PNews Update Mojo Vj Gregg

PNews Update Mojo Vj Gregg News and Information Mobile Journalist works in News Agency

27/07/2026

“SANA ‘WAG NA HALUAN NG PULITIKA ANG PAGBABAHA SA DAVAO, LAHAT NG BIKTIMA RITO FILIPINO PO”

Ito ang sagot ni Senator Christopher "B**g" Go matapos iniuugnay sa pulitika ang nangyaring pagbaha sa Davao City.

**gGo

PAALALA MULA SA PNP IFUGAO Ang bagay na nakikita sa larawan ay isang "Patungkab (Blasting Device). Dahil sa hugis, balot...
26/07/2026

PAALALA MULA SA PNP IFUGAO

Ang bagay na nakikita sa larawan ay isang "Patungkab (Blasting Device). Dahil sa hugis, balot, at kulay nito, napakadali itong mapagkamalang tsokolate, kendi, o moma—lalo na ng mga bata.

⚠️ BAKIT ITO DELIKADO?

Ito ay isang uri ng pampasabog. Sobrang sensitibo nito sa init, friction (pagkuskos), impact, at kagat. Konting maling galaw o kagat lang ay maaari na itong SUMABOG AGAD sa kamay o mukha!

🛑 PAALALA SA MGA MAGULANG:

HUWAG HAYAANG BASTA-BASTA NAKAKALAT: Kung kayo ay gumagamit o may ganitong gamit (halimbawa para sa mga licensed blaster), siguraduhing ito ay secured at nakatago sa isang lugar na hindi maaabot ng mga bata. Hindi ito dapat nakalagay kung saan-saan lang.

TURUAN ANG MGA BATA: Laging ipaalala sa mga anak na huwag pumulot o humawak ng anumang bagay na nakikita nila sa kalsada o labas ng bahay, lalo na kung hindi nila kilala.

Maging Mapanuri: Bago bigyan o hayaang kainin ng bata ang anumang napulot nila, siguraduhing ito ay safe.

🛑 ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG NAKAKITA NITO?

HUWAG HAWAKAN, HILAHIN, O ISUBO.

HUWAG DADALHIN SA LOOB NG BAHAY.

ILAYO AGAD ANG MGA BATA sa lugar kung saan ito nakita.

IPAGBIGAY-ALAM AGAD SA BARANGAY O PNP STATION upang ang mga eksperto (EOD) ang ligtas na kumuha at mag-dispose nito.

Paki-share po ang post na ito para maging aware ang ating mga kapitbahay at pamilya. Ang kaligtasan ng lahat ay nagmumula sa tamang kaalaman!

📌 EMERGENCY REMINDER:
For any security concerns, emergency assistance, or immediate reports, please contact the 911 Emergency Hotline or message our official page and hotline number (09171887414)
// PNP Ifugao Banaue


25/07/2026

BAHA, NARANASAN SA ILANG BAHAGI NG ILOCOS NORTE DAHIL SA EPEKTO NG BAGYONG 'KIYAPO'

Naranasan ang pagbaha sa ilang bahagi ng Ilocos Norte dahil sa patuloy na epekto ng Bagyong Kiyapo.

Bagama't nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, patuloy pa rin itong nagpapalakas ng pag-ulan at hangin sa Hilagang Luzon dahil sa matinding lakas nito.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na manatiling alerto at sumunod sa abiso ng kanilang lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

📷 Courtesy: Joem Jay Fernandez Ramos

Suportado ni Pangulong B**gbong Marcos Jr. ang pagpapalakas ng digital infrastructure at data sovereignty ng bansa.Kasun...
24/07/2026

Suportado ni Pangulong B**gbong Marcos Jr. ang pagpapalakas ng digital infrastructure at data sovereignty ng bansa.
Kasunod ito ng kaniyang pagdalo sa Converge Angeles Data Center sa Angeles City, Pampanga para inspeksyunin ang AI-ready sovereign cloud facility ng lugar.
Layunin nitong palakasin ang lokal na AI at digital infrastructure, mabawasan ang pagdepende sa mga dayuhang data center, mapahusay ang seguridad ng mahahalagang datos, at maitaguyod ang Pilipinas bilang regional hub para sa teknolohiya

CREDITS

24/07/2026

watch Tila hindi alintana ng isang lalaki ang malakas na agos ng tubig sa Makar River sa General Santos City, na nakatayo lang sa gitna ng ilog nitong Huwebes, Hulyo 23.
Nagulat ang mga residente nang bigla nitong languyin ang rumaragasang tubig. Gayunman, ligtas naman siyang nakaahon, ayon sa uploader ng video na si Mel Modayno.


24/07/2026

PANIBAGONG PANGHA-HARASS NG CHINA SA PCG!

Muling binomba ng water cannon at ginipit ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at BFAR habang nagpapatrolya at naghahatid ng ayuda sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc kaninang umaga, July 24.


18/07/2026

MILITARY CONVOY TINAMBANGAN

Pinasabugan ang convoy ng mga sundalo sa national highway sa Roundball, Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, bandang 6:26 ng umaga ngayong Sabado, July 18, 2026, na ikinasugat ng dalawang sundalo at tatlong sibilyan.

Lumalabas sa imbestigasyon na dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng itim na motorsiklo ang umano'y naghagis ng pinaniniwalaang hand gr***de sa sasakyan bago naganap ang pagsabog.

Contributed Vidos



18/07/2026

PASIG TPMO "BLUEBOYS" PINATULAN NG RIDER NA SINITA ALONG FLOODWAY PASIG

Credits Contibutes Videos/Brabo News



18/07/2026

'NAMIMISS BA NATIN 'YUNG BAWAT KANTO MAY PATAY?'

Kasunod ang marahas na pagpatay sa motorcycle taxi driver, mariing tinutulan ni dating 2nd District Surigao Del Norte Representative Atty. Robert Ace Barbers ang mga pahayag na ibalik umano ang “Duterte style of governance.”




Courtesy House of Representatives

GABRIEL GO, SUSPINDIDO MUNA SA OPERASYON NG MMDASinuspinde muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si G...
15/07/2026

GABRIEL GO, SUSPINDIDO MUNA SA OPERASYON NG MMDA

Sinuspinde muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Gabriel Go, hepe ng Special Operations Group–Task Force Road Clearing, kasunod ng pagkalat ng viral video na kinasasangkutan niya. Ayon sa MMDA, pansamantalang hindi muna siya lalahok sa mga clearing operation habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.

📸 Gabriel Go

#𝘔𝘔𝘋𝘈

Address

IFM VIGAN MUSIC AND NEWS
City Of Vigan
2510

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNews Update Mojo Vj Gregg posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share