23/03/2025
ANG TIWALA: SALAMIN NG PAGSASAMAš
Huwag mong hayaang masira
ang TIWALA ng asawa mo,
dahil kapag yan ang nawala,
araw-araw kang pagdududahan,
kahit pa wala kang ginagawang mali.
Ang TIWALA ay isang bagay na hindi kayang tumbasan ng pera.
Kaya habang may tiwala pa siya sa'yo, pahalagahan mo.
Huwag mong sirain.
Huwag mong sayangin.
Kapag nasira na ang tiwala,
ang duda ay laging nariyan, sa bawat kilos mo at salita.
Kahit magbago ka pa, hindi na 100% ang tiwala niya. Kahit anong gawin mo, may pagdududa pa rin siya.
Tapos, sasabihin mong masyado siyang mahigpit, selosa, o pakiramdam mo'y nasasakal ka na.
Pero alalahanin mo, sinira mo ang tiwala niya.
Para yang salaminākapag nabasag, hindi na muling mabubuo tulad ng dati.
Kung nawala na ang tiwala niya sa'yo,
magsikap kang bumawi. Ipakita mong nagsisisi ka, huwag mong ulit-ulitin ang mga bagay na alam mong ikinasama ng loob niya.
At huwag mong isisi ang ugali niya.
Ang ugali ng isang babae, madalas, ay repleksyon ng kung paano mo siya tinatrato.
Kung paano mo siya pahalagahan, ganoon din siya tutugon sa'yo.
This message is not mine ..im just saying...