21/08/2026
"๐๐ก๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ข๐ฌ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ญ๐ก ๐๐ฒ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ซ."
Ngayong araw ay ginugunita ang ika-43 na anibersaryo ng pagkawala ni Benigno "Ninoy" Aquino.
Isang lider at mambabatas na hindi gumamit ng dahas upang ipakita ang kaniyang pagtutol sa sistemang kaniyang kinalaban. Sa halip, ang kaniyang paninindigan at tapang ang naging mitsa ng apoy na sumiklab sa puso ng bansang patuloy na naghahangad ng kalayaan mula sa diktadurya.
Taos-puso nating binibigyang-pagpupugay ang tapang, talino, at dangal ni Ninoy. Hanggang sa kaniyang huling hininga, ang Inang Bayan lamang ang tinitibok ng kaniyang puso. Ang araw na ito ay hindi lamang pagkilala sa ating bayani, kundi isang udyok para sa kabataan na paigtingin ang pusong Pinoy, huwag matakot ipagtanggol ang tama, at patuloy na ipaglaban ang kapakanan ng bawat Pilipino.
Dahil katulad ni Ninoy, ang mga Pilipinong namulat na ay hindi na muling pipikit.
โ๏ธ: ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ด๐ด๐ข๐ฉ ๐๐ฆ๐ฏ๐ฅ๐ฐ๐ฏ
๐ผ๏ธ: ๐๐ฆ๐ญ๐บ๐ฏ ๐๐ข๐ญ๐ถ๐บ๐ข