29/10/2025
๐๐๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐ฎ
Pangarap ng maraming kababaihan ang isang espasyong ligtas mula sa anumang uri ng karahasan, pambabastos, at pangkukubli. Subalit nakalulungkot isipin na nananatili pa rin itong pangarap hanggang sa kasalukuyan, sapagkat ipinagkakait pa rin sa lahat ang ligtas na lugar na nagbibigay ng mas maigting na lokal na ordinansa: mga ordinansang totoong nagpoprotekta at nagbibigay ng malasakit sa kababaihan.
Kahapon, ika-28 ng Oktubre, umugong ang isang panukalang ordinansa na naglalayong ipagbawal ang pagsusuot ng maiikling palda sa mga paaralan at naibalitang umuusad na sa Sangguniang Panlalawigan sang-ayon sa ibinahaging post ng Daeteรฑo Online News. Ang ordinansa umanoโy isang hakbangin bilang anyo ng proteksiyon at pagtataguyod ng moral na pamantayan at tamang asal sa mga babaeng estudyante.
Isang reyalidad, magkasanggang-dikit na sa lipunan ang usapin patungkol sa mga babae at kasuotan. Kapag may krimen na pumapatungkol sa pang-aabuso o pananamantala sa kababaihan, napakadali para sa ilan na ituro ang kanilang mga daliri sa naging biktima at lakas-loob na tanungin kung ano ang kasuotan nila, kahit ang totoo? ๐ช๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฏ๐น๐ฒ๐บ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ธ๐๐ถ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ผ, ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐๐บ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐๐บ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ฏ๐๐๐ผ.
Madali lang naman unawain na hindi ang haba at tabas ng tela ang dapat na puntiryahin kapag ang mga mata at isip na ang nagkasala. Hindi ang paraan ng pagpapahayag ng sarili ang dapat punahin kun'di ang mga mali at malisyosong tingin ng mga tao.
Isang kakatwang solusyon ang pagpapatupad sa mga ordinansang may pailalim na pagpuntirya sa hangganan ng kasuotan ng mga kababaihan na nagbabalatkayo bilang proteksiyon sa anumang uri ng pananamantala.
Sa halip na magbigay ng seguridad, tila binubuhay lamang nito ang mga luma at mapanuring pananaw na ikinakahon ang dangal ng babae sa uri at haba ng kanyang kasuotan. Ang ganitong patakaran ay hindi tunay na proteksiyon, kunโdi isang tusong anyo ng kontrol at pagdikta sa kung paano dapat kumilos, manamit, at magpahayag ang mga kababaihan ng kanilang sarili.
Sa dinami-rami ng problema sa lokal na sektor ng edukasyon, nakapanlulumo na naisasama pa at mas binibigyang-diin sa mga pagdinig ang haba ng palda ng mga estudyante. Na para bang nakasalalay lamang sa haba ng tela ng bawat palda ang kaligtasan ng bawat estudyante at ang haba nito ang magliligtas sa kanila sa panganib. ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐โ๐บ๐ฎ๐น๐ถ.
Kung tunay na proteksiyon sa kababaihang mag-aaral ang layunin ng mga hunyangong ordinansa, bakit hindi nila mas paigtingin ang implementasyon ng mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan katulad ng mga komprehensibong batas sa karapatan ng mga kababaihan na nakapaloob sa Bawal Bastos Law o โdi kaya naman ng Magna Carta of Women (Republic Act No. 9710)?
Kung tutuusin, hindi ang maiksi o lagpas tuhod na palda ang dapat na mas pagtuunan ng pansin pagdating sa mga mag-aaral sa anumang antas. Mas nakasisindak pa rin ang hanggang tuhod na baha na nilulusong ng mga g**o at mga estudyante, mga daang patuloy na tinatahak kahit lubak-lubak, maputik at lubog-sa-baha tuwing umuulan. Hindi rin mabibigyang proteksiyon ng mas mahabang palda ang maiinit na silid-aralan ng mga eskwelahan na mas marami pa ang bilang ng sirang upuan at hindi makamit-kamit ang 1:1 na ratio ng mga aklat.
Higit sa lahat, pakatandaan na hindi lamang tao ang mapagsamantala, mapagsamantala rin ang baluktot at regresibong mga sistema at ordinansa. At sa mga ganitong uri ng sistema dapat mas pinoprotektahan ang mga kababaihan.
Hanggang dulo, ang tunay na tanong ay hindi kung gaano kaikli ang palda, kun'di kung gaano kaliit ang espasyo na ibinibigay natin sa kababaihan upang maging ganap na tao.
Hanggaโt iyon ay nananatiling salat, walang sinumang babae ang tunay na ligtas at walang lipunan ang tunay na malaya.
โ๏ธ Francia Ann R. Montuya, ๐๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ
Layout by Marc Angelo M. Del Barrio, ๐๐ฏ๐ต๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ข๐ญ ๐๐ด๐ด๐ฐ๐ค๐ช๐ข๐ต๐ฆ ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