04/09/2026
PAYO NI JONVIC KAY THIRD...
(Part 2: with Video Clip & Photos)
* Ang mga Ama na Makikisig at Matitikas na mga Politikero ng Cavite at ng Dasmariñas.
* Si Gov. Johnny "Wapog" Remulla na Ama ng Industriyalisasyon ng Cavite, ang Ama ni DILG Sec. Jonvic Remulla.
* Si Cong. Elpidio "Pidi" Barzaga, Jr. ang Ama ng Tinatamasang Kaunlaran ng Dasmariñas, ang Ama ni Mayor Third Barzaga
* Mga karanasan ni Sec. Jonvic Remulla nang pasukin ang Politika bilang Cavite 2nd District Provincial Board Member noong 1995-1998.
Vice Governor noong 1998-2007 at Governor noong 2010-2016, 2019-2024 at kasalukuyang DILG Secretary.
Nagmistulang nakatatandang Kapatid o Kuya na pinayuhan ni Sec.Jonvic si Mayor Third, at narito, basahin natin ang kanyang naging Payo...
"Ang gabing ito'y tungkol kay Third (Barzaga).
Third, napakabigat ang pasan na Dala mo.
Dala mo ang pangalan ng Barzaga.
Dala mo ang pangalan ng iyong Ama... ng iyong Lolo.
Dala mo ang pangalan ng Lahi na Magigiting na nagtanggol, hindi lang sa ating Lalawigan kundi sa buong bansa.
Dala mo rin ang pangalan ng nagtaguyod ng Bagong Dasmariñas.
Dala mo ang Samahan na nagtaguyod sa iyong Pamilya para umakyat.
DINAANAN KO RIN IYAN AT NAPAKABIGAT...
...pero ang Hamon na iyan ay nasa iyo, kung kaya mong tanggapin at kung kaya mong harapin.
Marami d'yan ikukumpara ka lagi... kung ano ka, kumpara sa iyong ama.
Hindi mo kailangang gayahin ang iyong Ama, you are not Pidi Barzaga,
you are Third Barzaga and make a name for yourself, who you are and what you believe in, and everyone here is behind you all the way.
So, good luck to you sa darating na Panahon.
- - - o o O o o - - -
SAMANTALA...
...nitong nakalipas na mga buwan ng June at July, napabilang ang Lungsod ng Dasmariñas sa Survey ng Social Pulse Philippines noong June 27-28, 2026 mula sa 1,000 respondents kung saan pumang-pito sa Ranking bilang isa sa labing-dalawa na Top Performing Vice Mayor in the Province of Cavite, na si ngayon ay...
...MAYOR THIRD BARZAGA.
23 ang mga Lungsod at mga Munisipyo sa buong Cavite at labing-dalawa lamang ang naka-pasok sa Kategoryang "Top Performing Vice Mayor" kung saan nakakuha ang noo'y Vice Mayor Third ng 87.3% Ranking.
Kung ikukumpara sa anim nauuna, si noon ay Vice Mayor Third ang pinakabaguhan at pinakabata,
pero siya ang may pinakamalaking Lupang Hurisdiksyon at Pinakamaraming Populasyon na 'Pinaglilingkuran' sa buong Cavite, at iyan ay ang...
...LUNGSOD NG DASMARIÑAS.
At nitong buwan naman ng July, mas lalo pang Tumaas ang Performance Ranking ni Mayor Third, noong siya'y vice mayor sa 90.4%, kung saan mula sa pampito, umakyat sa panglima bilang isa sa mga pinakamahuhusay na Vice Mayor ng Cavite.
Bilang anak ng mga naging Mayor ng Dasmariñas na sina Cong. Pidi Barzaga at Congw. Jenny Barzaga, maraming Dasmariñenos ang naniniwala sa KAKAYAHAN ni Mayor Third na siya'y magiging Mahusay ding Alkalde, dahil sa ito'y...
...NANANALAYTAY SA DUGO niya
Jenny Austria-Barzaga