30/07/2025
JUST IN: Nagpalabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ng tsunami information advisory no. 2 (Minor Sea Level Disturbance) ngayong umaga, matapos ang magnitude 8.7 na pagyanig sa bansang Russia.
Batay sa updated na kalkulasyon ng magnitude at mga modelo ng alon ng tsunami sa Pacific Tsunami Warning Center, inaasahang makararanas ang mga baybaying-dagat sa Pilipinas kasama na ang lalawigan ng Albay, na nakaharap sa karagatang Pasipiko ng taas ng alon ng tsunami na hindi hihigit sa isang (1) metro.
Ang unang alon ng tsunami ay inaasahang darating sa pagitan ng 01:20 PM hanggang 02:40 PM, 30 Hulyo 2025 (PST).
Maaaring hindi ito ang pinakamalaki at ang mga alon na ito ay maaaring magpatuloy ng ilang oras.
Pinapaalalahanan ang mga residenteng naninirahan malapit sa mga baybaying-dagat sa Albay ay lumikas sa mas mataas na lugar.
Mahigpit ring inirekomenda ng ahensya ang pagpalaot ng mga sasakyang pandagat dahil sa inaasahang taas ng alon.
JUST IN: Nagpalabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ng tsunami information advisory no. 2 (Minor Sea Level Disturbance) ngayong umaga, matapos ang magnitude 8.7 na pagyanig sa bansang Russia.
Batay sa updated na kalkulasyon ng magnitude at mga modelo ng alon ng tsunami sa Pacific Tsunami Warning Center, inaasahang makararanas ang mga baybaying-dagat sa Pilipinas kasama na ang lalawigan ng Albay, na nakaharap sa karagatang Pasipiko ng taas ng alon ng tsunami na hindi hihigit sa isang (1) metro.
Ang unang alon ng tsunami ay inaasahang darating sa pagitan ng 01:20 PM hanggang 02:40 PM, 30 Hulyo 2025 (PST).
Maaaring hindi ito ang pinakamalaki at ang mga alon na ito ay maaaring magpatuloy ng ilang oras.
Pinapaalalahanan ang mga residenteng naninirahan malapit sa mga baybaying-dagat sa Albay ay lumikas sa mas mataas na lugar.
Mahigpit ring ipinagbabawal ng ahensya ang pagpalaot ng mga sasakyang pandagat dahil sa inaasahang taas ng alon.