
31/01/2025
๐๐๐ฃ ๐๐ง ๐ฉ๐๐๐ ๐ก๐๐๐๐ง๐๐๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐๐ช๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐๐ข๐ฅ๐จ๐ ๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ช ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ง๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ๐ข๐ฅ ๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐ฉ๐๐ก๐ญ๐ข๐ก๐ฆ, ๐๐๐ฆ๐จ๐, ๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ฆ, ๐๐๐๐ง ๐๐ง ๐ง๐๐๐๐ฆ๐๐ฌ
KBP Camarines Norte - Chapter (February 1, 2025) | Nakatakdang isagawa ngayong araw ng Sabado, Pebrero 1, 2025, ganap na alas 2:00 ng hapon sa Central Plaza Mall - Atrium sa bayan ng Daet, Camarines Norte ang sabayang Candidates Forum para sa mga kumakandidatong Mayor mula sa mga bayan ng Daet, Vinzons, Basud, Mercedes at Talisay.
Ang pangunahing layunin ng aktibidad ay makapaghatid ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Camarines Norte ng sapat na kaalaman sa mga botante upang magkaroon ang mga ito ng kakayahan na makatutulong sa kanilang paninindigan na siyang magiging batayan at gabay sa kanilang pagboto sa darating na halalan.
Uumpisahan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni Ret Col Ramon P. Dominguez, Vice President ng VACC Camarines Norte, susundan ito ng paghahayag ng layunin ng aktibidad na gagampanan ni Mr. Cesar E. Barcelona Sr, CESO V, LL.B., BSC, President ng KBP Camarines Norte Chapter.
Kasunod nito ang presentation ng mechanics at ground rules ng forum na ihahatid ni Mr. Rene Abrera, Secretary ng VACC Camarines Norte, kasunod nito ang Inspirational Message mula kay Dr. Sarah Marie Pante-Aviado, Provincial Information Officer ng Provincial Government ng Camarines Norte.
Samantalang ipapakilala naman ni Ginoong Rommel Fenix, Vice President ng KBP Camarines Norte ang mga bumubuo ng Panel na kinabibilangan nina Atty. Fatima R. Badaguas, Practicing Lawyer mula sa FRB Law Office, Mr. Romeo Rellermo, Retired Government Employee, Mr. Adonis Salen, Chairperson ng Union of Student Government ng CNSC at Dr. Sarah Sarah Marie Pante-Aviado, Provincial Information Officer ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte.
Magsisilbi namang moderator sa kabuuan ng aktibidad ay si Pastor Jhun Villaraza, mula sa Provincial Information Office at BOD ng KBP Camarines Norte at kasunod na nito ang pangwakas na pananalita ni Mr. Jorge Dayaon, Station Manager ng Radyo Pilipinas-Camarines Norte at BOD ng KBP Camarines Norte. Gaganap namang master of ceremony sina Mr. Ferdinand Odi at Former PB at Barangay Affairs Officer Irene Castillo - Cambronero.