Trending Philippines

Trending Philippines Your daily dose of trending stories, viral moments, and real talk from across the Philippines. Follow for what’s buzzing nationwide today! 🇵🇭🌏

News, culture, and community updates that keep you informed, entertained, and connected. Welcome to Everyday Trends! 🌍

Stay updated, stay inspired, and stay entertained! Everyday Trends brings you the latest in world news, viral entertainment, and thought-provoking quotes—all in one place. Whether you're looking for trending stories, motivational words, or must-know updates, we've got you covered

.

🔹 Breaking News & Global Updates 📰
🔹 Viral Trends & Pop Culture 🎭
🔹 Inspiring Quotes & Life Lessons 💡

Join us on this journey of daily discoveries. Like, follow, and never miss a trend!

📌 Follow us for your daily dose of Entertainment, Wisdom & News! 🚀

03/04/2026

LIVE SA TV PATROL!

Hindi ko akalaing makaka-guest ako sa TV Patrol kasama si Ms. Bernadeth Sambrano!

Solid! 🙌

25/03/2026

“WALANG PAMBILI NG OXYGEN? PAMILYANG ITO, NAG-IMPROVISE PARA LANG MALIGTAS ANG AMA!”
Isang nakakaantig na kwento ang nagmula sa Sagñay, Camarines Sur kung saan isang pamilya ang napilitang gumawa ng sariling “improvised oxygen” gamit lamang ang balde, clip fan, at lumang hose para sa kanilang amang may malubhang karamdaman.
Ayon kay Rainiel Bonancia, 24, hindi na nila kayanin ang gastos para sa oxygen tank para sa kanilang ama na si Tatay Jeorge, 47, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin—kahit pa sampu silang magkakapatid.
Kwento niya, mismong ang kanilang ama ang nagmungkahi ng ideya. Sa tulong ng kanyang tiyuhin, kanilang ginawa ang simpleng aparato kung saan dinidiretso ang hangin mula sa electric fan papunta sa binutas na balde at plastik na bote, na nilagyan pa nila ng kaunting tubig.
Dating karpintero si Tatay Jeorge ngunit madalas na itong na-oospital dahil sa mga sakit sa bato, atay, puso, at baga. Bukod sa oxygen, kailangan din niya ng nebulizer, gatas, at iba’t ibang gamot.
Sa kabila ng hirap, umaasa ang pamilya. Ayon kay Rainiel, kapag bumuti ang kalagayan ng kanyang ama, nais nitong makumpleto ang “Way of the Cross” ngayong Semana Santa.

Trending Philippines

23/03/2026

Trending Bus with cheerful horn and glowing lights ♥️🌈

Pumunta ang     sa amin para interviehin kami sa nangyari pero ano yang binalita niyo. Puro mali mali ang binalita niyo....
22/03/2026

Pumunta ang sa amin para interviehin kami sa nangyari pero ano yang binalita niyo. Puro mali mali ang binalita niyo. 37 years old ang kuya namin. At di na siya sinugod sa hospital dahil naka standby nalang ang ambulansiya doon. At walang concrete evidence na kuya namin bumangga sa bus. Ni hindi nga ipinakita ng ang dashcam nila para makita tlga sino ang may kasalanan. Kung ano sinabi ng mismong driver ang ginawa nilang batayan. Ano yan nasuhulan ba dahil napakalaking tao ng nasa likod ng partas bus? Oo mahirap kami wala kaming kalaban laban sa malalaking tao Nagpaunlak kami ng interview dahil baka matulungan niyo ami Sinabi ko pa doon na wala pa kaming natatanggap na tulong kahit piso at wala pang final settlement dahil ang tagal naman magdesisyon ang nasa taas ng partas bus. Ano ang tawag sa mali-maling pagbabalita? Hindi tlga kayo mapagkakatiwalaan na taga . Sana naman humanap kayo ng mga reporters niyo na mapagkakatiwalaan at tama kung magbalita. Kayo din ang nasisira sa mga pinaggagawa niyo 😡

20/03/2026

Pwede palang kasuhan ang magulang ng bully… pero kailan nga ba? 🤔
Trending Philippines

ISANG LALAKI SA NAGA CITY, NASAGIP NG OFF-DUTY RESPONDER MATAPOS MAG-COLLAPSE SA BANKOAgad na nasagip ang isang lalaki m...
19/03/2026

ISANG LALAKI SA NAGA CITY, NASAGIP NG OFF-DUTY RESPONDER MATAPOS MAG-COLLAPSE SA BANKO

Agad na nasagip ang isang lalaki matapos itong mawalan ng pulso at hindi na huminga habang nagwi-withdraw sa isang bangko sa Naga City nitong Sabado.

Buti na lamang at naroon ang isang off-duty responder ng MDRRMO Minalabac na si Mark Ariel Juanillas, na mabilis na rumesponde sa insidente. Kaagad niyang isinagawa ang CPR nang makitang kritikal na ang kalagayan ng biktima.

