05/07/2026
๐
๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ & ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐:
Nais po naming ipabatid na ang Spaghetti Wires Clearing Operations ay sinimulan na sa kasentrohan ng Daet at unti-unting isasagawa sa iba pang mga kalsada at sa lahat ng barangay.
Ito po ay hindi isang-bagsakang operasyon, kundi bahagi ng tuloy-tuloy na programa ng ating lokal na pamahalaan katuwang ang mga electric distribution utility at telecommunications service providers upang maalis ang mga abandonado at nakalaylay na kable, mapanatili ang kaayusan, at higit sa lahat ay mapabuti ang kaligtasan ng lahat.
Humihingi po kami ng inyong pang-unawa kung may pansamantalang abala habang isinasagawa ang mga operasyon. Makakaasa po kayo na ang paglilinis at pagsasaayos ng ating mga linya ay magpapatuloy hanggang marating ang lahat ng barangay.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta sa ating sama-samang layunin na mapanatiling ligtas, maayos, at mas maaliwalas ang Maogmang bayan ng Daet.