XFM 102.1 Cotabato

  • Home
  • XFM 102.1 Cotabato

XFM 102.1 Cotabato Official FB Page of Xfm Cotabato City

06/08/2025

BREAKING NEWS:

SA BOTONG 19-YES, 4-NO, 1-ABSTENTION, NAGDESISYON ANG SENADO NA I-ARCHIVE ANG ARTICLES OF IMPEACHMENT LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE.

LOOK!
06/08/2025

LOOK!

VAN DRIVER, NASAWI SA SHOOTING INCIDENT SA COTABATO CITY .NASAWI sa pamamaril ang van driver habang nasa Esteros, Brgy. ...
06/08/2025

VAN DRIVER, NASAWI SA SHOOTING INCIDENT SA COTABATO CITY .

NASAWI sa pamamaril ang van driver habang nasa Esteros, Brgy. Rosary Heights 10, Cotabato City.

Kinilala ang biktima sa pangalang Esmael Sangacala residente ng Brgy
Pob. 8 dito sa lungsod.

Dead on arrival na ito nang isygod sa ospital matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng Police Station 2 sa krimen.

PHOTO : CTTO

7 PATAY- HIGIT 10 KATAO SUGATAN SA NAHULOG NA DUMP TRUCK SA BANGIN SA LEBAK, SK PROVINCE.PITO ang  nasawi habang mahigit...
06/08/2025

7 PATAY- HIGIT 10 KATAO SUGATAN SA NAHULOG NA DUMP TRUCK SA BANGIN SA LEBAK, SK PROVINCE.

PITO ang nasawi habang mahigit 20 ang sugatan sa nahulog na dump truck s highway 70, Sitio Platacan, Christianuevo, Lebak, Sultan Kudarat Province.

Ang mga namatay ay sina Tods Mamintal,
Tayer Nakan, Babylyn Sahipa, 14 yo, Aling Sahipa, 50 yo, Muhammad Digan, Muhammad Macarimbang, Ramon Manoo, 40 yo.

SUGATAN sina Saidamin Omar, 20 yo,Umbos Uteng, 33yo, Musib Nakan, 55yo, Bens Takpan Bens, 51yo, Ayreen Takpan, 16yo, Haya Matabalao,14, Ibrahim Ambolodto, 24, Johair Omar, 18, Alvin Adam, Arbaina Ambolodto, 14, Morsalin Degan, Aiman Pending, 19, Haya Bansalan, 14, Samsudin Ambolodto, 34, Bibi Takpan, 15 yo habang inaalam pa ang identities ng ibang mga pasahero.

Agad isinugod sa ospital ang mga sugatang pasyente.

Napag-alaman na 30 ang sakay ng nabanggit na sasakyan.

Inalam ng pulisya ang tutoring dahilan ng insidente.

PHOTO: CTTO

06/08/2025

LIVE: Press Conference ni OVP Spokesperson Ruth Castelo

Video Courtesy: One PH
















Yes2Health Inc.

06/08/2025

LOOK!

SUNOG NA NANGYARI SA PUROK DATU KAKA, POBLACION 1, COTABATO CITY KAGABI

🎥 JULIUS NACMAN REOYAN

MENOR DE EDAD, PATAY SA RABIES SA SOUTH UPI, MDS.NASAWI ang isang estudyante dahil sa rabies matapos makagat ng a*o sa B...
06/08/2025

MENOR DE EDAD, PATAY SA RABIES SA SOUTH UPI, MDS.

NASAWI ang isang estudyante dahil sa rabies matapos makagat ng a*o sa Bayan ng South Upi, Maguindanao del Sur.

Ang biktima na isang Grade 8 student ay kinilala sa pangalang Armando Petilo Jr., 13-anyos, estudyante ng Pilar Integrated Vocational High School at residente ng Barangay Pilar sa nabanggit na bayan.

Dati nang nakagat ang biktima noon pang nakaraang taon ngunit hindi nito pinaalam ang kaniyang mga magulang sa nangyari.

