29/06/2025
SHIEK ABDULHADIE GUMANDER, HANDA NA SA PAGTATAKBO BILANG DISTRICT REPRESENTATIVE SA 2ND DISTRICT NG MAGUINDANAO DEL NORTE
Maguindanao del Norte – Isang matatag na paninindigan ang ipinamalas ni Shiek Abdulhadie Gumander matapos niyang opisyal na ihayag ang kanyang intensiyon na tumakbo bilang District Representative (Member of the Parliament) para sa 2nd District ng Maguindanao del Norte sa nalalapit na BARMM Elections ngayong Oktubre.
Sa kabila ng nalalapit pa lamang na campaign period na itinakda ng COMELEC sa Agosto, mas pinili ni Shiek Gumander na maagang ianunsyo ang kanyang kandidatura. Aniya, ito’y bilang tugon sa patuloy na panawagan at bukas na pagsuporta ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang barangay sa kanyang distrito.
Kabilang sa mga pangunahing adbokasiyang kanyang isinusulong ay ang:
✅ Moral Governance
✅ Pagpapalalim ng pananampalataya sa Panginoong Allah (SWT)
✅ Mahigpit na kampanya laban sa korapsyon
✅ Pagdadala ng mga programang pangkaunlaran at serbisyong
panlipunan sa mga komunidad na higit na nangangailangan.
Si Shiek Abdulhadie Gumander ay tatakbo sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP). Ang 2nd District ng Maguindanao del Norte ay binubuo ng mga bayan ng Parang at Sultan Mastura, na may kabuuang 38 barangays at tinatayang mahigit 80,000 rehistradong botante.
Tatlong personalidad ang naghain ng kandidatura para sa nasabing posisyon, ngunit itinuturing itong "Free Zone" ng UBJP—isang senyales ng respeto at pagkakaisa sa loob ng partido. Umaasa si Shiek Gumander na magiging mapayapa, malinis, at kapani-paniwala ang resulta ng halalan sa kanilang distrito.
Zie Ibrahim
Photo: Usama Salo, Zlive News Online