07/12/2025
Katy Perry at Justin Trudeau, nagbahagi ng bagong photos mula Tokyo amid lumalalim na relasyon
Nag-post si Katy Perry ng mga bagong larawan kasama ang dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau mula sa kanilang biyahe sa Tokyo, Japan — kung saan nakipagkita rin sila kay dating Japanese Prime Minister Fumio Kishida, na pabirong tinawag ang singer bilang “partner” ni Trudeau.
Ang photos ay mula sa Instagram ni Perry at lumabas ilang linggo matapos nilang i-hard launch ang kanilang relasyon noong Oktubre, nang magpakita silang magkasama sa isang cabaret at strip club sa Paris para sa ika-41 kaarawan ng “California Gurls” singer.
Sa mga larawang kuha sa Tokyo, kitang masaya ang dalawa habang bumibisita kay Kishida, na lalo pang nagpasiklab sa interes ng publiko sa kanilang hindi inaasahang pag-iibigan. Wala pang opisyal na pahayag ang alinman sa kanila tungkol sa estado ng kanilang relasyon, ngunit ang sunod-sunod na public appearances nila ay patuloy na pinag-uusapan sa buong mundo.
Bilang isa sa pinakakilalang pop stars sa mundo at isang dating pinuno ng gobyerno, mabilis nang naging isa ang dalawa sa pinakasinusubaybang bagong celebrity couples ngayon — at marami ang nag-aabang kung saan patutungo ang kanilang love story.