23/01/2026
๐๐ฒ ๐ ๐ข๐ซ๐ฅ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ ๐ญ๐ซ๐๐ง๐ฌ ๐ณ๏ธโโง๏ธ
Ipinagmamalaki ko at buong lakas kong sinisigaw sa mundo na may transgender girlfriend ko . Panahon na para baguhin ang lumang kwento at magsimula ng bagong kabanata. Para sa akin, ang tunay na pag-ibig ay ang buong pagtanggap walang kondisyon, walang โpero โ at lalong walang pakialam sa kasarian. Ang mahalaga ay kung sino siya bilang tao at kung paano niya pinuno ng pagmamahal ang puso ko๐.
Bago pa kami nagsimula, marami na kaming hinarap na pagsubok. Dumaan kami sa diskriminasyon, masasakit na isyu, at paninira mula sa ibang tao. Hindi naging madali ang lahat, pero sa kabila ng mga balakid na iyon, pinili naming manatiling matatag. Doon ko mas natutunan kung paano maging mas matapang matapang na harapin ang lahat ng sasabihin ng iba, at mas matapang na ipaglaban ang relasyon at pagmamahal namin.
Pagkatapos ng lahat ng realizations at pagsubok, mas naging malinaw sa amin kung gaano kami katatag bilang magkasama. Mas pinakita namin sa mundo na ang pagmamahal na totoo ay hindi kayang sirain ng opinyon ng iba. Oo, hindi kami perpekto nagkaroon din kami ng mga pag-aaway, selosan, at mga panahong hindi kami nagkakausap. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, buo at walang bawas ang pagmamahal ko. Isang daang porsyento. Dahil ikaw ang taong humubog at nagpatibay sa kahulugan ng tiwala at tunay na pagmamahal sa buhay ko.
Sa lahat ng kapwa ko lalaki, at sa lahat ng tao anuman ang kasarian iisa lang ang mensahe ko .
Magmahal kayo nang tapat at buong tapang. Huwag kayong matakot sa sasabihin ng iba, dahil ang mahalaga ay ang totoo at payapang pagmamahal na nararamdaman ninyo.
Be mahal na mahal kita ngayon at magpakailanman. Paulit-ulit kong ipaparamdam at ipapaalala saโyo kung gaano kita kamahal at kung gaano ako kasaya at kontento sa piling mo. Hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko saโyo. Buo kitang tinatanggap kung sino ka, kung ano ka, at kung sino ka pa sa hinaharap๐ฅน๐.
๐