DXDM Layag News FM Cotabato

DXDM Layag News FM Cotabato The News Desk

6ID/JTFC, PAIIGTINGIN ANG SEGURIDAD PARA SA 2026 BARMM PARLIAMENTARY ELECTIONSPAIIGTINGIN ng 6th Infantry (Kampilan) Div...
26/08/2026

6ID/JTFC, PAIIGTINGIN ANG SEGURIDAD PARA SA 2026 BARMM PARLIAMENTARY ELECTIONS

PAIIGTINGIN ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central (JTFC) ng Philippine Army ang mga hakbang pangseguridad para matiyak ang ligtas, mapayapa at maayos na pagdaraos ng 2026 BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre 14.

Tinalakay sa Command Conference noong Agosto 25 ang kasalukuyang security situation, mga posibleng banta at operational plans, kabilang ang mas mahigpit na area monitoring, intelligence-driven operations at mabilis na pagtugon sa anumang insidenteng maaaring makaapekto sa halalan. Ipinag-utos din ang patuloy na koordinasyon sa COMELEC, Philippine National Police, mga lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya.

Binigyang-diin ni 6ID at JTFC Acting Commander Brig. Gen. Ricky P. Bunayog na mananatiling propesyonal, patas at mapagbantay ang mga tauhan sa kanilang tungkulin, habang iginagalang ang karapatang bumoto at ang constitutional mandate ng COMELEC bilang pangunahing ahensyang nangangasiwa sa halalan. Layunin ng security forces na maiwasan ang karahasan, pananakot at iba pang electoral interference upang malayang maipahayag ng mga Bangsamoro ang kanilang tunay na kagustuhan sa halalan.

DRUG DEN SA DATU ODIN SINSUAT, NADISMANTLE; APAT ARESTADONadismantle ng Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM ang isa...
26/08/2026

DRUG DEN SA DATU ODIN SINSUAT, NADISMANTLE; APAT ARESTADO

Nadismantle ng Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM ang isang drug den sa Barangay Baka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga noong Agosto 23, 2026.

Nasamsam sa buy-bust operation ang 18 heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 21.5 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱146,200. Narekober din ang buy-bust money, isang kalibre .45 na baril na may anim na bala, cellphone, pitaka at mga identification card.

Kabilang sa mga naaresto sina alyas “Manding,” 53, na sinasabing drug den maintainer; alyas “Bai,” 55; “Samir,” 21; at “Mauhajirin,” 20. Nahaharap ang mga ito sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act.

ALPHA SIGMA PHI BRODS AND SIS NG LANAO DEL SUR, NAGPAABOT NG SUPORTA KAY JUMAIDENagpaabot ng pasasalamat kay Women Secto...
25/08/2026

ALPHA SIGMA PHI BRODS AND SIS NG LANAO DEL SUR, NAGPAABOT NG SUPORTA KAY JUMAIDE

Nagpaabot ng pasasalamat kay Women Sector Representative Dayang Carlsum Jumaide ang miyembro ng Alpha Sigma Phi sa mga Brod at Sis ng Lanao del Sur.

Binigyang-diin ni Jumaide ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng tradisyunal na pagpapahalaga ng kapatiran—Silence, Charity, Purity, Honor, at Patriotism.

Nangako rin siyang makikiisa sa mga kapatid sa pagsasabuhay ng kanilang tanyag na adhikain na “To Better the Man.”

Dy Sangkula Jumaide

25/08/2026

𝗞𝗔𝗣𝗔𝗞𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗜𝗛𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗜 𝗕𝗙𝗣 𝗪𝗢𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗥𝗘𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗖𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘 𝗝𝗘𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗠𝗘𝗟𝗜𝗔 𝗨𝗦𝗢𝗣

Isusulong ni Jehan Amelia Usop, number 6 sa balota at kandidato bilang Women Sector Representative ng Bangsamoro Federalis Party (BFP), ang mga programa at batas na nakatuon sa kapakanan, proteksyon at pag-unlad ng mga kababaihan sa Bangsamoro.

