Kalokohang Tula

Kalokohang Tula Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kalokohang Tula, Digital creator, Basak, Badian, Cebu, Cebu City.

26/03/2026
Minsan walang kapalit ang pagod, pero may dahilan kung bakit mo 'yon pinili. πŸŒ…
18/10/2025

Minsan walang kapalit ang pagod, pero may dahilan kung bakit mo 'yon pinili. πŸŒ…

17/10/2025

BANTAY
Sa isang bayan,
May batang naulila,
Maagang nawalan ng magulang,
Walang nasasandalan,
Lungkot at iyak sa tuwing naaalala,
Mga magulang na wala na,
Isa lamang ang kasama,
Kundi asong si bantay,
Na kaibigang tunay,
Karamay sa kalungkutan,
Ng batang iniwan sa mga magulang,
Asong mabait,
Asong karamay,
Salamat sa iyo'y,
Nandito kang tunay,
Ikaw ang dahilan,
Na lumaban pa sa buhay,
Kaya salamat aking bantay,
Pamilya kong tunay.

-kalokohan

16/10/2025

PERA πŸ’°
Pag may pera magagawa mo lahat,
Iyan ang mga hinaing ng tao sa mundo.
Peru paano kung mismong katiting wala nito
Simula pagbata paghihirap na ang nalalakihan.
Mag-aral nang mabuti para yumaman,
Paano makapag-aral kung pera ang pangangailan.
Hindi hadlang daw ang kahirapan,
Pero bakit ang raming taong naghirap parin.
Kayod sa araw, kayod sa gabi.
Parang ilaw na wala kang makikita kundi dilim.
Hindi sapat ang kabutihan,
Hindi sapat ang kasipagan,
Talagang ganito nalang ba,
Kahirapan ang kapalaran.
Nasaan ang pera?
Bakit wala ako nito.
O talagang meron lang kulang,
Peru ano?
Sana maliwanagan,
Sapagkat ang oras,
Mukhang wala na ako.

-kalokohan

15/10/2025

MATANDANG BINATA πŸ™β€β™‚οΈπŸšΆ
Sa malayong bukid,
Binatang marikit.
Nakatutok sa ulap,
Na may pinapangarap.
Kailan pa kayha,
Pusong ulila.
Hindi naman pangit,
Ngunit mabait.
Edad ay tumatanda,
Sana'y may himala.
Na babaeng iibigin ako,
na taos pusong totoo.

-kalokohan

14/10/2025

KAIBIGAN 🀍
Kumusta na kayo?
Tagal nang hindi nagkita,
Tagal nang walang samahan,
Sa mga tawanan at kwentuhan,
Na problema sa isa't isay malilimutan,
Laro sa umaga hanggang maghapon,
Tuwing uuwi,
Ma? Anong ulam?
Sumapit na naman,
Gabing ingayan,
Doon sa dating tagayan,
Mga kwentong walang kabuluhan,
Pero hindi kailan man makakalimutan,
Ngayo'y dating tagpuan,
Ngayo'y dating tagayan,
Napuno nang damo at sirang upuan,
Wala na ang dati,
Ang grupo nang barkadahan,
Sapagkat iba't-iba na ang landas,
Na pinupuntahan,
Kumusta na kayo?
Tagal nang hindi nagkita,
Wala man ang dating hiyawan,
Hindi ko kayo makakalimutan,
Hindi man alam kung magkita pang muli,
Ala-alang tawanan at hiyawan may hindi babalik,
Peru Isa lang ang masasabi ko,
Na sana'y okay lang kayo,
Iba't-iba man ang ating mga landas,
Salitang kaibigan,
Hindi kailan man mapapantayan.

-kalokohan

14/10/2025

KILOSπŸšΆπŸ§πŸƒ
Alam ko ano ang tama't mali,
Peru bakit ang hirap maging tama,
Na alam ko naman itoy mali,
Hindi ko alam anong gagawin ko
Sa kahit anong tama aymali parin sa paningin mo,
Hindi namn nagkulang,
O talagang kulang lang ako sayo,
Sa kadahilanang mahirap,
O mahirap lng ang pananaw sa buhay ko,
Hindi ko alam ano ang gagawin ko,
Mali ba ang tama o tama ang mali,
Peru sa tingin ko,
Wala nang saysay ang salitang ito,
Dahil pangakong gawin kong tama,
Maging mali parin sa kilos mo,
Alam kong mali ako,
Pero hindi ko alam pano maging tama,
Sa kilos na hindi ko naman sinasadya,
Ang hirap maging tama,
Peru Isa lang alam ko,
Tama akong minahal kita nang totoo,
Kaya pasensiya na kong mali ako,
Hindi ko lang talaga alam,
Kung ano ang tama sa mali at mali sa tama.

-kalokohan

Address

Basak, Badian, Cebu
Cebu City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalokohang Tula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share