Kuya Jher

Kuya Jher Isa lang po akong simpleng
Mananahi na Christian CONTENT CREATOR

19/05/2025
18/05/2025

Marami ang nagtatanong…
Sino nga ba talaga ang Diyos?

Sinasabi sa Deuteronomio 6:4: na nagsasabing may Isang Diyos lamang
“Dinggin mo, Oh Israel: Ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon.”

Siya Ang Ating Tagapaglalang at Siya Ang may Kapamahalaan

Mga Gawa 17:24,26,28
[24]Siya ang gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto, siya ang Panginoon ng langit at ng lupa. Hindi siya nananahan sa mga templong ginawa ng tao.
[26]Mula sa isang tao'y nilikha niya ang lahat ng lahi sa buong mundo. Itinakda niya sa simula't simula pa ang kani-kanilang panahon at hangganan.
[28]sapagkat, ‘Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, ‘Tayo nga'y mga anak niya.’

Siya ay taga-langit
Mga Gawa 7:49
Ang langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon, ‘at ang lupa ang aking tuntungan. Ano pang bahay ang itatayo ninyo para sa akin, o anong lugar ang pagpapahingahan ko?

Siya Ay Hukom
Mga Awit 50:6
At ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran; sapagka't ang Dios ay siyang hukom.

Siya ay Espiritu
Juan 4:24
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.

Siya ay Nahayag sa Laman
1 Timothy 3:16
At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Yaong nahayag sa laman, Pinapaging-banal sa espiritu, Nakita ng mga anghel, Ipinangaral sa mga bansa, Sinampalatayanan sa sanglibutan, Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.

Siya ay Tagapagligtas
Tito 2:13
Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;

Sa mga nagdaang panahon na Hindi natin pagkilala sa Diyos at Kanyang pinalipas.
NGUNIT ngayon, Siya ay nahayag at nagpakilala sa atin ngayon.
Mayroon lamang iisang tunay na Diyos; at
gayon kilala natin siya bilang Panginoong
Jesucristo.

Mga Gawa 17:30
Sa mga nagdaang panahon ay hindi pinansin ng Diyos ang di pagkakilala sa kanya ng mga tao, ngunit ngayon ay iniuutos niya sa lahat ng tao sa bawat lugar na magsisi't talikuran ang kanilang masamang pamumuhay.

Gusto mo bang mas makilala ang iisang Diyos?
Follow mo ako para sa mas marami pang Bible Truths.

Address

Dasmariñas
4114

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kuya Jher posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share