Ayon kay Usop, kabilang sa kanyang pangunahing adbokasiya ang pagpapalakas ng access ng kababaihan sa serbisyong pangkalusugan, pantay na representasyon at oportunidad, gayundin ang pag-angat ng antas ng pamumuhay ng mga kababaihan at kanilang pamilya.

Partikular din niyang bibigyang-pansin ang mga kababaihang naapektuhan ng karahasan at armadong tunggalian sa Mindanao, kabilang ang mga nakaranas ng paglikas o bakwit. Aniya, malaki ang epekto ng conflict sa mga kababaihan na patuloy na nag-aalala sa kaligtasan, kinabukasan at pangangailangan ng kanilang pamilya.

Naniniwala si Usop na mahalagang maisama sa paggawa ng batas at mga programa ang tunay na karanasan at pananaw ng mga kababaihan upang mas epektibong matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Binigyang-diin din niya na ang maayos at matiwasay na pamumuhay ng mga kababaihan ay may direktang epekto sa kanilang pamilya at komunidad.

Aniya, kapag napangalagaan ang kapakanan ng kababaihan, mas nagiging matatag ang pamilya at mas nagkakaroon ng pagkakataong makamit ang isang mapayapa at maunlad na komunidad.

#𝑵𝒂𝒈𝒍𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒈
#𝑵𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂
#𝑵𝒂𝒈𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅

6ID, SUPORTADO ANG COMELEC KONTRA-BIGAY CAMPAIGNNagpahayag ng buong suporta ang 6th Infantry (Kampilan) Division (6ID) a...
25/08/2026

6ID, SUPORTADO ANG COMELEC KONTRA-BIGAY CAMPAIGN

Nagpahayag ng buong suporta ang 6th Infantry (Kampilan) Division (6ID) at Joint Task Force Central (JTFC) sa COMELEC Kontra-Bigay Campaign para sa mapayapa at kredibleng BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026.

Lumahok ang 6ID/JTFC sa COMELEC briefing para sa Committee on Kontra-Bigay at Committee on Environmentally Sustainable Elections sa Cotabato City nitong Agosto 25.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya at maiwasan ang vote-buying at vote-selling.

Tiniyak ni Brig. Gen. Ricky P. Bunayog, Acting Commander ng 6ID/JTFC, ang kanilang suporta sa COMELEC para sa ligtas, maayos at mapayapang halalan.

Photo: 6ID

10 BARANGAY SA SULTAN SA BARONGIS, NAKAHANDA SA DRUG-CLEARED CERTIFICATE RETENTIONNaghahanda ang LGU Sultan Sa Barongis ...
25/08/2026

10 BARANGAY SA SULTAN SA BARONGIS, NAKAHANDA SA DRUG-CLEARED CERTIFICATE RETENTION

Naghahanda ang LGU Sultan Sa Barongis para sa Drug-Cleared Certificate Retention ng 10 barangay sa bayan.

Isinasagawa ang koordinasyon at pagsusuri katuwang ang PDEA-BARMM upang matiyak na patuloy na nakasusunod ang mga barangay sa pamantayan para mapanatili ang kanilang drug-cleared status.

Layunin nito na mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga at mapanatili ang ligtas at drug-free na komunidad.

Photo: SSB LGU

25/08/2026

𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗡 SHARIF 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗢𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗨𝗟𝗔𝗡𝗔, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗦𝗔𝗠𝗢𝗥𝗢 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗟𝗜𝗔𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡

Hinikayat ni Sultan Sharif Samanodi Maulana, nominee ng Traditional Sector, ang mga Bangsamoro na makilahok sa nalalapit na First BARMM Parliamentary Election sa Setyembre 14, 2026.

Si Maulana, isang Sultan mula sa Tawi-Tawi, ay isa sa 10 nominees ng Traditional Sector at nag-iisang kandidato mula sa mga island provinces.

Kasalukuyan siyang nagsasagawa ng kampanya sa South Upi, Maguindanao del Sur upang maipakilala ang kanyang plataporma at hilingin ang suporta ng mga botante.

Ayon kay Maulana, mahalagang makilahok ang mga Bangsamoro sa unang parliamentary elections dahil bahagi ito ng matagal nang hangarin ng mga ninuno ng Bangsamoro para sa sariling pamamahala at awtonomiya.

