
21/09/2025
๐๐๐-๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐
๐ซ๐๐๐๐จ๐ฆ ๐๐๐ฅ๐ฅ: ๐๐จ๐ญ ๐ ๐ฌ๐๐๐ ๐ฌ๐ฉ๐๐๐ ๐๐ง๐ฒ๐ฆ๐จ๐ซ๐
Lately, napapansin ko na parang nawawala na sa purpose ang page ng MSU-Mag Freedom Wall.
Dati, intended siya for open and honest expression pero ngayon, parang mas nagiging outlet na siya ng galit, paninira, at minsan, cyberbullying.
Okay ang freedom of expression, walang may ayaw nun. Pero sana, we learn to express ourselves with respect and professionalism. Hindi porket anonymous, okay nang manlait o manira. Letโs not forget na hindi lang tayo ang naaapektuhan kundi buong MSU ang nadadala sa image na pino-project ng mga ganitong content.
At isipin din natinโฆ sino ba talaga ang nakikinabang? Hindi malabong kumikita ang page na โyan from the posts, lalo na kung maraming engagement even if it's from hate or drama. Pero tayo/kayo? Naiiwan lang tayong/kayong divided, or worse, napapahiya.
Letโs be more mindful with what we post and support. Hindi lahat ng "trending" ay worth it. Hindi kailangang manira para lang mapansin. Letโs bring back the real purpose of freedom walls, safe space para sa saloobin, hindi para sa paninira.
Hindi lang ang page ang may kasalanan dito, kasi ang page ay sumusunod lang din sa requests ng mga estudyante kung anong content ang ipopost. Sana maging responsible din ang students sa pagpili ng mga content na gusto nilang i-post.
At sana maging responsible rin ang mga admin ng page sa pagpili ng mga dapat i-post at maging marespeto sa pag-response sa mga comment sections.
Tayo-tayo rin ang magtutulungan para mapanatili ang respeto at pagkakaisa sa community natin.
Kung may mga concerns kayo o gustong iparating, huwag mag-atubiling mag-reach out sa student governing body o personnel tulad ng Supreme Student Council at Division of Student Affairs para mas mapag-usapan ng maayos.