13/08/2026
๐๐๐ฟ๐ผ ๐ธ๐ถ๐ป๐ถ๐ฑ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด, ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ฆ๐๐ฟ
Isang babaeng public school teacher ang kinidnap ng mga armadong lalaki sa isang liblib na lugar sa Barangay Lilod sa Maguing, Lanao del Sur nitong Miyerkules, August 12.
Kinumpirma nitong Huwebes ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson, ng Police Regional Office, ang pagka-kidnap sa naturang lugar kay Baesarome Dagalangit Bagul, isang teacher sa Malungon Elementary School sa Maguing, isa sa 39 na mga bayan na sakop ng Lanao del Sur.
Sa ulat ng mga barangay officials at mga imbestigador mula sa Maguing Municipal Police Station na nagresponde sa insidente, sakay ng isang tricycle si Bagul na hinarang ng mga armadong kalalakihan na magkasama sa isang kulay p**a na Toyota Rush.
Sapilitang pinasakay ng mga kidnappers si Bagul sa kanilang kotse at agad na tumakas.
Walang nagawa ang driver ng tricycle na si Saidona Sobngan Musa dahil armado ang mga dumukot kay Bagul.
Nagtutulungan ang mga units ng PRO-BAR sa Lanao del Sur at ang mga municipal officials sa Maguing sa paghanap kina Bagul at ang mga dumukot sa kanya. (AUGUST 13, 2026)