23/06/2026
π―οΈ HULING GABI NG PAGPUPUGAY KAY RENE: MISA MUNANG IDINAOS, PUBLIC VIEWING MAGPAPATULOY PAGKATAPOS
Pansamantalang isinara ang public viewing sa huling gabi ng lamay ni Rene Baterbonia upang bigyang-daan ang misa na ginanap ngayong alas-6:00 ng gabi.
Pagkatapos ng banal na misa, muli itong bubuksan para sa publiko hanggang alas-12:00 ng hatinggabi, bilang pagkakataon sa lahat ng nais magbigay ng kanilang huling pagpupugay at pakikiramay.
Marami ang patuloy na dumadagsa upang samahan ang pamilya ni Rene sa kanilang pagdadalamhati at magbigay ng panalangin para sa kanyang walang hanggang kapahingahan.
ποΈ Isang gabing puno ng pag-alaala, pagmamahal, at pamamaalam sa isang kabataang hindi malilimutan.
Source: James Paolo Yap / GMA Regional TV One Mindanao
BALITA ALERT PH