21/08/2022
[HAYAAN MO NA LANG KAYA]
Sinabi ng Isang matalino:
Sa buong buhay ko hindi pa ako napahiya, maliban lamang sa isang babaing nakasalubong ko. Ang babaing ito ay mayroon siyang dala dalang pinggan na tinakpan.
Tinanong ko siya: Ano ba ang dala mong iyan?
Sumagot siya: Eh, bakit ko pa ito tinakpan kung sasabihin ko rin naman?
Kaya ang sabi ng matalino: Laking hiya ang inabot ko.
-------------------------
Kapatid,
Ito ay hindi Wisdom (Karunungan) sa araw na ito, kundi WISDOM sa buong buhay natin.
Alinmang bagay ang tinakpan, e huwag mo nang pilitin alamin pa o saliksikin pa.
Kapag ang isang tao na mayroon inililihim o itinatago, ay huwag ka nang magsumikap na alamin pa ito, sapagkat ang kadalasang patungkol sa bagay na ito ay wala kang pakialam.
Sapat nang ipinakita niya sa'yo na paggalang at inihayag ang bandang kabutihan niya, at tinakpan ang kabilang di maganda.
Bakit sino ba ang taong makikita natin na walang kapintasan at may mga iniingatan mailantad sa publiko?
Kahit sa sarili natin, minsan mayroong mga bagay o mga nakalipas na ayaw na ayaw nating mapag-usapan pa ito.
Ang pakikialam sa mga lihim at sekreto ng ibang tao, ay susi ng masamang panghihinala at simulain ng pagkakasala. Kayat,,,,,,,,
HAYAAN MO NA LANG KAYA.
Assalâmu 'alaykum at MAGANDANG HINALA sa lahat…