19/09/2025
1st BARMM PARLIAMENTARY ELECTION SA OKTUBRE 13 TULOY PARIN AYON SA COMELEC SA KABILA NG PASYA NG KORTE SUPREMA
Magpapatuloy ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktubre 13, 2025, ayon sa Commission on Elections (COMELEC), sa kabila ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Korte Suprema laban sa Bangsamoro Autonomy Act 77 (BAA 77).
Matatandaang, sinuspinde ng COMELEC ang paghahanda para sa pitong puwestong apektado sa Sulu, ngunit tuloy ang halalan para sa natitirang 73 seats. Ang TRO ay inilabas noong Setyembre 15, na nag-utos na itigil muna ang mga hakbang kaugnay sa BAA 77 habang dinidinig ang mga petisyon.
Ang halalan ay bahagi ng pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law at itinuturing na makasaysayan bilang unang pagkakataon na boboto ang mga taga-BARMM para sa sariling parliyamento.