26/07/2025
HUWAG TAKPAN ANG BANGKAY NG TELANG MAY TALATA MULA SA QUR’AN❌❌❌
👉Hindi ipinahintulot dahil ito ay kabilang sa kawalan galang sa Qur'an❗
👉Tinanong si Shaikh Bin Bazz hinggil sa bagay na ito, kanyang sinabi:
“Ito ay hindi maaari dahil isa itong uri ng kawalan galang sa talata ng Qur’an.
Hindi maaaring gamitin ang gamit na may sulat na talata mula sa Qur’an sa pamamagitan ng pambalot, gawaing unan, sapin, banig o gawing pantakip sa Janazah (sa isang yumao), ito ay isang uri ng paglalaro o paglapastanganan sa talata ng Qur’an❗
👉 Mainam na takpan lamang ito ng karaniwang Tela (plain mainam) na walang sulat na talata mula sa Qur'an.
👉 Narito ang iilan sa kamalian sa Janazah na nangangailangan ng pagtutuwid:
1-ANG PAGSAMBIT NG: “BISMILLAHI WA ALA SUNNATI RASOOLILLAH” o “BISMILLAHI WA ALA MILLATI RASOOLILLAH” sa tuwing hawakan o paliguan ang patay
☆ Ang nasabing Dua ay bibigkasin lamang ng taong maglalatag sa bangkay sa kanyang libingan Alinsunod sa sinabi ng Proepta:
👉 Katunayan ang Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan) ay nagwika: “Kapag inyong ilalatag ang namatay sa inyo sa kanyang libingan ay bigkasin ninyo ang “BISMILLAHI WA ALA SUNNATI RASOOLILLAH”. Sa ibang salaysay ay bigkasin ang: “BISMILLAHI WA ALA MILLATI RASOOLILLAH” Ang Hadith ay authentic
☆ Ang tanging binabasa bago umpisahan ang pagsagawa ng Wudu sa Janazah ay: “Bismillah” lamang at wala ng naiulat na binibigkas maliban rito.
2-ANG PAGLALAGAY SA DALAWANG KAMAY NG BANGKAY SA KANYANG DIBDIB NA KATULAD NG KALAGAYAN NG SALAH:
☆ Ang tamang pamamaraan ay ilalagay ang dalawang kamay sa kanyang tagiliran:
👉 Sinabi ni Ibn Uthaimeen hinggil sa bagay na ito: “ito ay hindi kabilang sa Mashroo” hindi kautusan” bagkus, ilalagay nalang ang mga kamay nito sa kanyang tagiliran.
👉 Ito rin ang naging fatwa ni IBn Bazz. Abdulmuhsen Abbad at binanggit din ito sa Encyclopedia of Islamic Jurisprudence ng bansang Kuwait.
3-ANG PANONOOD NG IILAN SA PAGLIGO AT BALOT NG PATAY NA HINDI NAMAN KABILANG SA NAGSASAGAWA NITO.
Ang tamang katuruan ay ang pagsagawa ng Janazah ay eksklusibo at malayo sa paningin ng marami.
Hangga’t maaari ay iwasan na makita ito ng publiko bilang pagtatakip sa mga bagay na hindi maganda o hindi kanais-nais na makita mula sa bangkay.
4-ISINASAGAWA ANG WUDU (ABDAS) PAGKATAPOS PALIGUAN ANG NAMATAY
Ang tamang pamamaraan ay isasagawa ang Wudu bago umpisahan ang pagligo at hindi ang pagkatapos ng paliguan.
Ang pagsagawa ng Wudu pagkatapos ng pagligo ay kabaliktaran ng Sunnah.
Maaari lamang isagawa ulit ang pag-wudu pagkatapos paliguan ay kapag may lumabas pang dumi (tulad ng tae o ihi) mula sa bangkay pagkatapos na itong mapaliguan, sa ganitong kalagayan ay huhugasan ang dumi at isagawa muli ang wudu at hindi na uulitin ang pagpaligo
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
سئل فضيلة الشيخ رحمه الله تعالى: في بعض الأماكن، وعندما يحمل الناس الميت إلى الصلاة، ومن ثم إلى المقبرة يغطون الميت بغطاء مكتوب عليه آية الكرسي، أو آيات متفرقة من القرآن، فهل لهذا العمل أصل في الشرع؟
الجواب: "ليس لهذا العمل أصل في الشرع (أي ليس لكتابة الآيات القرآنية على ما يغطى به الميت فوق النعش أصل في الشرع)؛ بل هو في الحقيقة امتهان لكلام الله عز وجل، بجعله غطاء يتغطى به الميت، وهو ليس بنافع الميت بشيء، وعلى هذا فالواجب تجنبه: أولاً: لأنه ليس من عمل السلف. وثانياً: لأن فيه شيئاً من امتهان القرآن الكريم. وثالثاً: لأن فيه اعتقاداً فاسداً وهو أن هذا ينفع الميت، وهو ليس بنافعه" مجموع فتاوى الشيخ ابن عثيمين(17/168)
Ctto: ✍️ Zulameen Sarento Puti)