Nito lamang sabado (August 2, 2025) ay lumabas na ang mga simtomas ng rabies sa bata at naisugod pa sa ospital ngunit kinalaunan ay binawian din ito ng buhay dahil umakyat na sa utak ang rabies.

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag ipagwalang bahala ang rabies dahil labis itong mapanganib sa katawan ng tao kaya agad magpabakuna kung sakaling makagat o makalmot ng hayop ang katawan.
















Yes2Health Inc.

GRASS FIRE SUMIKLAB SA MT. MINANDAR SA BAYAN NG DOS, MDN.NASUNOG ang malaking bahagi ng Mt. Minandar sa Datu Odin Sinsua...
06/08/2025

GRASS FIRE SUMIKLAB SA MT. MINANDAR SA BAYAN NG DOS, MDN.

NASUNOG ang malaking bahagi ng Mt. Minandar sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte bandang alas 10:00 ng gabi noong araw ng Biyernes (August 1, 2025).

Malaking bahagi ng bundok ang tinupok ng apoy at ayon sa salaysay ng mga residente malapit sa lugar ay may taong nagsunog ng mga tuyong damo at kahoy na umanoy posibleng pinagmulan ng sunog.

Hindi na nakaresponde ang Datu Odin Sinsuat Bureau of Fire Protection sa lugar dahil tuluyan nang tumigil ang pagkalat ng apoy.
















Yes2Health Inc.

CONSTRUCTION WORKER NA DRUG RUNNER, ARESTADO SA COTABATO CITYBALIK-KULUNGAN ang isang lalaki na umanoy drug runner matap...
06/08/2025

CONSTRUCTION WORKER NA DRUG RUNNER, ARESTADO SA COTABATO CITY

BALIK-KULUNGAN ang isang lalaki na umanoy drug runner matapos isagawa ang drug buy-bust operation sa Purok 2, Mentors Village, Brgy. RH 11, Cotabato City, lunes ng gabi (August 4, 2025)

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) Chief Police Captain Jonathan Mariano at matagumpay na nahuli ang suspek na kinilala sa alyas na “Tata”, 54-anyos, walang asawa, construction worker at residente ng nasabing barangay.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawag (2) sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.09 grams at may street value na Php414.

Inamin ni Tata na matagal na siyang gumagamit ng iligal na droga at dati narin siyang nakulong dahil dito.
















Yes2Health Inc.

PROBLEMA SA TRAPIKO SA MATAMPAY BRIDGE, BINIGYANG AKSYON NI VICE MAYOR JOHAIR MADAG INAKSYONAN ni City Vice Mayor Johair...
06/08/2025

PROBLEMA SA TRAPIKO SA MATAMPAY BRIDGE, BINIGYANG AKSYON NI VICE MAYOR JOHAIR MADAG

INAKSYONAN ni City Vice Mayor Johair Madag ang matagal nang problema sa trapiko sa Matampay bridge na nag-uugnay sa Cotabato City at Sultan Kudarat.

Ang matinding trapiko ay dulot ng illegal parking ng mga sasakyan sa lugar.

Sa tulong ni CTTMC Chief Moin Nul ay agad naglagay ng mga warning devices sa lugar upang masigurong hindi na mauulit ang illegal parking na matagal nang problema sa lugar.

Pinaalalahanan din ng mga opisyal ang publiko na palaging sumunod sa batas trapiko at maging magandang ehemplo sa iba pang mga drivers.
















Yes2Health Inc.

05/08/2025

OFW, NATULOG AT DI NA NAGISING SA BUS

Isang OFW na babae ang hindi na nagising matapos ang mahabang byahe mula sa Japan.

Base sa nakuhang flight ticket ay mula pa ito sa Nagoya, Japan at pauwi sana ng Dumaguete ngunit laking gulat na lamang ng mga pasahero ng bus na hindi na ito naggising at binawian na ng buhay.

🎥 Jepoy Zerimar
















Yes2Health Inc.

Address

Cotabato City

9600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when XFM 102.1 Cotabato posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share