17/03/2026
‼️‼️‼️SCATTER PA MORE‼️‼️‼️
Isang 36-anyos na lalaki na kilala sa pangalang “Jacko” ang naaresto matapos umanong mag-cash-in ng malaking halaga gamit ang perang galing sa isang botika sa Barangay Linao, Talisay City noong March 3, 2026. 😬
Ayon sa ulat, nagpunta umano ang suspek sa botika kung saan nagtatrabaho ang tindera na kinilalang si Rowela, 46 anyos. Nagpa-cash-in lamang daw ito ng ₱50, at dahil kilala na siya ng tindera ay pinayagan itong iproseso ang transaksyon.
Pinakita pa umano ng lalaki ang QR code na tila nagpapatunay na ₱50 lang ang kanyang ipapasok. Ngunit nang magsagawa ng inventory ang botika kalaunan, doon na nadiskubre na may malaking halaga ng pera na nawawala — umaabot sa ₱50,000. 😱
Dahil dito, nagsagawa ng backtracking ang botika at lumabas na posibleng may kinalaman ang naturang lalaki sa pagkawala ng pera. Agad itong hinanap ng pulisya hanggang sa matagpuan sa isang internet shop, kung saan abala pa raw itong naglalaro ng online scatter game. 🎮
Nang siyasatin ang kanyang cellphone, nakita umano ang isang online gaming application kung saan may ₱50,000 na cash-in na ginamit sa paglalaro. Gayunman, hindi rin umano niya ito agad ma-withdraw dahil kinakailangan pa nitong umabot sa ₱48,000 na turnover requirement.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at haharap sa kasong estafa o swindling through digital deception.
Aral na rin ito sa marami: minsan sa kagustuhang manalo sa sugal, mas napapahamak pa ang sarili. 😔