07/12/2022
31: WASHtong Kagawain sa Kalinisan (WAter, Sanitation, at Hygiene)
Habang bata pa, naniniwala ang DSWD, kasama ng UNICEF at CHSI, na kinakailangang matutunan na ang wastong kagawian sa kalinisan. Bahagi rin kasi ito ng ating pagtupad sa layuning pataasin ang antas ng pamumuhay ng ating pamilya.
Kaya naman, sa eFDS na ito ay ating aalamin ang watong kagawian tungkol sa Water, Sanitation, at Hygiene o WASH upang makaiwas tayo sa pagkakasakit tulad ng Acute Bloody Diarrhea, Cholera, Hepatitis, at Typhoid fever. Babalikan natin ang WASHtong paghuhugas ng kamay bilang ating unang depensa laban sa sakit. Malalaman din natin ang iba pang mga kagawian para siguradong malinis ang ating tubig, pagkain at kapaligiran.
Halina’t SaMa-SaMa nating palakasin ang ating mga WASHtong gawi sa ating mga sarili at tahanan upang masiguro ang kapakanan at kalusugan ng ating mga batang anak, lalo na ang mga nasa edad 3-5 taon, tungo sa patuloy na pag-unlad nating mga ka-4Ps.
Bilang dagdag kaalaman, kasama rin sa eFDS na ito ang ilang impormasyon tungkol sa 18 Day Campaign to End Violence against Women na ipinagdiriwang kada 25 Nobyembre hanggang 12 Disyembre.
Kaya naman, mga ka-4Ps, magsimula na tayo!
(Ang e-FDS na ito ay isang alternatibong pagsasagawa ng Family Development Session (FDS) ng Pantawid Pamilya hatid sa mga benepisyaryo ng programa upang patuloy na makapagbigay-kaalaman sa panahon ng krisis pangkalusugan dulot ng Covid-19)