08/12/2025
Makailang ulit ka mang padapain ng mundo,
itatayo mo pa rin ang sarili mo
kahit mula sa abo.
Masaktan ka man sa mga walang kasiguraduhan,
aral ang bitbit, tagumpay ang kapalit.
Kapag nilulunod ka ng bigat,
dasal ang pag-ahon.
Mauubos ka, manghihina,
pero mananatili kang mahalaga.
At kahit sa gitna ng kawalan,
may dahilan ka pa ring lumaban.
- J.E.Y