagod ka. Kasi bawal kang mapunta sa iba. Akin ka lang.
Chie Writes - naka tingin sa kawalan ngayon.