08/01/2025
Pag nasa LDR kayo masaya na pag nagkakausap kayo sa chat,text,tawag at nagkikita kayo kahit sa simpleng videocall lang at syempre pag alam mong ligtas sya palagi. Masaya, pag nakikita mong natutupad nyo ung mga pangarap nyo kahit magkalayo kayo.
Malungkot, pag minsan hindi lang distansya ung humahadlang sa inyong dalawa kundi pati yung oras, na minsan wala kang magawa kundi hintayin ung tawag o text nya kasi busy sya.
Ipaparanas din sa inyo ng mundo kung bakit nauso ang salitang pangungulila, yung mga oras na gusto mong nasa tabi molang sya pero wala kayong magawa dahil sa milya milyang distansya na pumapagitan sa inyong dalawa. Kadalasan, papatak nalang yung mga luha mo kasi kahit anong gawin mo hindi mo sya mayakap ,wala kang magawa pag nagkakasakit sya at wala ka sa tabi nya. Yung dating kasabay mong kumain,maglakad at kakwentuhan mo sa mga nangyayari sayo ay malayo sa tabi mo.
Lahat ng uri ng kalungkutan ipapaexperience sa inyo ng mundo pag nasa Long Distance Relationship ka,sabi nga ng iba wala daw tumatagal sa ganitong relasyon pero bakit merong KAYO/ KAMI hanggang ngaun. Sa relasyon hindi sapat na mahal nyo lang ang bawat isa kailngan matatag at matibay din kayo sa lahat ng mga pagsubok lalo na sa tukso . Kaya nyong panindigan ung mga pangako nyo sa isat isa na walang bibitaw hanggang dulo.
Tandaan nyo, hindi kayo aabot kung nasaan kayo ngaun kung hindi kayo matatag. Matatag sa lungkot,pangunguli at tukso. Kaya sa lahat ng nasa LDR dyan. Tatagan nyo pa dahil isang araw magkakasama din kayong dalawa ng wala ng distansya at oras na hahadlang. At piliin nyo pa rin na intindihin ang bawat isa dahil sa huli ang dalawang taong tunay na nagmamahalan ay hindi basta bastang sumusuko . Kapit lang!
゚