Ayon kay Juanillas, bago pa matapos ang isang cycle ng CPR ay nagpakita na agad ng senyales ng buhay ang lalaki hanggang sa tuluyang magkamalay.

Pinuri naman ng kanilang tanggapan ang kanyang mabilis at tamang aksyon, na patunay ng kahalagahan ng sapat na training at kahandaan sa oras ng emergency.

16/03/2026

Trending: Bakit si Petron??

Trending Philippines

16/03/2026

MEGA OIL PRICE HIKE ALERT!

Nakakabigla ang naitalang pagtaas ng presyo ng krudo ngayong gabi sa isang istasyon ng Caltex sa Daraga.

Batay sa larawang kuha, ang diesel ay nasa ₱102.50 na, habang ang gasoline ay pumalo na sa ₱82.50 — kahit ang inaasahang mega oil price hike ay magsisimula pa lamang bukas, March 17.

Malaking dagdag-pasanin ito sa mga motorista, tsuper, at pamilyang Pilipino na araw-araw umaasa sa transportasyon at bilihin.

Maghanda at magplano… dahil posibleng maramdaman pa ang mas mabigat na epekto sa mga susunod na araw.

📸 Jamel Aves

WORLD MEDIA NAGKAISA! May bago nang bansag sa Pinoy sports icon — “The People’s Princess!”Habang kilala na ang Pilipinas...
15/03/2026

WORLD MEDIA NAGKAISA! May bago nang bansag sa Pinoy sports icon — “The People’s Princess!”

Habang kilala na ang Pilipinas sa “The People’s Champion” na si Manny Pacquiao, ngayon naman ay tinatawag na ng international media si Alex Eala bilang “The People’s Princess.”

Hindi Pilipino ang nagbigay ng mga titulong ito, kundi mga dayuhang journalists at fans na humanga sa kanilang galing, karisma, at fighting spirit!

Mula boxing ring hanggang tennis court, patuloy na pinapatunayan ng mga atletang Pinoy na kaya nating makipagsabayan sa mundo!

Agree ka ba sa bagong bansag kay Alex? Comment mo na! 👇

BAKIT NGA BA TINIGIL NG PHOENIX ANG ALOK NA LIFETIME FUELNagbigay ng mas malinaw na pahayag ang Phoenix Petroleum kaugna...
15/03/2026

BAKIT NGA BA TINIGIL NG PHOENIX ANG ALOK NA LIFETIME FUEL

Nagbigay ng mas malinaw na pahayag ang Phoenix Petroleum kaugnay sa kontrobersiya tungkol sa umano’y biglaang pagtigil ng kanilang alok na free lifetime fuel para sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Ayon sa kumpanya, dalawang taon nilang aktuwal na sinuportahan ang atleta sa pamamagitan ng libreng gasolina. Gayunman, natigil ang benepisyong ito nang pumasok si Diaz sa bagong kontrata sa ibang oil company, bagay na nakaapekto sa kasunduan nila sa brand.

Ibinahagi ng Phoenix na noong Marso 2022, natanggap na ni Diaz ang fuel donation para sa ikalawang taon. Subalit nang hilingin umano ng kumpanya na maibahagi ito sa social media bilang bahagi ng kanilang brand partnership, hindi ito naisagawa dahil sa bagong sponsorship agreement ng atleta.

Sa kanilang pahayag, iginiit ng kumpanya na natupad nila ang kanilang obligasyon, at tulad ng ibang corporate donations, may kalakip itong mga kondisyon — kabilang ang brand alignment at exclusivity. Dahil nagbago ang sitwasyon at may ugnayan na si Diaz sa ibang fuel brand, hindi na raw posible na ipagpatuloy ang parehong benepisyo sa dating paraan.

Nagulat din ang Phoenix kung bakit muling naging mainit na usapin ang tungkol sa libreng gasolina makalipas ang ilang taon, at sinabi nilang mas makabubuti sana kung nagkaroon muna ng direktang komunikasyon bago ito nailabas sa publiko upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng kumpanya na patuloy pa rin nilang pinahahalagahan ang suporta para sa pambansang atleta — ngunit malinaw na ang ganitong uri ng sponsorship ay nakabatay sa mga kasunduang kailangang sundin ng magkabilang panig.

Jamel

14/03/2026

Akala ng lahat pump boy lang siya, pero...

Cum Laude graduate at Supervisor pala!

Nag viral ang tinaguriang “Viral Gasoline Boy” matapos ang matalinong sagot niya sa interview tungkol sa taas-presyo ng petrolyo. Sa kabila ng kaniyang pinag-aralan at mga achievements, pinili niyang maging proud sa marangal na trabaho, patunay na walang maliit na trabaho sa taong may pangarap at sipag.

Nakaka-inspire o nakaka-lungkot ba ang kaniyang kwento? Ikaw, anong masasabi mo? 👇

Trending Philippines

Address

Daraga

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Trending Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share