05/05/2025
๐๐ ๐ฅ๐จ๐จ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ซ๐ฆ๐ฌ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐จ๐๐ข๐ง๐ฌ๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐๐๐๐ญ๐จ, ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ ๐๐ญ ๐๐๐-๐๐๐๐๐
๐ช๐จ๐ด๐ท ๐บ๐ฐ๐ถ๐ต๐ฎ๐ช๐ถ, ๐จ๐๐๐๐, ๐ซ๐ถ๐บ, ๐ด๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐ต๐๐๐๐ โ Nadagdagan pa ang mga isinusukong mga loose fi****ms sa mga kasundaluhan makaraang panibagong dalawampuโt pitong mga armas ang isinurender sa mga probinsya ng Cotabato, Maguindanao del Sur at dalawang bayan ng SGA-BARMM nitong May 1, 2025.
Ayun kay Lt. Col. Erwin Dumaghan, Commanding Officer ng 40IB, resulta ito ng mahigpit na kampanya laban sa paglaganap ng hindi awtorisadong armas katuwang ang pambansang pulisya at suporta galing sa komunidad. Dagdag pa nito, sampung klase ng armas ang narekober mula sa Tugunan, SGA-BARMM habang labing-pitong armas naman ang isinuko mula sa bayan ng Pikit at Mlang sa Cotabato; Pagalungan at Datu Montawal sa Maguindanao del Sur; at Kapalawan sa SGA-BARMM.
Pormal naman itong iprenisinta kay Brig. Gen. Ricky P. Bunayog, Commander ng 602nd Infantry Brigade at sinaksihan ni Pikit Municipal Mayor Sumulong K. Sultan, PCol. Gilberto B. Tuzon, Provincial Director ng Cotabato PPO at PLt. Col. Tristan Vergel J. Sablada, Chief of Police ng Pikit MPS.
Sa pahayag ni Brig. Gen. Ricky Bunayog, โAng matagumpay na turnover ng mga armas sa ilalim ng SALW management program ay isang manipestasyon ng patuloy na pagtutulungan, koordinasyon, at suporta ng mga LGU sa ating hinahangad na kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad. Ito ay mangyayari lamang kung wala ng loose fi****ms na pwedeng gamitin sa mga krimen at kaguluhan,โ wika pa nito.
Binigyang diin naman ni Maj. Gen. Donald M. Gumiran, Commander ng 6ID at JTFC ang commitment ng kasundaluhan upang maipatupad ang mga nakalaang programa ng gobyerno ukol sa loose fi****ms.
โAng 6ID at JTF Central ay katuwang ninyo sa pagpapatupad ng makabagong programang ito. Kasama ang ibaโt ibang ahensya ng gobyerno at mga local officials ng mga bayan, naway maging magandang simulain ito upang makamit natin ang kapayapaan, seguridad, at kaunlaran sa Central at South-Central Mindanao,โ aniya pa ni Maj. Gen. Gumiran.
Patuloy ang panawagan ng militar sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad upang tuluyang maalis ang mga ilegal na armas at mapanatili ang kapayapaan sa buong rehiyon.
Please follow, like and Share our page:
https://www.facebook.com/share/15b3LeU7Ti/?mibextid=wwXIfr