16/06/2025
Ang rabies ay isang nakamamatay na impeksyon mula sa virus na kumakalat sa pamamagitan ng mga hayop na nahawaan tulad ng a*o, pusa, o paniki. Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng direktang kontak sa laway ng isang hayop na may rabies.
Ano ang mga DAPAT GAWIN pag nakagat ng hayop:
1. Hugasan kaagad ang sugat ng may sabon at tubig na umaagos sa loob ng 10-15 minuto.
2. Huwag maglagay ng bawang o anumang bagay sa sugat upang maiwasan ang impeksyon at karagdagang komplikasyon.
3. Huwag takpan ang sugat.
4. Huwag pumunta sa TANDOK.
5. Pumunta sa pinakamalapit na pagamutan para sa wastong pangangalaga sa kagat ng hayop.
Ayon sa datos ng opisina (1st quarter 2025), dito sa ating lungsod ay may 728 ka*o ang naitalang nakagat ng hayop kung saan 553 dito ay kagat ng a*o, 170 ay kagat ng pusa at 5 ka*o ay mula sa kagat ng alagang unggoy. 349 dito ay nasa Category 3, na kinabibilangan ng mga nakagat sa bandang leeg at ulo o yung may marami at malalalim na kagat. Karamihan sa bilang ng nakagat ay ang mga may edad 15 pababa na may bilang na 337 na ka*o.
Ang mga naturang datos ay nagpapakita na mas marami ang nakakagat ng a*o at mas marami ang mga batang nakakagat.
Pinapayuhan ang mga magulang at tagapangalaga ng mga bata na protektahan ang ating mga anak sa kagat ng a*o. huwag hayaang nakikipaglaro ang mga bata sa mga hayop.(hindi laruan ang mga hayop gaya ng a*o at pusa) Pinapayuhan din ang mga may-ari ng a*o na pabakunahan ng anti-rabis ang mga alagang a*o isang beses sa isang taon.
ANG RABIS AY NAKAMAMATAY!
MAGTUNGO SA PINAKAMALAPIT NA ANIMAL BITE TREATMENT CENTER SA INYONG LUGAR.
Animal Bite treatment Center
CHSO Building Dagupan Centro, Tabuk City, Kalinga
Schedule:
First Doses and 3rd Doses: Mondays: 2nd Dose: Thursdays
Out-Patient Department
Kalinga Provincial Hospital
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
Schedule: Mondays, Tuesdays Thursdays and Fridays except Holidays