rosedo vlogg

rosedo vlogg looking good/

29/01/2026

πŠπŽπŒππ‹πˆπŠπ€πƒπŽππ† π€πππ‹πˆπ‚π€π“πˆπŽπ ππ‘πŽπ‚π„π’π’ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŒπ€π†π’π€π’π€πŠπ€ 𝐀𝐓 πŒπ€ππ†πˆππ†πˆπ’πƒπ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 πŒπ€πŠπ€πŠπ”π‡π€ 𝐍𝐆 π€π˜π”πƒπ€, πŠπˆππ”π–π„π’π“πˆπ˜πŽπ!

Kinuwestiyon ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang implementasyon ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na ginagamit ng Department of Agriculture (DA) bilang batayan sa pamamahagi ng subsidiya at tulong pang-agrikultura sa mga magsasaka at mangingisda.

Ayon sa mga reklamo, mabagal at komplikado ang proseso ng aplikasyon kaya marami ang hindi nakapapasok sa RSBSA. Mas malala pa umano ang mga anomalya tulad ng ghost beneficiaries, dobleng pangalan, patay na benepisyaryo, at palakasan sa sistema.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture nitong Enero 26, inamin ng DA na nahihirapan sila sa implementasyon dahil sa kakulangan ng tauhan at sa dami ng requirements gaya ng titulo o patunay ng pagmamay-ari ng lupa.

Iginiit ni Sen. Tulfo na dapat makipagtulungan ang DA sa mga LGU upang maabot ang mga liblib na lugar at maiwasan ang pabalik-balik na aplikasyon ng mga magsasaka at mangingisda.

Sinang-ayunan ito ni Lea Beltran ng LEMCAP, na nagsabing mababa ang bilang ng rehistradong benepisyaryo dahil sa mahigpit at malabong depinisyon kung sino ang maaaring i-accredit bilang farmer sa RSBSA, bukod pa sa maraming dokumentong hinihingi at problema sa encoding.

Binigyang-diin din ni Sen. Tulfo ang kalagayan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat, na nangangailangan ng espesyal na tulong sa pagpaparehistro.

Sa huli, hinikayat ni Sen. Tulfo ang DA na repasuhin at pasimplehin ang sistema, at isaalang-alang na ang municipal agriculturist na mismo ang mag-certify sa isang magsasaka o mangingisda. Inirekomenda rin niya ang mas aktibong koordinasyon sa mga barangay at farm schools upang mas marami ang makasama sa RSBSA.

Address

Badian Cebu
Cebu City
6031

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when rosedo vlogg posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share