02/08/2026
May naisip lang ako since madaling-araw at hindi makatulog…
Midnight Thoughts ng Trentahin
Napatanong ako sa sarili ko,
“Kailan ba talaga darating yung swerte ko?”
Tapos natawa ako.
Kasi parang… saan ba yan nabibili? Sa TikTok? Sa Shopee? Baka may “Add to Cart: Swerte” lang akong hindi pa nakikita. 😅
Pero habang tumatagal akong nakatulala, may na-realize ako.
Baka hindi naman talaga swerte ang kulang.
Baka timing.
Kasi hindi lahat ng maganda, dumarating agad.
May mga pangarap na kailangang paghirapan.
May mga panalangin na kailangang paghintayin.
May mga tao ring kailangang ihanda muna bago ibigay ang hinihiling nila.
Na-realize ko rin…
Hindi dahil may magandang trabaho ang isang tao o may pera siya, ibig sabihin siya na ang pinakaswerte.
At hindi rin dahil nahihirapan ka ngayon, ibig sabihin malas ka na.
May kanya-kanya tayong oras.
May mabilis.
May mabagal.
Pero ang mabagal, hindi ibig sabihin wala.
Minsan, hinahasa ka lang.
Pinapatatag.
Pinapalaki ang kapasidad mo para kapag dumating na yung pagkakataon mo, kaya mo na itong panindigan.
Kaya siguro mali yung tanong ko.
Hindi dapat…
“Kailan darating ang swerte ko?”
Mas magandang itanong…
“Kapag dumating na ang tamang timing… handa na ba ako?”
At doon ko na-realize…
Hindi SWERTE ang hinahanap ko. TIMING lang pala.
At sa tamang timing, dapat handa ka.
Magandang umaga. 🤍
— Midnight Thoughts by Nix Creatives Nix Adventure Junix Angana