Hiniling din niya sa mga residente ng South Upi na bigyan ng pagkakataon ang isang kinatawan mula sa island provinces na maging bahagi ng Bangsamoro government.

#𝑵𝒂𝒈𝒍𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒈
#𝑵𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂
#𝑵𝒂𝒈𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅

Macalian Footbridge, Muling Itinayo Matapos Wasakin ng Bagyong IndayMuling itinayo ang Macalian Footbridge matapos itong...
25/08/2026

Macalian Footbridge, Muling Itinayo Matapos Wasakin ng Bagyong Inday

Muling itinayo ang Macalian Footbridge matapos itong tangayin at masira ng Bagyong Inday, para muling mapadali at maging ligtas ang pagtawid ng mga residente.

Pinangunahan nina Mayor Pahmia Aratuc Manalao-Masurong at Vice Mayor Abolais Aratuc Manalao, katuwang ang mga mamamayan ng Sitio Macalian, ang pagpapatayo ng bagong footbridge.

Ayon sa lokal na pamahalaan, simbolo rin ang bagong tulay ng pagbangon, pagkakaisa at malasakit sa mga residente matapos ang pinsalang dulot ng bagyo.

25/08/2026

𝗗𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗦𝗨𝗠 𝗝𝗨𝗠𝗔𝗜𝗗𝗘, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗔𝗢

MAGUINDANAO — Nagpaabot ng pasasalamat si Women Sector Representative Dayang Carlsum Jumaide sa mainit na pagtanggap at suportang kanyang natanggap mula sa mga lokal na lider at mamamayan sa kanyang pag-iikot sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.

Ayon kay Jumaide, naging dagdag-inspirasyon sa kanyang paglalakbay ang positibong pagtanggap ng mga mayor, barangay leaders at mga residenteng kanyang nakakausap, kabilang ang mga nagpahayag ng suporta sa kanyang kandidatura.

Aniya, napapawi ang pagod sa bawat mensahe ng tiwala at suporta na kanyang naririnig mula sa mga komunidad.

Layunin ni Jumaide na maisulong sa Bangsamoro Parliament ang mga agenda at programa para sa kababaihan, partikular ang mga hakbang na makatutulong sa pagsusulong ng kanilang kapakanan at karapatan.

Sinabi rin niya na magpapatuloy ang kanyang pag-iikot sa iba pang mga munisipyo upang makausap ang mga lokal na lider at mamamayan at maibahagi ang kanyang plataporma para sa kababaihan sa Bangsamoro.

#𝑵𝒂𝒈𝒍𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒈
#𝑵𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂
#𝑵𝒂𝒈𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅

25/08/2026

𝗗𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗦𝗨𝗠 𝗝𝗨𝗠𝗔𝗜𝗗𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗣 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗜𝗛𝗔𝗡

Isinusulong ni Women Sector Representative Dayang Carlsum Jumaide ang mga programang tutugon sa partikular na pangangailangan ng kabataan at kababaihan sa Bangsamoro, kabilang ang mas matibay na proteksyon laban sa bullying at iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Ayon kay Jumaide, pinag-aaralan ng kanyang team ang isang mas angkop o tailored na mekanismo para sa mga sitwasyong nararanasan ng mga kabataan sa Bangsamoro.

Nais din niyang palawakin ang partisipasyon ng kababaihan sa pamahalaan at sa mga programa at proyekto ng Bangsamoro. Aniya, mahalagang mabigyan sila ng mas malaking papel sa pagpapaunlad ng pamilya at komunidad.

Hinimok ni Jumaide ang lahat ng Bangsamoro, kabilang ang kalalakihan at LGBTQIA+ community, na makiisa sa kanyang adbokasiya para sa karapatan, proteksyon at mas malawak na representasyon ng kababaihan sa pamahalaan.

Giit niya, ang kanyang pangunahing maiaalok sa mga botante ay ang kanyang track record sa serbisyo publiko at sinserong hangaring maglingkod.

#𝑵𝒂𝒈𝒍𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒈
#𝑵𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂
#𝑵𝒂𝒈𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅

Address

Cotabato City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXDM Layag News FM Cotabato posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share