27/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐: ๐๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐ ๐๐ ๐จ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐๐ฅ๐๐ฆ๐?
Tunay bang reporma ito para sa ikabubuti ng edukasyon, o isa na namang pagbabago na hindi lubos na isinasaalang-alang ang epekto nito sa mga estudyante at g**o?
Kamakailan lang, may inilabas na pahayag ang Commission on Higher Education (CHED) noong Mayo 5, 2026. Tiniyak nito na ang proposed Reframed General Education Curriculum (RGEC) ay hindi pa pinal at nananatiling bukas para sa mga rekomendasyon at konsultasyon mula sa mga estudyante, g**o, at iba pang stakeholders. Ayon sa CHED, layunin ng repormang ito na gawing mas โcoherent, responsive, at alignedโ ang General Education curriculum sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon at pandaigdigang pamantayan.
Ngunit, solusyon nga ba ang pagbabawas ng General Education (GE) sa mga kolehiyong paaralan, o sadyang pagbabawas lamang ito ng kaalaman sa mga alituntunin/asignatura ng bawat estudyanteโat g**o?
Bagama't, gayon pa man, positibo ang hangarin ng repormang ito, hindi maiiwasan ang pangamba ng maraming estudyante at g**o. Para sa mga mag-aaral, ang General Education subjects ay mahalagang pundasyon ng kritikal na pag-iisip, pag-unawa sa lipunan, kultura, at kasaysayan. Ang posibleng pagbabawas o pagsasaayos ng ilang asignatura ay maaaring makaapekto sa lawak ng kanilang pagkatuto at paghahanda bilang responsableng mamamayan.
Mas mabigat naman ang epekto nito sa mga college instructors, lalo na sa mga part-time instructors na matagal nang nagtuturo sa mga asignaturang sakop ng General Education. Marami sa kanila ang may sapat na kakayahan, karanasan, at dedikasyon sa pagtuturo, ngunit nangangamba silang mabawasan ng teaching load o mawalan ng trabaho kapag nabawasan ang bilang ng mga subjects. Hindi sapat na sabihing โpara ito sa pagbabagoโ kung ang kapalit naman ay kawalan ng seguridad para sa mga nagtuturo. Sa panahon kung kailan marami nang g**o ang nahaharap sa kakulangan ng seguridad sa trabaho, malaking usapin ang magiging epekto ng RGEC sa kanilang kabuhayan.
Inanunsyo noong Mayo 14, 2026, ng Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Shirley Agrupis na pansamantalang isususpinde ang pagpapatupad ng panukalang binagong General Education (GE) curriculum para sa Taong Panuruan 2026โ2027.
Ayon kay Agrupis, target na ngayon ng CHED na ipatupad ang binagong GE curriculum sa taong 2028 upang mabigyan pa ng sapat na panahon ang mas malalim na pagsusuri at konsultasyon sa ibaโt ibang stakeholder. โIto ay upang mabigyan tayo ng sapat na panahon, lalo na ang technical panel at ang Kagawaran ng Edukasyon, na masuri at mapag-aralang mabuti ang ibaโt ibang pagpapakita nito dahil nauunawaan namin kung saan ito nagmumula, at maging sa teacher education, hindi magkakaroon ng pilot testing para sa binagong kurikulum na ito,โ dagdag pa niya.
Ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa sistema o kurikulum. Ito ay tungkol sa mga taong bumubuo ritoโmga estudyante at g**ong parehong nagsisikap para sa mas magandang kinabukasan. Dahil ang tunay na reporma sa edukasyon ay hindi lamang makikita sa pagbabago ng sistema kundi sa kakayahan nitong protektahan at pakinggan ang mga taong bumubuo rito.
References:
Commission on Higher Education. (2026, May). Press release no. 649. CHED. http://ched.gov.ph/press-releases/649
Philippine News Agency. (2026). CHED postpones implementation of reframed GE curriculum. https://www.pna.gov.ph/articles/1274523
Rappler. (2026, May). Things to know about CHEDโs proposed reframed general education curriculum. https://www.rappler.com/philippines/things-to-know-ched-proposed-reframed-general-education-curriculum-may-2026/
Caria*o, B. (2025). CHED defers reframed GE curriculum to 2028. The Philippine Star. https://edition.pagesuite.com/popovers/dynamic_article_popover.aspx?artguid=971eac0b-8465-4df4-9a08-78c67401fef5&appcode=THE276&eguid=07e773ef-510b-4fd5-9685-278ad88a299c&pnum=8
Commission on Higher Education [CHED]. (2026, May 5). Facebook video [Video]. Facebook. https://www.facebook.com/share/v/1Cq2Smpdpg/
Words by C. Villamor & S. Mondragon
Illustration by M. Tarona