24/05/2025
๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐ฉ๐ข, ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ ๐๐ข๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐๐๐ญ ๐๐๐ฒ๐ง๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ญ ๐๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข ๐๐๐ง๐๐ญ ๐๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ซ๐๐ฉ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ซ๐๐๐ซ, ๐๐ซ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ซ๐๐๐ซ, ๐๐ญ ๐๐ญ๐ญ๐๐ฆ๐ฉ๐ญ๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ซ๐๐๐ซ.
๐ถ๐๐๐ด๐ต๐ด๐๐ ๐ถ๐ผ๐๐, ๐โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ Inaresto ng mga awtoridad ang alkalde ng bayan at ang kanyang asawa nitong Martes, Mayo 20, matapos maglabas ng mga warrant of arrest kaugnay ng isang pananambang noong 2024 na ikinasawi ng isang bise alkalde at ikinasugat ng asawaโt anak nito sa Maguindanao del Sur.
Ayon sa pulisya, inaresto sina Vice Mayor elect at Ginang Insular sa Barangay Making, Parang, Maguindanao del Norte. Gayunman, sinabi ng mag-asawa โ sina South Upi Mayor Reynalbert Insular at Janet โ na kusa silang sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Bangsamoro region, kasunod ng paglalabas ng warrant of arrest ng Regional Trial Court Branch 27 sa Cotabato City.
Si Insular, na nahalal bilang bise alkalde noong halalan nang nakaraang Mayo 12, at ang kanyang asawang si Janet, na natalo sa pagka-alkalde, ay nahaharap sa mga kasong murder, frustrated murder, at attempted murder kaugnay ng pananambang kay Vice Mayor Roldan Benito noong Agosto 2, 2024 sa Barangay Pandan, South Upi.
Napatay sa pananambang si Benito at ang kanyang aide, habang nasugatan naman ang kanyang asawa at isa sa kanilang mga anak.
Nangyari ang pananambang habang nakasakay ang mga biktima sa isang pick-up truck bandang alas-5 ng hapon. Isinugod sa ospital si Benito at ang kanyang aide ngunit binawian din ng buhay.
Samantala, ang nakatatandang kapatid ni Benito ang nanalo bilang alkalde ng South Upi dalawang Lunes na ang nakalipas, tinalo si Janet Insular.
Itinakda ang piyansa sa P200,000 para sa kasong frustrated murder at P120,000 para sa attempted murder. Walang piyansa ang inirekomenda para sa dalawang bilang ng kasong murder.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG sa Cotabato City ang mag-asawang Insular.
Sa isang pahayag, sinabi ng mag-asawa na kusang-loob silang sumuko sa mga awtoridad upang harapin ang mga paratang na sila ang nasa likod ng pagpaslang kay Benito, at upang ipakita ang kanilang kahandaang makipagtulungan sa imbestigasyon.
Ayon kay Mayor Insular, bahagi lamang ng propaganda sa halalan ang mga paratang na layong sirain ang kanilang pangalan.
Binanggit ng kanilang mga abogado ang isang legal na precedent, ang kasong People of the Philippines vs. Dario Roldan (G.R. No. L-22030), na anilaโy nagpapalinaw ng pagkakaiba ng "kusang-loob na pagsuko" mula sa pagsuko kapag natanggap na ng akusado ang warrant of arrest.
Aniya, sa oras ng kanilang pagsuko noong alas-11 ng umaga, Mayo 20, ay hindi pa umano nila natatanggap ang warrant of arrest.
Nagbanta rin sila na magsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng umanoโy paninirang-puri.
Samantala, nanawagan si Mayor Insular sa kanyang mga taga-suporta sa South Upi na manatiling kalmado at mapagmatyag, at suriing mabuti ang mga impormasyong natatanggap. Hinikayat din niya ang publiko na huwag basta maniwala sa pekeng balita. Kumpiyansa siyang mananaig ang katotohanan at mapapanagot ang tunay na nasa likod ng pamamaslang kay Benito.
Sa panig ng CIDG-BARMM, sinabi nilang kanilang ipinatupad ang warrant of arrest laban sa mag-asawang Insular.
- John Garcia